Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

PROLOGUE

178K 5.7K 1.9K
                                    

PROLOGUE



HE painted the surrounding beautifully and perfectly. Ang mga kulay na ipininta Niya ay depende sa oras at sitwasyon.

Na kapag sasapit na ang gabi, ang kulay ng langit ay dumidilim at tila ba unti-unting lumulungkot at nawawalan ng sigla...

Parang pamamaalam sa nakagisnan—na mas madalas ang pagtatapos ay hindi masaya, kundi malungkot.

Kapag sisikat naman ang umaga, mas pinili Niyang ipinta sa paligid ang kulay ginto bilang salubong sa panibagong simula.

Na ang ginto ay simbolo ng isang kayamanan na galing sa Kanya.

Isang kayamanan na Siya lang tangi ang kayang magbigay sa atin... at iyon ay ang buhay natin.

Like as if He was telling us that our lives are golden and we should treasure every bit of it.

Totoo na ang buhay ng tao ay ginto na kapag nawala ay talagang panghihinayangan. Bukod sa hindi na 'yon maibabalik pa, tuluyan na rin maglalaho.

Sa likod ng bawat pintig ng puso ng mga tao, may isang inilikha na piniling i-sakripisyo ang Kanyang buhay para sa kapakanan ng nakararami.

Hindi niya alam kung sa mundong ito ay mayroon pa bang nabubuhay na kagaya Niya... na kahit ang sariling buhay ay handang i-alay para sa iba.

Then, she realized that... she could be that kind—the one who was willing to give her own life to someone that's very dear to her.

Hindi man kasing daming buhay ang kapalit, ngunit sa puso niya ay handang-handa talaga siyang lisanin ang mundo noon kapalit ng buhay ng pinakamamahal.

But no matter how much she wanted to leave this world, it didn't happen. And maybe, leaving this world that early was not meant for her yet. It was not her time yet.

Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa labi ni Ataliana habang pinagmamasdan ang bawat mabilis na patak ng ulan sa labas ng kahoy na bintana ng kanyang munting silid.

Ang luntian at maninipis na damo sa harap ay tila ba napapagod nang saluhin ang lahat ng tubig na nagbabagsakan galing sa langit na animo nagmamalupit.

Makulimlim ang buong paligid, malamig ang panahon at nakalulumbay.

Makapal ang kulay abong ulap at ang matatalas na kidlat bagamat nakakatakot, ay nakakamangha rin ang liwanag at bilis ng bawat galaw ng mga 'yon.

Even the dark clouds when it rains, the twinkle of every raindrop, and the golden thunders were beautifully made and colored by Him.

Ang taglay na galing Niya sa paraan nang pagbuo sa mundo at pagkulay sa buong paligid ay sadyang kahanga-hanga. Isa talaga Siyang likas na pintor at ang talento Niya ay hindi matatawaran nino man.

Napabuntong hininga si Ataliana nang nag ibayo pa ang pag-a-alboroto ng panahon.

Kung hindi titila ang ulan, tiyak na wala na naman silang trabaho sa bakahan. At kapag walang trabaho, wala rin salapi.

Tuwing summer o bakasyon sa eskwela, tumutulong si Ataliana sa kanyang lolo Amado sa pag-aalaga sa mga baka na ipinagkatiwala ng mga Guerrera dito.

They are living in the beautiful and huge land of Hacienda Guerrera. Sa harapan sa malayo ay tanaw na tanaw niya ang tila walang hanggan na mga puno ng niyog. Ang mga sanga ay sumasabay sa hagupit ng hangin.

May dalawang daan upang makapunta sila sa coconut plantation.

Una, pwede silang tumawid sa ilog na nasa ibabang bahagi ng lugar kung saan nakatayo ang bakahan at ilang kabahayan.

Mula sa kanyang bintana ay tanaw ni Ataliana sa ibaba sa malayong unahan ang barbwires at kulay puting matutulis na mga kahoy na nagsisilbing bakod papunta mula sa kahabaan ng ilog.

Iyon ay upang ang mga dayo o ang mga taong hindi otorisado ay hindi makapasok sa 'Bakahan' kung tawagin nila do'n. It's the dairy farm.

Pangalawa, gagamit sila ng motorsiklo, tricycle o kabayo kung mayroon at dadaan sa tamang daanan.

Ang mahabang ilog ang siyang naging hadlang sa pagitan ng dairy farm at coconut plantation.

