A Designer Series

3.2K 127 50
                                    

NOTE: STORY EXCERPTS AHEAD SA IBABA


Waaahhh tapos na after a yeaaaar!!! At last!

thank you so much po sa lahat ng nag-abang kahit hindi ko siya gaanong pino-promote kasi hindi ko talaga kabisado itong story. August 18, 2020 ko siya sinimulan. September 1, 2021 ko lang siya ulit nabalikan. Salamat sa mga naghintay ng update since last year. Salamat sa tumutok. Salamat sa mga nag-iwan ng comments. 

Special mention kay Kathleen Joy Trigo kasi as always, siya talaga ang madalas na nagbibigay sa akin ng fuel para mag-update daily hahaha 

Kina KimberlyKims, PranadaKila, Mairanario, j3r4ld1n3, cimer-ish, floramyen, wineji, brllane, NHDYNN, bhel1303, odnek15, moonraindrop, shy_crusher29, 16_jean, DianaJoyWenceslao, PurpleyMintGreen, ammmyours . . . shems, di ko mabati lahat hahaha natatambakan kasi ako ng notif from Prios series, pero sila ang madalas kong makita sa vote notif or comment sections, ayern.

Again, this is a part of a collaboration series (na mukhang kinatamaran nang isulat ng mga kasama ko lol)

Kahit gustuhin kong si Jericho ang maging main lead, ayokong magaya si Tyrone kay Edric ng Prios Series at kay Angelo ng WIASA hahaha. 

Sana nag-enjoy kayo gaya ng pagka-enjoy ko sa pagsusulat nito.

Thank you for all the support and don't forget to follow or visit my accounts kahit medyo inactive ako onte sa ngayon kasi busy sa work hahaha

Twitter: @ BuncarasElena

Facebook Page: Lena0209's Collections

Salamat po sa mga nagtu-tweet about A Designer's Creation! Sobrang naa-appreciate ko ang effort ninyong maglabas ng hinanaing sa Twitter hahahaha

See you on my next stories po! ♥♥♥ 


♥♥♥



Buti sana kung itong waiting area, hindi mukhang creepy. Para akong nabibingi, wala akong naririnig na kahit ano, kahit pa tunog ng AC, 'tapos puro pa salamin. Ang nakakatakot doon, kada lingon ko, parang ang daming nakatingin sa akin.

Alas-diyes pa ako nang umaga rito sa building ng Jagermeister. Biskuwit lang ang pinananghalian ko, super kawawa ko naman talaga, oo.

"Next applicant, please," sabi sa intercom.

"Wait po!"

Pinaiwan ang lahat ng gamit namin sa security sa lobby. Ang nadala ko lang paakyat, kaluluwa ko lang talaga.

Ang haba ng hallway na color white ang floor tiles, 'tapos glass wall na sa paligid. Nasa 30th floor ang building ng CEO, hiring ng corporate secretary niya. At dahil siya ang final interviewer, siya ang kailangan kong harapin ngayong gabi.

Nagtataka na nga ako. Lahat kasi ng pumasok sa opisina niya sa dulo ng hallway, hindi na nakakalabas. Inisip ko nga na baka may iba pang exit sa loob ng office niya na hindi lang visible sa labas. Ayoko namang tatanga-tanga kapag hindi ako nakapasa, dapat alam ko agad kung saan ako pupunta.

Grabe ang mga kasabayan ko kanina, sobrang gaganda saka ang se-sexy. Mayaman daw kasi ang CEO. E obvious naman kasi CEO siya kaya mayaman siya. Pero sa aming mga aplikante kanina, ako lang ang mukhang chimimay. Samantalang sila, mukhang mga model ng Victoria's Secret. Ang tatangkad saka ang papayat. Hindi ako sobrang tangkad, pero hindi rin naman ako maliit. Saktuhan lang. Hindi ako mataba, pero hindi rin naman ako sobrang payat. Saktuhan lang din.

A Designer's CreationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon