“Bitch.”
Ako ba sinabihan niya? Tss kala mo siya hindi ganon. Saka alam ko yung bitch, female dog ‘yon diba? So anong pinapalabas niya? Na mukha akong aso? Hampasin ko kaya siya ng table. Kung ako aso, siya naman ipis. Huhuhu kapal niya ha.
***
“Uy Kier, thank you sa libre ha?” Sabi ko sabay himas ng tyan ko. Ang dami kong nakain, grabeeeee. With five ‘e’ pa yan kasi madami talaga. Akala ko nga kakatayin na ako mamaya sa dami ng pinakain sa akin ni Kier eh. Medyo natagalan nga kami pero okay lang naman daw. Cut na daw yung classes ngayong araw kasi may general meeting daw yung mga teachers. Ano ba yan, edi sana di nalang kami pinapasok.
“Wala ‘yon, it’s my only way to say thank you.”
Huh? Bakit thank you? Diba dapat sabihin niya welcome? Ako yung nilibre tapos siya yung magtha-thank you? Hayy, ang gulo niya talaga.
“Bakit ka naman nagtha-thank you?”
“Advance na ‘yon para sa pagto-tour mo sa akin mamaya.”
Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan na hindi pa pala ako makaka-uwi. Ito-tour ko pa nga pala siya. Well, okay lang naman hihi. Saka, ayoko pa umuwi ng bahay kase baka nandoon na si Ivan tapos pipilitin niya ako sumama kung saan-saan. Naalala niyo pa naman siguro yung penalty sa kanya diba? Waaa ang unfair naman kasi ni Daddy eh. Hindi naman ako yung may kasalanan tapos pati ako nadamay huhuhu.
“Ahh, syempre trabaho ko ‘yon eh.”
“Yung alin?”
“Yung i-tour ka dito sa buong school. Inutos ‘yon sa akin eh.”
“So kung hindi ka inutusan, hindi mo ako sasamahan?”
Ano namang ka-dramahan neto ni Kier at may pa pout-pout pa siyang nalalaman? Pero ang cute niya tignan. Hihi.
“Ewan. Di naman kita ganun ka-close eh.”
“Pero, kilala mo naman na ako diba? Nagkita na tayo doon sa party eh.”
“Oo nga, pero iba padin ‘yon. At teka nga, bakit mo ba tinatanong?” Nagkibit-balikat lang siya habang naglalakad kami. Papunta kaming grade school building ngayon. Sana naman hindi namin maka-salubong si Sakura kasi panigurado, iintrigahin na naman ako nung batang ‘yon *cross fingers*
“Advantage na rin ‘yon sayo. May kasama kang gwapo eh.”
>________>
“May bagyo atang paparating, humangin bigla.” Sambit ko sa kanya. Natawa lang siya tapos ginulo yung buhok ko. Ang tangkad kasi niya eh, kaya nga ata niyang ipatong yung siko niya sa ulo ko. Hayy, perks of being matangkad nga naman.
“Tigilan mo nga ‘yang buhok ko, Kier.”
“Ayoko.”
“Bakla ka ba ha? Sayang naman ‘yang ka-gwapuhan——“
*takip bibig*
Ang engot mo talaga Chloe! Bakit mo pa kasi nasabi ‘yon eh!! Masyado ka namang pa-halata na nagwa-gwapuhan ka sa kanya! Lagot ka talaga kay Luke!! Argggggghh.
“Edi inamin mo rin na gwapo nga ako.” Sabi niya sabay smirk. Hinampas ko siya ng mahina. “Nadala lang ako ‘no.” Depensa ko sa sarili ko. Ano bayern, nakakahiya.
“Okay, sabi mo eh.” Sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko. Waaa, wag nga niya gawin ‘yon ang cute niya tignan eh. Shh wag kang maingay Chloe! Mamaya masabi mo na naman yan! Lalong lalakas ang hanging Amihan.
YOU ARE READING
Strings Attached
Teen FictionNaranasan mo na ba magkaroon ng crush sa kapatid ng bestfriend mo? Yung tipong lahat ng tungkol sa kanya alam mo? Yung halos dun kana matulog sa bahay nila para makita mo lang siya? Yung tipong pati tatak ng brief niya alam mo? Kung oo, panigurad...
Chapter 7
Start from the beginning