Pagkalabas sa maliit na gubat galing sa ilog ay ang sementado at lubak-lubak din na daan patawid sa planta.

At kung dederetsuhin ang kalsada hanggang sa dulo ay patungo naman iyon sa mansyon ng mga Guerrera, sa waterfalls at ang tila pinaka dulo ay ang burol.

Pwede rin naman lakarin ang planta kaya lang ay medyo mahaba-habang lakaran 'yon. At ang alam niya pati ang mansyon ng mga Guerrera ay may kalayuan din ng kaunti mula sa planta.

Napatingin si Ataliana sa kaliwang bahagi sa labas nang makarinig ng ugong ng sasakyan sa kalagitnaan ng malakas na bagsak ng ulan.

Ataliana saw a pickup car parked at the usual parking for motorcycles and tricycles of the workers there.

"Lolo!" singhap niya nang makita na lumabas ang lolo niya sa front passenger seat at patakbong naglakad papunta sa pinto ng munti nilang tahanan.

Lumabas si Ataliana sa silid at kumuha kaagad ng payong kahit na naabutan niya na ang abuelo na kapapasok lang at mabilis itong nabasa ng ulan.

"Lo, dapat po hinintay mo na lang ako." Ngumuso siya at ipinakita rito ang payong na hawak niya.

Nagmano siya kahit pa ayaw sana nito dahil basa sa ulan.

"Sunduin mo na lang si Senyorito Zarick sa pickup, Ataliana, para hindi na mabasa."

"S-Senyorito Zarick?"

"Oo, apo. Puntahan mo na at magtimpla ng mainit na kape para sa atin."

"Uh, sige, lo!"

Zarick Guerrera family owned the huge land of Hacienda Guerrera, the coconut plantation, and even that small dairy farm near their house.

Doña Zarita—his mother loved fresh milk from cows. Kaya siguro nagpatayo ng sariling dairy farm para sa sariwang gatas.

Ataliana was only thirteen when she moved to Hacienda Guerrera.

Kung hindi pa namatay ang ina, siguro ay hindi siya makakatungtong sa Hacienda dahil ayaw niya itong iwan. Ang lolo Amado niya ang pinaka malapit na pamilya niya. Ama ito ng kanyang ina.

Naging mahirap at masakit ang buhay niya noong mga nakalipas na taon.

Ganon pa man, tunay siyang naging masaya sa piling ng ina at hindi niya akalain na pwede palang maghalo ang lungkot at saya sa loob ng puso niya.

When Ataliana moved to Hacienda Guerrera, she felt like He blessed her with another life— another life to spend with the people who truly loved and cared for her.

Nagkaroon siya ng mapagkakatiwalaang kaibigan, mapagmahal na lolo at masayang kapaligiran kasama ang mga taong bagamat simple ang pamumuhay ay nananatiling mabuti at hindi kailanman naging sakim na magkaro'n ng yaman.

Ang pamilyar na pintig ng kanyang puso ay nag-umpisang sumibol habang papalapit sa sasakyan. Hawak ang payong na tila ba handang-handang pagsilbihan ang lalaki na naghihintay sa loob.

The thought of seeing Senyorito Zarick is making her heart stop beating.

Hindi siya sigurado kung bakit gano'n ang nararamdaman niya sa tuwing naroon ang binata sa bakahan.

Tumapat si Ataliana sa pinto ng driver's seat. May tamang espasyo para kapag bumukas ang pinto ay hindi siya tatamaan.

Muling kumalabog ang kanyang dibdib nang bumukas ang pinto at nakita niya na naka-upo si Zarick Guerrera.

Nakasuot ito ng kulay puting t-shirt at napansin niyang napatakan 'yon ng ulan kaya medyo bumakat din ang matipunong dibdib. His hair is also a bit damp and longer than usual.

Napalunok siya nang magtama ang kanilang mga mata.

Ang kulay ng mga mata nito ay parang langit sa gabi, madilim man ngunit naroon pa rin ang hindi matatawarang ganda at ang misteryo na nakapaloob doon. Ang labi ay mapupula at naka-isang linya madalas lalo kapag kaharap siya.

His jawline is prominent and very virile. His narrow nose matches his thick luscious eyebrows.

She noticed that Zarick Guerrera is not very friendly to her. Minsan, nasasaksihan niyang nakikipagtawanan ito sa mga trabahador doon ngunit sa kanya ay hindi.

