"Aray ko naman! Dahan dahan sa buhok, Rach. Kakakulay ko lang nyan!" Sabi ni Kim pero mas hinigpitan ni Rachel yung hawak bago bitiwan ito nang tuluyan.


"Aayain ko sana kayo pumunta sa bagong bukas na open bar sa Intramuros pero ayoko na pala." Sabi ni Rach sabay inom nung coke niya.


"Libre mo?" Tanong ni Mia na mukhang ginanahan pa ata.


"Of course," Sabi ni Rach, "Eh tinatamad na ako."


"Luh? Mag-aaya ka tapos ikaw pa itong tinatamad? Wag ganun! Tara na!" Sabi pa ni Mia at pinaghihila na kami patayo.


"Basta narinig lang yung bar noh?" Sarkastikong sabi ni Ava.


Inakbayan naman siya ni Mia, "Syempre. Masarap uminom nang alak, lalo na pag libre noh!"


Napairap nalang si Ava at nakahalukipkip nang naglakad palabas ng condo ni Rachel.


Medyo mabilis lang kaming nakarating doon gamit yung sasakyan ni Rachel, napagdesisyonan kasi nilang isa nalang gamitin since doon din naman uwi namin mamaya kasi girls sleepover ngayon eh.


The venue was nice, vintage type of bar siya na may patugtog pa na medyo makaluma. I like the ambiance, feeling ko dinala ako sa sinaunang panahon. Kaya lang walang masyadong tao, siguro dahil kakabukas lang.


"Tara, doon tayo sa taas. May live band daw ngayon." Aya ni Rachel at sinundan lang namin siya.


"Bakit kaya ito tinawag na Hidden Garden Bar, asan yung garden?" Tanong ni Kim habang luminga-linga pa sa paligid. 


Pagkaakyat namin ay mas namangha ako kasi ang ganda ng view dito sa rooftop. Mas napapalibutan ito ng nga halaman at mga ilaw, now I know kung bakit tinawag itong hidden garden, ang ganda! Tapos may sarili din na bar counter dito, kaya pala walang masyadong tao sa baba dahil andito lahat sila. Kung sabagay nga naman, maganda na nga ambiance dito, maganda pa yung view tapos may live band pa sa gitna.


"Did this answer your question, Kim?" Rachel asked.


Nakatingin lang ako sa banda habang naglalakad at hindi na namalayang may malapit na pala akong mabangga.


"Opps, sorry." Sabi ko habang nakayuko at iikot na sana.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang