13. Unwilling Lover

2.4K 152 38
                                    


I was always on top. Mula pa noon, sinasabi ko sa sarili ko na hindi ko gagamitin ang influence ni Daddy para lang mapansin ako ng pamilya. I studied hard, I worked hard, and everything I achieved, pinaghirapan ko 'yon. Hindi 'yon basta minana ko o nilimos ng angkan ko sa 'kin. Kaya malamang, noong nalaman nilang wala na 'ko sa Lion dahil sa issue kay Aliza Verano, si Tyrone agad ang unang humarap sa kanila para magpaliwanag.

Hindi at never magwo-work ang sa 'min ni Ty. Buong Lion nga, aware na aware sa status ng relationship naming dalawa. Sa dalas naming magsigawan sa office, ewan ko na lang kung hindi pa mapansin ng lahat na ayaw namin sa presensya ng isa't isa. So imagine my amusement nang bigla siyang dumaan sa office ko after three months of ghosting Lion Fashion dahil sa suspension case ko.

"You know what? Nagsayang ka lang ng panahon, sana nag-hire ka muna ng ibang supervisor habang wala ako."

"I did."

"O, nasaan na?"

"You're one of a kind, Cin. Tingin mo ba, madaling makahanap ng kapalit mo na consistent at passionate sa trabaho niya?"

Nambola pa.

"Malinis 'tong office ko. Nagpapapasok ka ng ibang tao rito?"

"Pinalilinis ko sa housekeeping every day. Why?"

I fixed my office table and noticed that everything was neatly arranged. Narito pa rin ang mga gamit na naiwan ko before I was suspended, but it was clean and organized.

The whole room was dim and the lights were still off. Bihira akong magbukas ng lights kapag umaga. Palaging nakataas lang ang blinders para makapasok ang liwanag. Hindi naman sa nagtitipid ako sa electric bill ng Lion, pero ayoko lang ng masyadong maliwanag kapag hindi ako nananahi. Mas nakakapag-isip ako sa madilim na lugar.

Hindi ganoon kalaki ang office ko compare sa office ng general manager, but still, I have a four-walled office and not just a cubicle.

"You look stunning today. Are you sure you don't have a date?"

I shifted my gaze at him and my brow automatically raised. Para saan ang question? Pakialam ba niya kung may date ako?

"I wore dress for myself. Hindi ko kailangan ng date."

"Uhm-hmm. And you were seen with some guy yesterday."

Napahinto ako sa ginagawa at nailipat agad ang tingin sa kanya na nakasandal sa gilid ng pintuan habang nakakrus ang mga braso.

"Yes, I was with some guy yesterday. And why do you care? Ikaw lang ba ang puwedeng magkaroon ng ibang kasama aside from me?"

I heard him chuckled kaya hindi ko alam kung mabubuwisit ako or what. There were instances before na sobrang kung mangialam siya sa mga nakakasama ko. He was one of the reasons why ayoko ng boyfriend dahil talo pa niya ang obsessed kung makapag-imbestiga. As if namang pipiliin ko pa rin siya kahit maubos na ang lahat ng lalaki sa mundo.

"We're still going to lunch. Nagpa-reserve na 'ko ng table sa West."

I deeply sighed and looked at him with bored eyes. "Ayoko ngang mag-lunch kasama ka."

"Then, I'll be joining you kung saan ka kakain."

"Ano ba? Bakit ba nakabuntot ka ngayon sa 'kin, ha? Nasaan na ba yung sekretarya mo?"

"I'm just asking you for a lunch, Cin."

Nagpamaywang agad ako at tinaasan ulit siya ng kilay. "Ilang beses ba kitang kailangang i-reject?"

"It's just a lunch, Cin. Si Tita Daisy ang nag-request nito since kung ano-ano na namang sinusumbong mo na ginagawa ko."

"What the fuck?"

A Designer's CreationWhere stories live. Discover now