“HALIMAW NA CHLOOOOEEEEEE!!”

Napatigil ako sa paglalakad nung marinig ko ang sigaw na ‘yon. Pati tuloy si Kier napatigil din. Tinignan niya ako na para bang nagtataka. “Why did you stop?” Tanong niya with matching taas nung left eyebrow niya. Waaa ang pogi.

Hindi ko siya sinagot, instead pa-slow motion akong lumingon sa sumigaw nun. Isa lang naman ang tumatawag sa akin nun eh.

“HOY BATANG TYANAK! BUMALIK KA NGA DITO! HUMANDA KA TALAGA SA AKIN PAG-UWI KO MAMAYA!! IPAPAKAIN KITA KAY IVAN!!!”

Tama kayo. Ang batang tyanak na ‘yon ay si Sakura. Pesteng bata ‘yon!! Tinawag ba naman akong halimaw? UGGGHHH. To think na kasama ko si Kier ha! Humanda talaga sa akin ‘yon mamaya. Alam niyo kase kaming magkakapatid may tawag kami sa isa’t isa. Ang tawag nila sa akin ay halimaw, kay Sakura naman ay batang tyanak at kay Ivan ay bakulaw. Grabe kami ‘no? Kaso nakasanayan na kasi namin yan eh.

“Grabe ‘yang boses mo ah? Hanep, pwede ng megaphone.”

Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa gilid ko. Omyghaaaad! Nandito nga pala si Kier! Narinig kaya niya yung tinawag sa akin ni tyanak? Bwisit talaga yung batang ‘yon!!

“S-sorry. Epal kasi yung batang ‘yon eh.”

“Kaano-ano mo ba yung bata?”

“Kapatid ko.”

Mga isang minuto rin bago siya makapag-salita. O-kay? Anong kagulat-gulat sa sinabi ko?

“Weh?”

-________-

“Oo nga.”

“Ang cute ng kapatid mo!”

Ano daw sabi niya? Cute? Cute yung kapatid ko? Waaa, sinungaling siya!! Kailan ba naging cute yung tyanak na ‘yon? At teka, bakit ba laging sinasabihan yung batang yun na cute? KAILANGAN NILA NG EYEGLASSES.

“Hindi ‘yon cute.”

Eh totoo naman kasi eh. Huhuhu. Tumawa siya tapos ginulo na naman yung buhok ko. Hayy, konting-konti nalang iisipin ko na naiinggit siya sa hairlaloo ko. Ano ba yan, ang ganda naman ng buhok niya tapos yung buhok ko naman pinupunterya niya.

“Tara na nga.” Sambit ko kay Kier sabay hinila siya. Papunta kami ngayong sa school garden dahil dito ang favorite spot ko. Magpapahinga muna kami, masyado akong na-stress doon kay Sakura eh. Bawal kasi akong masyadong mapagod eh, may asthma kasi ako.

“Bakit tayo nandito?” Ngayon ko lang napansin na nakarating na pala kami dito sa garden. Ang ganda talaga dito hihi. Tapos fresh air pa. Bihira lang yung mga estudyante dito, ewan ko ba kung bakit. Ang ganda nga dito eh.

“Sa tingin mo?” Ano ba naman kasing klase yung tanong ni Kier. Syempre para magpahinga, alangan namang magsi-swimming kami dito eh wala namang pool.

“Hahaha, you know what I like you...” I-I like you? Huh? “As a friend.”

Ano ka ba naman Chloe! Syempre he likes you..as a friend! Wag mong sabihin na mag-a-assume ka dyan? Kokonyatan kita. May Luke kana, okay?!! Kaibigan mo lang yan si Kier.

*inhale* *exhale*

“H-ha? Friend?”

Bakit sa lahat ng matatanong ko ‘yon pa?!!! Hayy.

“Oo, friend. Bakit ano ba gusto mo? Girlfriend?”

O_______O

BOOGSH

Strings AttachedWhere stories live. Discover now