It felt awkward and she was unhappy that he was not friendly to her compared to other people in their area.

Bahagyang umawang ang labi nito habang nakatingin sa kanya ngunit walang lumabas na salita galing do'n.

Ataliana cleared her throat, trying to stop her heart from thumping.

"S-Senyorito Zarick..." kabado niyang sabi.

Tumango ito at bumaba ng sasakyan na para bang nawala sa mundo pansamantala... kagaya niya.

He's tall. She's about five and seven inches but her head only leveled his chest. At kahit umuulan, nagawa pa rin ng ilong niyang maamoy si Zarick, mabago at nakakahalina.

Nang hawakan ng Senyorito ang hawakan ng payong kung nasaan siya nakahawak, pakiramdam ni Ataliana ay tumalon ang kanyang puso nang magdampi ang kanilang mga balat. His palm is calloused but it's warm.

Ataliana swallowed hard again and her pace went faster. Gustung-gusto niya ng makapasok sa bahay at magkulong sa silid niya hanggang sa humupa ang kalabog ng kanyang dibdib.

Iniwan ni Ataliana si Zarick sa sala at nag timpla ng kape sa kusina. Ang lolo niya ay kausap na ang Senyorito.

"Sa Linggo pa ang punta namin sa Bulacan, Senyorito. Si Ada at Ataliana ang maiiwan dito sa bahay para may kasama ang apo ko." Narinig niyang sabi ng lolo niya.

Dalawang beses sa isang buwan lumuluwas ng Maynila o Bulacan ang lolo niya kasama si Damian upang ihatid ang produkto na gawa sa gatas ng baka sa isang malaking tindahan doon para sa mga pasalubong.

"Kapag tumila ang ulan ay planong palinisan ni Mamá ang likod ng mansyon," si Zarick. "Abala ang mga tao sa planta kaya dito ako kukuha ng mga maglilinis."

Binilisan ni Ataliana ang pagtitimpla ng kape upang makabalik na sa sala at makasingit sa usapan.

Madalas magpatawag si Donya Zarita ng mga tao para maglinis sa mansyon at hanggat may pagkakataon, kukunin niya ang oportunidad na 'yon para magkapera at pang dagdag sa ipon niya sa susunod na pasukan.

Maingat na inilapag ni Ataliana ang kape sa kahoy na lamesa sa gitna at nakayanan na hindi magpa-apekto nang sundan siya ng tingin ni Zarick.

Na kahit naka-upo na siya sa bandang harap ng inuupuan nito, nanatili ang mga mata sa kanya, tila ba kay hirap para dito na alisin na lang bigla ang tingin sa kanya hanggat hindi nagtatagal.

"Maglilinis? Pwede po ako, Senyorito!" Magiliw na prisinta niya kaya lang ay napawi ang dapat na ngiti niya nang parang dumilim ang mukha ng Senyorito.

Napayuko si Ataliana. Hindi siya sigurado kung bakit tila nagalit si Zarick. Masyado yata siyang agresibo at sumasabat kahit hindi naman kinakausap. Marahil ay ayaw nito ng gano'n.

"Lima lang ang kailangan," si Zarick, tapos ay sumimsim sa kape.

Mabait siyang nag angat ng tingin, siniguradong mukha siyang magalang.

Nag tama ulit ang kanilang mga mata at kailangan niya pang lihim na humugot ng hangin sa dibdib para lang makayanan ang intesidad sa bawat lapat ng tingin ni Zarick sa kanya.

"Ako na lang po, Senyorito..." medyo naging paawa ang kanyang boses pati ang mga mata. "Masipag po ako! Isasama ko rin si Ada."

Kilala naman ni Zarick si Ada dahil nitong mga nakalipas na buwan, dumalas na ito sa pagbisita sa bakahan. At inimbitahan ito ng lolo niya noong debut niya.

Akala niya nga ay hindi magpupunta pero talagang nagulat siya dahil dumalo si Zarick kahit gabi na. Simpleng handaan lang naman 'yon at sayawan.

Simula no'n, napansin niya na panay na ang bisita ni Zarick. At kahit kinakabahan siya kapag naroon ito, may halong tuwa pa rin sa kanyang dibdib.

"Magsama ka ng tatlo pa," ani ng Senyorito Zarick sa mababang tono.

