Hindi ko akalain na yung mga tipo neto ni Kier ay may pagka-mahangin din pala. Kung sabagay, may maipagmamalaki din naman talaga siya eh. Ang gwapo kaya niya.

Pagpasok namin ng cafeteria, biglang tumigil yung mga estudyante sa ginagawa nila at tinignan kami na para bang mga artista kami. O-kaaay? Anong problema nila?

“KYAAAAAA! Ang gwapo niya! Sino siya?”

“Siya ba yung sinasabi nilang exchange student sa 4th year?”

“Sila naba ni Chloe?”

“ANG GWAPOOOO!”

Kailangan talaga pag-usapan kami? At teka, kami daw? Huh? Kami ba? Asa naman yung nagsabi na ‘yon ‘no! Kay Luke lang kaya ako. Subukan niyang ipagkalat ‘yon, isusumbong ko siya kay Immy. Huhu. Pero di ko naman maiwasan na um-agree na gwapo talaga ‘tong si Kimlher. Ikaw ba naman ma-lahian ng tatlong lahi eh, tignan ko lang kung maging ewan pa ‘yang itsura mo.

Napatingin naman ako kay Kier na ngumiti ng maka-laglag panty. Ayy, ano ba ‘tong sinasabe ko. Nakakahiya, nakakaturn-off. Tinignan ako ni Kier tapos hinawakan yung kamay ko.

>\\\<

T-teka bakit ba ako ganito? Hindi ako dapat kiligin! Nagkaka-sala na ako kay Luke! Huhuhu pin-romise ko pa naman na magiging loyal ako sa kanya. Pero sige na nga, hayaan na. Wala pa naman sila Luke dito at saka magkaibigan lang naman kami neto ni Kier eh.

Sabay kaming naglakad ni Kier para pumila kaya lang may biglang humarang sa amin na babae. Tss, siya yung Queen Bee ‘daw’ dito. Siya yung babaeng mahilig akong awayin eh. Di ko naman siya ina-ano dyan huhu.

“Hi there cutie. Exchange student ka dito, right?”

Ang turo sa akin nila Mommy masama raw mamintang pero parang totoo yung sinasabi nilang lahat ng gwapo dito sa school... nilalandi niya >.< Shh lang kayo ah? Narinig ko kaseng pinag-uusapan siya nung mga classmate ko eh. 4th year din siya pero iba yung section niya eh.

Tinignan lang siya ni Kier saglit tapos ibinaling na yung atensyon niya sa akin. Oops, umiral na naman yung pagka-suplado niya. “Yeah.”

Ang tipid niya naman sumagot. Hindi ba niya trip kausapin ‘to? Pero pag ako naman yung kausap niya ang daldal niya. Hayy, ang gulo niya.

“Oh. Do you need some company? I can join you if you want.” Sabi niya sabay lapit kay Kier tapos pinapaikot niya pa yung necktie ni Kier sa daliri niya. Nakakainis naman siya gumalaw. Di man lang nahiya, eh kita naman niya na kasama ako ni Kier. Ano ako, props lang dito? -_____-

“Excuse me but I’m already with her.” Sabi ni Kier sabay umakbay sa’ken. Omayghaaaad, ano ba ‘tong ginagawa niya? Napatingin sa akin si Kaye tapos hinead to toe pa ako.

Tama kayo. Siya si Kaye Martinez, ang Queen Bee daw dito sa school. Bagay sa kanya yung title na ‘yon dahil grabe nga talaga ang pang-aapi niya dito. At ang sabi pa nila, ex daw siya ni Luke. Tss sarap niya lang kalbuhin eh.

“Chloe Fuentes, right?” Tanong niya pa sa akin. Ang gulo niya. Alam niya naman pala yung name ko tapos tinatanong pa. Baliw din ‘to eh. “Nagtatanong ka pa, alam mo naman pala.” Bulong ko sa sarili ko pero halata namang narinig ako ni Kier dahilan para matawa siya ng kaunti.

“Yeah.”

“Kapatid ka ni Ivan Fuentes diba?”

“Why are you so interested with her? If you don’t mind, we need to go.” Sambit bigla ni Kier na halatang naiirita na. Hinawakan niya yung kamay ko sabay hinila ako papunta doon sa pinaka-bilihan. Pero bago kami maka-layo may narinig ako galing kay Kaye.

Strings AttachedWhere stories live. Discover now