Wattpad Original
There are 3 more free parts

CHAPTER 2 (SPG)

203K 5.7K 1.4K
                                    

CHAPTER TWO

NANATILI sa library room si Zarick habang si Ataliana naman ay sinisikap na gawin ng tama ang trabaho sa araw na 'yon. Nagkasundo na naman silang magkikita bukas pero hindi pa rin umaalis doon ang Senyorito.

Maingat na pinunasan ni Ataliana ang isa pang libro at tumingkayad para maibalik 'yon kung saan niya kinuha. May upuan naman sa isang tabi na pwede niyang gamitin sa pagbalik kaya lang ay umaasa siya na kaya niya naman dahil nagawa niya ngang kunin kanina.

Napalunok siya nang maramdaman si Zarick sa kanyang likod.

She stand in between five six and five seven inches, but Zarick is really tall and his body frame is large and intimidating. Kaya kahit matangkad siya sa edad niya, hindi pa rin sapat 'yon para hindi siya manliit sa tabi ng Senyorito.

Inilagay nito ang isang palad sa kanyang bewang. Nakagat ni Ataliana ang labi nang maramdaman ang init galing doon bukod pa sa init na tila sumisingaw sa pagitan nila.

"K-kaya ko na 'to," nautal siya, apektadong-apektado sa pagdidikit nilang dalawa.

"Uh-huh."

Halos manginig ang kanyang mga tuhod nang maramdaman ang mainit na hangin galing sa bibig ni Zarick sa likod ng kanyang tenga.

"Abot ko naman kanina," napanguso siya at nagpupumilit pa rin.

"Let me help you."

Dumaplis ang magaspang na palad ng Senyorito sa kanyang kamay nang kunin nito ang makapal na libro sa kanya at walang kahirap-hirap na inilagay sa itaas ng wooden bookshelf habang nanatili ang marahan na kapit ng palad sa kanyang bewang.

The invisible sweats on her forehead is giving her body a heat. Hindi niya alam ang susunod na galaw dahil medyo nag-aalangan na kumilos lalo at hindi pa naman umaalis si Zarick sa likod niya.

Ataliana closed her eyes half-heartedly when she felt the tip of Zarick's nose above her head, as if he was smelling her hair in a slow but sensual manner.

Ang pamilyar na tibok ng kanyang puso ay namayani sa kanyang dibdib. Ang bawat pintig ay mabilis at hindi nagpapaawat sa kanya. Her heart was always like that every time Zarick Guerrera is around.

"Hindi ka ba magpupunta sa bakahan ngayong araw?" Natanong niya para lang may topic sila.

Nagpanggap pa siyang pinupunasan ang ibang libro sa harap niya kahit na natapos niya na 'yon.

Though, she kinda like the feeling of having Zarick Guerrera near her, but if she continued to allow herself to stay like that, she won't finish her duty for that day. Baka abutin pa siya bukas bago matapos ang lahat ng 'yon.

"Hindi. Dito lang ako maghapon." Pabulong ni Zarick sinabi 'yon.

Ataliana stomach fluttered for some reason. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya na naroon si Zarick habang naroon siya o mas matataranta dahil alam niya ang eksaktong epekto ng binata sa kanya.

Naiisip niya na ang itsura ni Ada sa oras na malaman nitong kasama niya si Senyorito Zarick sa librabry room. Tiyak na tutuksuhin na naman siya ng kaibigan.

"Hindi ka lalabas?" paninigurado niya.

"Do you want me to leave you here?"

Umiling si Ataliana bilang sagot at napapikit nang matanto na... bakit gano'n ang sagot niya?

Ibig sabihin, gusto niya na naroon lang talaga si Zarick sa paligid niya hanggat gusto nito?

"I'll stay then," he declared, then felt his nose on her hair.

HG 2: Sounds of SubmissionWhere stories live. Discover now