5:7 Fish Bowl

100 11 1
                                    

"Class, we only have less than two weeks before our Christmas Party, so it means that we need to prepare."

Akalain mo nga naman, December na nga! at malapit na ang Christmas Party ang isa sa pinaka-hihintay kong activity. Exchange Gifts, Newspaper Dance at higit sa lahat, walang pasok!

"Kwerts, I forgot to tell you 2 days ago na nakita ko si LFS noong papasok ako ng gate... I couldn't even speak to her."

"LFS? Meaning love at fourth sight? Waze masyado kang obvious kung magbibigay ka ng code name. Kung ako sayo gawin mo na lang L4S para tayo lang ang nakakaalam—eto, advice ko lang sayo Waze, instead na itago mo yan e mas maganda kung rektahin mo na yung crush mo at sabihin mo na you like her para hindi ka na nagkakaganyan. Hindi mo kasi bagay yung hindi cool. Pati ako naiilang na sayo."

Nang mga oras na yun, habang kinakausap ko si Waze ay bigla na lang pumasok sa isip ko kung paano nga ba nagkaganito ang relationship namin. Parang ilang buwan lang ang nakakaraan e siya ang pinaka-kinaiinisan ko sa lahat dahil sa kayabangan niya, pero ngayon ay isa na siya sa mga maituturing kong malapit na kaibigan.

Akalain mong sa isang common interest lang pala namin kami magiging magkasundo ng ganito—ang hilig namin sa paglalaro ng Pokemon.

Wala sa itsura ni Waze ang mahilig sa mga games, pero nang isang beses na dahin ko ang gameboy ko sa school ay nataon na tinitingnan pala niya ako habang naglalaro kasama si Yuwan at Yutu—doon niya ako unang kusang loob na inapproach at kinausap.

Nang una ay medyo naiilang ako sa kanya, pero katagalan e mas nageenjoy akong kausap siya kaysa doon sa dalawang unggoy. Mas nagkakaintindihan ang mga isip namin tungkol sa mga ganitong bagay at habang tumatagal ay hindi lang pala sa pokemon kami nagkakasundo kundi pati rin pala sa mga anime at manga. Ang kinagandahan pa noon ay half-Japanese si Waze, ibig sabihin ay marami siya alam at gamit na konektado sa mga hilig namin kaya mas lalo pa kaming napalapit sa isat' isa.

Kaya ang kinalabasan e close friends kami, pero simula nang dumating si Sir Hal na Tito niya at ma-love-at-fourth-sight siya ay bigla na lang siyang nagbago—parang nawala ang sexyboy charm niya. Pati na rin yung ibang mga classmates ko ay napapansin na rin yun.

"So class, this would be our plan. I have here a fishbowl. Your job is to write suggestions sa mga gusto ninyong gawin sa Christmas Party natin. Pwede kayong magsulat ng game, theme, dresscode o kahit ano pang gusto ninyong mangyari sa Christmas Party natin. And if I think that its interesting I will add it to our Class' Christmas Party Program. So get a piece of paper and write your suggestions then put your suggestions in the fish bowl."

Ang cool talaga ni Sir Hal. Ang galing-galing na nga niyang magturo, ang astig pa niyang magisip ng mga magagandang ideas tulad nito.

Ano naman kaya ang isusuggest ko? Sabi ni Sir kahit ano daw basta interesting. Hmmmmmm... Gusto ko ng exchange gifts, pero baka masyadong traditional at tsaka baka mapili ko pa yung hindi ko gusto tulad ni Brit at Joanna. Isa lang naman ang gusto kong bigyan ng gift e—walang iba kundi si Rose.

Nakakatuwa na dati lang e ang tingin ko sa mga tingin ni Rose ay galit siya sakin, pero ngayon e sa tuwing tumitingin siya sakin e alam ko na ang mga tingin na yun ay punong puno ng pagmamahal.

Kung hindi siguro nangyari yung pag-walkout niya noong lunch break namin sa practice ng sabayang pagbigkas, yung usapan naming dalawa sa may 5th floor at yung insidente sa may hospital ay hindi siguro ako ganito kasaya ngayon—hindi naman kami, pero nililigawan ko pa lang siya. Kaya gusto ko na maging perfect ang lahat kapag dumating na yung tamang oras para maging kami.

March ang itinakda kong oras para tanungin siya kung pwede na bang maging kami—March dahil gusto kong isabay ang pagtanong ko sa kanya sa araw ng Birthday ko—Hindi ko na ata mahihintay yun!

Kaya ang Christmas Party na 'to ay isa mga gagawing kong stepping stone para masigurado ang matamis niyang oo kapag tinanong ko na siya—kaya kailangan kong magsuggest ng mga pwedeng activities kung saan makakascore ako sa puso ni Rose!

"Okay, konti pa lang ang naghuhulog ng mga suggestion dito sa fishbowl kaya iiwan ko muna 'to dito sa mesa ko hanggang last period ninyo. Kaya magsuggest na kayo dahil kung walang suggestion, walang Christmas Party gets?"

Pagkatapos ng Class namin kay Sir Hal ay maagang dumating ang isang kagulat-gulat na Ms. Cabrerra sa classroom namin. Ibang-iba sa naksanayan naming stict na Filipino Teacher.

"Good Morning Class! Meron akong magandang balita sa lahat kaya makinig kayo."

HSL: Highschool LifeWhere stories live. Discover now