“S-sige. Uhmm, okay lang ba kung isama ko si Immy?” Napalingon ako kay Chloe nung nabanggit niya yung name ko. Napatingin din sa akin si Kimlher so I guess he already know na ako nga si Immy. Syempre, ako lang naman talaga eh. The one and only. *wink*
“Sure! The more the merrier kaya!” Ang bait-bait naman pala neto ni Kimlher eh. Kaya wala naman sigurong masama kung magkatuluyan sila ni Chloe diba? Bagay nga sila eh hihi.
Pero paano ko sila maipu-push sa isa’t isa kung eepal naman ako? Sayang yung libre ni Kimlher, pero paano naman dada-moves ‘to si pogi kay Chloe? Tama tama, gagawa nalang ako ng alibi.
“A-ano kase Chloe eh.. umm.. p-pupunta pa ako sa library! Hehe oo tama pupunta pa ako dun. Susunod nalang ako ha? Sa cafeteria lang naman kayo eh.” Ang lame nung excuse ko pero sana maniwala naman sila. Or kahit si Kimlher nalang para mahatak niya na si Chloe tapos mag-date na sila!
“Sure ka?” Chloe asked and eyed me suspiciously. “O-oo nga. Susunod ako, promise yan.” Sabi ko sabay ngumiti ng pilit. Umayos ka Immy! Papalpak tayo dyan, sige ka!
“Sayang naman. Pero don’t worry, we could do this again tomorrow pero that time kasama na si Immy. So tara na?” Alok ni Kimlher kay Chloe sabay lend ng kamay niya para tulungan siya tumayo. Omegeeeed, so gentleman. Hihihi.
“S-sure. Oy Immy, mag-uusap tayo mamaya. Ge pumunta kana doon sa library, Book Genius.” Huli ka. Alam na alam talaga ni Chloe na nagsinungaling ako. In the first place, alam niya naman kase na ayoko sa library eh. Una, dahil hindi naman ako mahilig sa books. At pangalawa, ayoko sa masyadong tahimik na lugar. Eh alam niyo naman doon diba?
Tumango nalang ako kay Chloe tapos binigyan siya ng malapad na ngiti. Nabaling ang atensyon niya kay Kimlher kaya naman ngumiti siya dito at lumabas na sila ng room, leaving me here alone.
Lagot ako mamaya kay Chloe. Huhuhu.
Chloe
Ano naman kayang naisip nun ni Immy at hinayaan ako na mag-isang i-tour ‘to si Kimlher--este--Kier. Kung sabagay, wala namang problema doon diba? At saka, ano bang pino-problema ko eh ililibre lang naman niya ako tapos ito-tour ko siya? Parang give and take lang naman ‘yon eh.
Pero humanda talaga sa akin ‘yon si Immy mamaya. Anong akala niya, maniniwala ako sa alibi niya? Ayaw na ayaw ni Immy sa mga library. Lalo na yung mga books, especially yung may halong fairytale. Ewan ko ba dyan, eh ang ganda-ganda naman ng mga ‘yon eh.
“You seemed so nervous, are you alright?” Narinig kong sambit ni Kim--Kier sa gilid ko. Ano ba yan kase, medyo nasanay na din kasi ako sa Kimlher eh. Kaso ang mouthful kasi kapag binibigkas, nakakatamad lang. Hehe alam niyo na may pagkatamad din talaga ako ‘no.
“O-okay lang ako ‘no. Bakit mo naman nasabi yan?” I said trying to act normal. Pero yung totoo, sa hindi ko malamang dahilan, eh kanina pa ako pinagpapawisan dahil dito. What’s wrong with me?
“I don’t know either. Is there something bothering you?” Umiling ako bilang sagot. Bakit? Eh sa wala naman talagang problema eh! Hindi ko lang talaga alam kung bakit ako parang kinakabahan. Hayy, dapat siguro tigilan ko na munang uminom ng coffee. Nagiging nerbyosa tuloy ako. Huhu.
“Wala ‘no.” He looked at me suspiciously.
“Weh? Baka naman kinakabahan ka sa mga babae sa paligid kasi ang gwapo ng kasama mo...” Napatingin naman agad ako sa kanya. Wow may ka-hanginang taglay din pala siya, ano? “Kidding.” Sambit niya sabay taas ng dalawang kamay niya na parang sumu-surrender.
BINABASA MO ANG
Strings Attached
Teen FictionNaranasan mo na ba magkaroon ng crush sa kapatid ng bestfriend mo? Yung tipong lahat ng tungkol sa kanya alam mo? Yung halos dun kana matulog sa bahay nila para makita mo lang siya? Yung tipong pati tatak ng brief niya alam mo? Kung oo, panigurad...
Chapter 7
Magsimula sa umpisa
