sabay sabay kaming tatlo kasama si buddy G papunta sa parking lot.
hinatid pa ako ni macoy hanggang sa tapat ng kotse.

'Bye Vi!' I wave goodbye to her and so did she

'Gora na ako guys!' bago siya pumasok eh binigyan niya pa ako ng meaningful look. Ano yon marites? Ba't di pa sabihin? Para saan pa yung bibig niya?

Ginulo naman ni macoy ang buhok ko bago nagpaalam.

'See you tomorrow'

'See yah hihihi' hinatid ko siya ng tingin hanggang sa makalayo ang kotse niya. Why? wala trip ko lang hehehe.

'Madam may hinihintay ka pa po ba?' atat naman masyadong itong si buddy G. Ito na nga at papasok na oh.

'Wifey' Ay kalabaw. Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat.

'Kabute ka ba? bigla ka nalang nasulpot. Ginagawa mo rito?' at ang siste tinaasan ako ng kilay ahitin ko yan eh.

'I am your husband I certainly have all the rights to be where ever you are' owws? everywhere talaga? Kung pupunta ako sa bermuda triangle sasama pa siya?

pumasok na ako para hindi na humaba yung kaartehan niya. May regla ba siya ngayon?

Kinuha ko phone ko at naglaro na lang ng plants vs. zombies. Nakakatuwa maglaro neto kasi maraming worlds ang dapat iunlock meaning more adventures and more plants. Nandito na nga ako sa level na parang mga pirates yung zombies. Nakakainis lang kasi konti lang yung pwede paglagyan ng plants.

'So that's it?' susmaryosep! ano ba naman itong katabi ko bigla bigla na lang nagsasalita. problema na naman neto?

'I waited for you and you blatantly flirted with that ass face infront of me!?' sinong ass face? judgmental masyado. meron bang taong mukhang pwet?

'ano na naman hinithit mo ser?'
binigyan niya ako ng knowing look mukhang inaantay niya ang sagot ko eh sino ba kasi ang tinutukoy niya!?

'the wimpy boy. who is with you. back there. at the parking lot. of your school.' yan! ganyan dapat! detailed. hindi yung pag iisipin ako. Ang dami kayang tao sa school noh.

Parking lot? boy? si Macoy?

'Grabe ka naman! Ang showbiz mo! Si Macoy lang yon.'

'I know his fuc- his name. Let me just remind you that YOU are a married woman. to me to be exact and don't you go tarnishing my reputation in the public.'

Ang daldal ano kaya nakain neto.

'Alam mo naman pala kung sino yon tatanong tanong kap~ at pano mo nalaman?! If I remember correctly hindi ko pa naman siya pinapakilala sayo dahil di mo deserve! muka mo!' marites talaga to

'I have my ways' ways ways.

Come to think of it naresearch niya nga agad kung sino ang pamilya ko eh. Nakakatakot naman isipin na ang bilis mag leak ng personal information ng isang mamamayan na gaya ko! Hindi kaya stalker ko si ser at kaya niya alam ang lahat ng yon ay dahil may gusto siya saken!? oh my gosh! grabeng overthinking naman to. ang ganda ko talaga!

'So?' ano na naman?

'Anong so?'

'Am I not making myself clear?!' sige nga gawin mo ngang clear ang sarili mo! de joke lang

'Alam mo di kita maintindihan. Wala naman akong ginagawang masama! Sa ating dalawa ikaw ang gumagawa non!' yung magkumareng kilay niya nagkasalubong. ops mukhang I hit a sore spot minus 5 points life na naman.

'ehem si boss ehem nagseselos ehem' singit naman ni buddy G

'ahh so nagseselos ka?!' napakashowbiz talaga

'buddy G itigil mo ang sasakyan' ganito ang mga ganap sa mga pelikula. feel ko tuloy ang yaman ko. taas noong sabi ko habang nakikipag staring contest kay ser na kanina ay galit at ngayon naman ay blangko ang mukha. Bipolar ba toh?

'madam kanina pa po tayo nakahinto dahil traffic' ay ganon? it's more fun in the philippines talaga.

'Uuwi na ako samin mag-usap na lang tayo pag di na malumot yang utak mo! che!' bumaba na ako ng kotse tutal nakastop naman pala at bongga traffic nga dahil nakahinto yung kotse namin! kami pala yung source?! ayos den. may topak ang mag among to. bakit kaya hindi sila bumubusina, nagagalit man lang dahil hindi kami umaandar? nakakaloka rinig kaya nila yung bangayan namin sa loob? gosh marites

hindi pa man din ako nakakalayo eh lumipad na ako. huh? lumipad? may kumarga pala sakin kala ko naman may flying powers na ako

'Ano ba!?' panira naman ng grand exit itong si ser

'You are going home with me' may diin niyang sabi. Naku alexis wag mo nang sagarin ang buhay mo.

'Y-yes ser' sabay lunok ko ng laway

Pumasok kami ulit sa kotse at ayaw niya parin akong bitawan and ending edi kalong kalong niya ako.

'Drive' utos niya kay buddy g

'Yes boss' pangiti ngiti niya pang tugon. Nakakainsulto to ha.

Meeting the Mafia BossWhere stories live. Discover now