nangiti at sabay na napapailing na lang si sir. well hindi ko naman masisisi si Maizy kung humahanga siya kay sir bukod sa matalino eh magandang lalaki pa.kasi talaga namang head turner itong si sir, lakas maka paulo avelino ng ngiti eh.

'Puro ka kalokohan ms. pascual. Mauna na ako again thank you for this.'

'Take care sir cause I always care'

*sa canteen

'Bilib ako sa kapal ng mukha at kati ni Maizy pati teacher di pinalampas.' isa pa tong si Vi eh

'Nagbibiro lang naman yon masyado ka namang selosa alam naman naming sayo lang si sir Manabat' sinundot sundot ko ang tagiliran niya na agad ko ring binawi mahirap na baka magbeast mode mapaaga pa ang pagkawalay ko sa daliri ko.

'Bruha ka talaga Alex!' pabiro niya naman akong hinampas sa braso

'hahaha' pinagtitinginan kami ng mga tao sa canteen sa lakas namin humalakhak. Nahiya naman ako kaya pumila nalang ako ng tahimik at nag order ng food.

Half day lang ang schedule ko ngayon kaya ma aga akong makakauwi pero dahil nadrain ang energy ko kailangan ko kumain!

paglabas namin ng canteen natanaw namin si Macoy na papalapit sa amin.

'Ay eto talaga ang love team ng taon, alam na ba niyan na may asawa ka na?' ano bang love team ang pinagsasabi nito? sumali ba si Macoy sa pbb? at may kalove team na siya? nag artista ba siya bakit di ko alam... hayy iba na talaga kapag famous.

'Hinde eh, baka magtampo sa akin hindi ko pa nasasabi' hindi na nga siya invited sa 'kasal' ko eh mukhang hindi rin siya na invite sa reception man lang like me.

'Alexis! Victoria!' Bati samin ni macoy ng makalapit siya.

'Macoy!'

'Wala ka bang subject ngayon?' marites mode *click sound* on

'Dalawa lang ang schedule ko ngayon' dalawa lang daw pero yung mukha niya parang binaha ng subjects.

'Ahh kami half day lang' with my signature smile ko pa na sabi. half day na kami niyan pero fresh pa den hihihi salamat babyflo!

'Half day ka lang ngayon?' paulit ulit pedring?! sabi ng half day eh. tumango na lang ako.

'pauwi ka na? hatid ko na kayo.' bakit mukha bang papasok palang kami? nakakaloko ka na macoy ha! grrr

'Hindi na macoy may sundo ako si Alex na lang' pagtanggi ni Vi, well lagi naman kasi siyang may sundo ever since the world began. Siguro may tinatagong yaman ang mga to kaya ayaw makidnap anak nila. Asawahin ko na kaya si Vi para secured ang future ko hihihi. Hala hindi pala kami talo waahh bad Alex!

'Madam Alexis' may tumawag sa pangalan ko kaya matic akong lumingon. arrgh ang liwanag ng buwan!

'Buddy G!' ba't nagpakalbo toh? ang baba ba nang pinapasahod sa kanila ni Ser na di na siya makabili ng shampoo? nagpakalbo na lang para tipid? Napakakuripot talaga ng lalaking yon. Pag uwi ko nga at pagsasabihan ko de joke lang pala mahal ko pa buhay ko noh.

Bigla namang tumahimik ang paligid may dumaang anghel ba? Nagtinginan kaming tatlo. ano ba itong awkward atmosphere. May namiss out ba ako?

'I see' Tiningnan ko naman ang macoy na umiba ang timpla ng mukha. pano kaya yon? parang kape lang? hihihi

'Ikaw na lang ang ihatid ko macoy hehe' lakas magvolunteer self hindi naman iyo ang kotse. Tumanggi ka please macoy! Ililibre kita ng turon bukas!

'Silly may sasakyan ako pano moko mahahatid' whoo maraming salamat bathala!

Meeting the Mafia BossWhere stories live. Discover now