Suplado itong nag iwas ng tingin sa kanya nang unti-unting sumilay ang masayang ngiti sa kanyang labi. Masungit talaga sa kanya. Di bale, ang mahalaga ay may dagdag pagkakakitaan siya sa linggong iyon.

"Salamat po, Senyorito! Sasabihan ko sila!" Masiglang sambit niya at kung hindi lang umuulan ay baka pinuntahan niya na ang bahay nila Ada para sa magandang balita.

"Ipapasundo ko kayo dito," seryoso pa rin ang boses at mukha ni Zarick, hindi natitinag.

"Sige po," she croaked and saw him lazily leering at her.

Ano kaya ang problema ng Senyorito Zarick sa kanya?

Sinisikap niya naman maging magalang at mabait. Tila hindi 'yon sapat. Hindi talaga yata gagaan ang loob sa kanya ni Zarick Guerrera.

Kalaunan nang medyo tumila ang ulan ay nagpaalam na ang Senyorito na uuwi na. Hinatid nila ito sa pinto at tinanaw ang sasakyan hanggang sa mawala sa paningin nila.

Naging sunud-sunod ang magandang sikat ng araw at nagpatuloy na ang trabaho sa bakahan.

Suot ang mapusyaw na dilaw na palda na lagpas ng tuhod at kupas na pang itaas, inihatid ni Ataliana ang paborito niyang baka sa damuhan para makakain. Malaki at kulay puti itong paboritong baka niya na may kaunting malalaking batik na itim sa balat.

"Kumain ka ng marami para marami ka ring gatas, Baraka." Sabay haplos niya sa may ibabaw ng ulo nito.

Inayos ni Ataliana ang bandana na kulay dilaw din bago yumukod at kumuha ng damo para ipakain kay Baraka.

She doesn't mind feeding and milking cows. It made her feel alive, and at ease, and this is what her life is now.

Kapag mabait ka sa mga hayop, ang mga taong nakapaligid sa 'yo ay magiging mabuti rin sa 'yo.

Kapag naging salbahe ka naman sa mga hayop o kahit sa kapwa mo, alam niyang may naghihintay na kaparusahan sa huli.

That's why she always chooses to be kind and respectful. Not because she wanted people to treat her the same way, but because that's the right way to do... that's how she wants her life to be lived.

Mataas na ang sikat ng araw at makintab na parang ginto ang kulay ng liwanag. Saktong-sakto 'yon sa malawak na damuhan kung saan pinapakain ang humigit kumulang dalawampung baka.

"Bukas ay maglilinis kami sa mansyon ng mga Guerrera," kwento niya kay Baraka na gumawa lang ng malakas na ingay tapos ay nagpatuloy sa pagkain.

"Maganda naman dito, di ba? Pero gusto mo rin bang maglakad-lakad? Kunyari sa planta o kaya maligo ka sa ilog?"

Baraka made another sound as if telling her that she liked her idea.

Yumukod ulit si Ataliana at kumuha ng damo bago inilapit 'yon sa bibig ni Baraka.

In cow barn, she can see Ada and Damian milking the cows there. Nagtatawanan ang mga ito at parang gusto niyang makisali.

Una niyang naging kaibigan si Ada, masiyahan ito at maligalig. Si Damian naman ay huli na niyang nakilala dahil nag aral sa Maynila ngunit huminto. Sa Hacienda na nananatili.

Inalalayan niya si Baraka para maglakad papunta pa sa mas maraming damo.

Nakatalikod na sila sa kulungan ng mga baka at medyo natatanaw niya na ang tahimik na tubig sa ilog sa unahan kahit pa may malalaking puno at makakapal na mga sanga ang nakaharang.

"Ayaw kitang dalhin sa ilog dahil natatakot ako na baka madulas ka at tumama ka sa barbwires at matutulis na kahoy," patuloy niya habang tinatanaw ang ilog at mga naglalakihang puno.

Medyo pababa papunta doon at kung hindi maingat, madudulas.

"Alam mo ba, naisip ko lang, pwede ko kayang maging kaibigan si Senyorito Zarick?" wala sa sariling tanong niya. "Kaya lang parang ayaw niya sa akin—"

"Ataliana..."

Ang pamilyar na boses sa kanyang likod ay halos magpahinto ng tibok ng kanyang puso.

Sapo ang dibdib at nangangamba na baka narinig ang mga sinabi niya, pumikit muna ng mariin si Ataliana bago nilingon ang Senyorito Zarick.

