6. Desperation

2.4K 154 16
                                    


It wasn't like I was so interested with that Jericho guy kaya talagang nag-track ako ng pinanggalingan ko yesterday para lang i-locate siya. Nagkataon lang na kailangan ko ng model na may same physique niya.

Lumabas na ang poster ng announcement ng La Mari at magsisimula na ang designing contest nila for this years best of the best in the fashion industry. Limang damit ang kailangang i-design. Manggagaling sa mga fashion designers ang models nila at naka-post na rin ang mga officially registered designer at models nila sa website.

Nag-check ako ng catalogue ng mga model at halos lahat ng puwede kong makuha, naka-book na rin. Ang iba, ayoko ng attitude. Nakakairita naman 'to.

Naka-lineup na agad ang mga pangalang inaasahan ko. Si Carmilla, si Michael Geen, si Perrot de Terra, even Johannes of Johannes and Jacques, naka-register din. Mukhang hindi magiging madali 'to.

Kung wala lang akong gustong lampasuhin sa La Mari, hindi ko talaga pag-iinteresan 'to. But because of that stupid Aliza Verano, talagang pababagsakin ko sa sarili niyang teritoryo ang Petunia Adarna na 'yon.

Kung sanay siyang gumagawa ng pangit, puwes hindi ako!

Nakalagay sa phone's location ko from the past three days ang bar, then sa isang lugar sa General Gomez Avenue, then sa Lion Fashion building. Ibig sabihin, I've been to General Gomez na ten kilometers away din sa bahay ko. Medyo malayo rin pala.

I rode a taxi and I did trace his house in the middle of the fucking night para lang makausap siya. Monday na sa loob lang ng ilang oras. And my Mondays were as unforgivable as Old Testament and even Jesus himself will curse it to hell.

In the middle of the Goddamn night, I was standing in front of an old wooden door na hindi ko alam kung kakatukin ko pa ba dahil ayokong makita ang nakita ko kahapon.

Kaso sayang naman ang biyahe ko kung ngayon pa 'ko aatras.

Of course, kumatok na 'ko.

Napapasulyap ako sa hallway ng apartment building na 'to. Lumang-luma na kasi, parang ginagamit sa mga horror movie.

May mga nakatira naman sa ibang unit kaso . . . ang eerie ng feeling. Parang drug den.

Kakatok pa sana ulit ako kasi walang sumasagot mula sa loob kaso papalapit pa lang ang kamao ko sa pinto nang bumukas 'yon.

Nagtaas agad ako ng mukha pagkakita ko sa mukha niya.

"Oh! Wow! Akala ko, may usapan na tayo. Sana nagsabi ka muna bago dumaan para nakapaglinis ako."

Lalong sumamâ ang timpla ng mukha ko nang itukod niya sa hamba ng pinto ang kanang braso niya habang hinayaang maliit ang awang ng pinto niya. Ayaw yatang ipakita ang makalat niyang bahay mula sa labas.

"I need to talk to you," I said while raising an eyebrow.

"Ayoko. Busy ako."

Busy, ano'ng gagawin niya sa makalat niyang bahay, aber?

"Galing ako sa bar, wala ka r'on."

"Kasi nandoon na yung bartender na talagang nagtatrabaho roon. Natural, wala ako."

"Kaya nga kakausapin kita."

"Busy nga ako."

"I'll pay for your time."

Hindi siya agad nakasagot. Tinitigan lang niya ako nang maigi.

Kung maningil man siya ng four thousand o six thousand sa time niya, then fine. Siguraduhin lang niyang papayag siya sa alok ko kundi magsasayang lang kami ng oras pareho.

A Designer's CreationOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz