41. Final Decision

1.9K 135 8
                                    

Three days.

I spent those three days with Tyrone, and I've never felt so peaceful in my entire life until those three days.

Every five in the morning, Ty will wake up to do his morning warm-ups. Twice ko siyang naabutang nagsi-stretching sa patio sa tabi ng garahe. He wasn't doing too heavy gym-kind-of exercises. Enough lang to warm his body up and to keep his body in shape. Thirty minutes siya sa exercises niya before he wakes me up—na twice na ring hindi niya nagawa kasi nagising naman na ako nang maaga.

Then he will bring me to bathe and dress me up like a kid before he takes his bath and changes in his homey clothes.

Hindi ko na-bring up ang tungkol sa La Mari for the past three days kasi sabi nga ni Forest, uunti-untiin niya ang paghahanap ng fabric ko. And since hindi siya puwedeng kumuha nang isang set ng fabrics for overcoat kasi magdududa nga naman ang mga suppliers ng fabrics, kailangan kong maghintay hanggang ma-provide niya ang hinihingi ko.

And I guess, my peaceful three days wasn't as peaceful as Tyrone's.

Three days na kaming naglalakad-lakad tuwing umaga, and the doctor who visited us last day said na mas therapeutic for me sa bahay ni Tyrone compare sa hospital. Which I really agreed. Mas magana na rin akong kumain kasi hindi ako nakakaamoy ng mga gamot mula sa kung saan. Naa-assist naman ako nang mabuti ng nurse na dumadaan sa bahay before lunch and before dinner. My wounds has started to close. Although it was far from totally healing, but at least, my days and nights weren't as bloody as before.

Sabi ko nga kay Tyrone, I would be okay until next week, and I was keeping my promise. Kaya siguro kahit hindi ko bini-bring up ang tungkol sa La Mari, naghihinala pa rin siya. At mas naghinala siya noong hindi ko talaga binanggit for the past three days! Ganoon siya kapraning!

"You said 'wag ko nang babanggitin ang kahit ano sa La Mari, and now you look at me like I'm planning to burn your house and kill you for that event."

Tyrone and his doubtful eyes. Ang sama talaga ng tingin niya sa 'kin mula pa pagkatapos naming mag-almusal.

Hindi ko dinadala ang sarili ko sa direction palabas ng subdivision. Sabi ko nga kay Tyrone, we can go sa clubhouse or kahit doon sa may playground sa gitna ng subdivision nila—far from the exits of the vicinity. Ako na ang nagpanukala n'on. And I even asked him to hold my hand para sigurado siya na kapag tumakbo man ako, mahahatak niya ako agad.

So yeah. We spent three mornings walking along the asphalt road and pine trees holding hands like we're some kind of a cute lovers. Then pupunta kami sa park, doon sa may iron benches na kaharap yung hedge maze sa gitna ng flower garden na puro santan at jasmine sa paligid kaya sobrang bango.

Uupo lang kami doon. Magkukuwentuhan kami ng tungkol sa backlogs ng Lion Fashion na naiwan namin, some opportunities na puwedeng i-grab since we were both resigned from the company, I was talking about my plan sa boutique, and we were backstabbing my aunts and uncles kasi alam naman naming mga mukha silang pera. Paminsan-minsan, we were getting too personal, tinatanong ko siya tungkol sa mga kabit niya, at sabi ko naman, they knew him personally more than me so time ko naman para mag-usisa since we never talked intimately. More of business and family affairs talaga ang topic namin ni Tyrone kapag nagkakausap kami.

And yeah, no La Mari thing.

Ngayon lang talaga namin napag-usapan after three days.

I was sitting beside him in one of the iron benches pero nakaharap ako sa kanya. Nakatupi ang kaliwang binti ko sa upuan habang nakatapak naman ang kanan sa damuhan sa ibaba namin. Nakakaapat na jasmine na 'kong nabubunot sa likuran lang naming dalawa. Saglit kong kukurutin para kumatas at lalong kumalat ang mabangong amoy sa hangin.

A Designer's CreationWhere stories live. Discover now