He's wearing army green long-sleeves, dark pants, and boots. Humahakab sa braso nito ang sleeves ng pang itaas, natatanaw niya ang nakahulmang muscles sa parteng 'yon.

"Senyorito..." Halos liparin ng sariwang hangin ang kanyang boses.

Zarick took a step until he almost reaches her.

Napatayo si Ataliana ng tuwid at wala sa sariling inayos ang dulo ng buhok, iniisip na gulu gulo na 'yon dahil sa hangin at baka mukha siyang bruha.

Uminit ang pisngi niya nang sundan ni Zarick ang kamay niyang sinusuklay ang alon-alon niyang buhok, tapos ay nakita niya ang pagangat ng kilay nito, tila ba naaliw.

"Nakahanap ka na ba ng makakasama bukas?" tanong ng Senyorito, hindi inaalis ang tingin sa kanya. Para bang kapag kumurap ito ay mawawala siya bigla.

"Uh, opo! Lima na po kami, Senyorito," habang sinasabi niya 'yon ay nakikita niya ang pamilyar na iritasyon sa mga mata ni Zarick Guerrera.

"Can you stop using po or poo while you're talking to me?" he said with a bit of annoyance in his tone.

Medyo nabigla si Ataliana doon ngunit kaagad din nakabawi.

Sa lihim na kagustuhan na gumaan ang loob sa kanya ng Senyorito Zarick, pakiramdam niya ay susundin niya ang anomang naisin nito para lang paluguran ito.

"Sige, Senyorito."

"And don't call me Senyorito."

Nagsalubong na ang mga kilay ni Ataliana.

Kalabisan naman yata kung pati ang pagtawag niya rito ng 'Senyorito' ay hindi nito papahintulutan?

"Bakit hindi? Senyorito ka namin—"

"Call me Zarick," he cut her off impatiently.

"Pero—"

"Hindi ko gusto na tinatawag mo akong Senyorito."

"Pero iyon ang tawag dapat sa 'yo," pilit niya sa tama. "Amo ka namin kaya dapat ay gagalangin ka."

Zarick heaved a sigh, then he massages his temple slightly.

Kinagat ni Ataliana ang loob ng pisngi, pakiramdam niya ay sumakit ang ulo nito dahil sa kanya.

"Kapag tayong dalawa lang pwede kitang tawagin ng Zarick, pero kapag may ibang tao... Senyorito ang itatawag ko sa 'yo," mahinang sabi niya at medyo nag aalangan dahil baka madagdagan ang sakit ng ulo nito dahil sa sinasabi niya. "Okay lang ba?"

Zarick slowly nods his head. "Alright. I'll be cool with that for now."

Tumango rin si Ataliana at hindi napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi na kaagad niya namang sinupil nang makita 'yon ni Zarick at para itong nahirapan.

'H-hindi mo ba gusto ang ngiti ko?" bigo at malungkot ang kanyang boses. "Kung hindi mo gusto... hindi na lang ako—"

"No baby, I like your smile," he said in a husky tone that made her stomach flutter. "I just can't stand seeing you smiling in front of me without kissing your lips."

Pumungay ang mga mata ni Zarick at habang nakatingin sa kanya ay pakiramdam niya ay unti-unting nanghihina ang kanyang mga tuhod at bigla na lang babagsak sa kinatatayuan.

At nang tuluyang rumihistro sa kanyang isip ang mga sinabi ng Senyorito, lubos na uminit ang kanyang pisngi at muling nagwala ang kanyang puso.

Ataliana chew her lips shyly as if Zarick Guerrera would kiss her right now.

"And stop playing with your lips."

Humakbang ang Senyorito hanggang sa halos dalawang dangkal na lang ang pagitan nila.

Mas lalong nadepina ang ingay ng pintig ng puso niya at lihim na nangangamba na baka marinig nito 'yon.

Zarick crouched his head until it reached her ear.

"... kakagatin ko 'yan..." bulong nito sa senswal na paraan na nagbigay kiliti sa mga balahibo sa kanyang batok. "I bite lips, Ataliana."

Mabilis na hininto ni Ataliana ang pagkagat sa labi at tumayo ng tuwid. Mahirap na at baka mahalikan siya ni Zarick bigla!

But the thought of Zarick Guerrera kissing her... thrilled her.

HG 2: Sounds of SubmissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon