Kia's POV
Ilang oras din ang biyahe at hindi ko namalayang naka tulog na pala ako sa balikat ni Gil. Nakakahiya buti nalang at tulog din siya. Dahan - dahan lang ako gumalaw dahil baka magising ko siya. Napatingin agad ako sa balikad niya dahil baka tumulo na pala ang laway ko, nakahinga naman ako ng maluwag nung wala akong bakas na nakita.
Lumingon ako sa kabilang gilid at nakita kong naka tulog din sila Kuya at Ate Lai, naka akbay pa si Kuya sa kanya! At dahil dakilang shipper ako ng dalawang ito, I took my phone out and snap a picture of them sleeping.
I was grinning ear to ear feeling satisfied with the picture nang maramdaman kong gumalaw nang konti si Gil kaya napatingin ako sa kanya. Wala sa sariling tinapat ko din ang camera sa muka ni Gil at kinuhanan siya ng litrato. Ang cute niya kaya hindi ako nakontento sa isa at kukunan ko pa sana ulit siya pero muntik ko ng maihagis ang cellphone ko dahil bigla siyang ngumiti at dumilat.
"Sorry, nagising ba kita?" Napapayuko kong tanong. That was so embarrassing! kung pwede lang lamunin na sana ako ng lupa.
"Nah, hindi naman talaga ako nakatulog" medyo naginat pa siya at minasahe ang balikat na sinasandalan ko kanina.
Bakit kaya ang gwapo niya kahit nagiinat lang siya? Ito na ba ung sinasabi nilang filter na kapag in love ka lagi silang gwapo sa paningin mo o sadyang gwapo lang talaga 'tong katabi ko?
"Nangalay ba? Sorry, hindi ko namalayan nakatulog na pala ako"
"Ayos lang, kesa naman mauntog ka pa mas okay na 'yon" naririnig ko ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa ngiti niya.
"Nahihilo ka ba? Are you okay? Namumula ka bigla" hinipo nya pa ung muka ko gamit ang likod ng palad kaya pakiramdam ko mas lalo ako namula.
"Ah wala lang 'to sa haba lang ng byahe siguro" pagdadahilan ko.
"Here" sinoot nya sakin ung isa sa airpods niya "matulog ka nalang ulit, maya - maya mags-stop over din tayo, gigisingin nalang kita" he said tapping his shoulder.
"No! I'm okay hindi na kaylangan" pagtatanggi ko pa sana but instead, he pulled me close at sinandal sa kanya.
Bakit ang sweet nitong taong 'to? Wala pa rin ba 'tong meaning? Hindi ko mapigilang magisip na sana hindi lang ako ung may gusto sa kanya, hindi ba pwedeng siya rin may gusto sakin? Unfair!
"Just sleep Kia baka lalo ka lang mahilo, gigisingin nalang kita" napapikit nalang ako ng mariin dahil hindi naman talaga ako nahihilo. Good heavens Kia this is so not you anymore.
'Lord I'm sorry for taking advantage of the situation, alam kong hindi ako dapat natutuwa ngayon pero hindi ko mapigilan'
I could feel his breath sa ulunan ko, I'm already screaming inside dahil sa kilig pero mas nanlambot ako nang akbayan niya rin ako at tinapik - tapik pa ang balikat ko. This is so not me at all! Ano bang nangyayari sa'kin? My gosh Gilson ano bang pinakain mo sa'kin at ganito nalang ang epekto mo sa pagkatao ko?!
I never thought na makakatulog ulit ako dahil sa kilig but I did. Ginising ako ni Gil when we stopped over somewhere to eat lunch, hindi rin naman kami nagtagal dahil we still have a long way to go. It took us about 3 more hours bago kami nakarating sa ancestor house na tinitirahan ng Lola ko.
I greeted my Lola as soon as I saw her, nagmano ako at niyakap siya dahil matagal din kaming hindi nagkita.
"I'm sorry I couldn't make it sa birthday mo apo, alam mo naman ang Lola pabata ng pabata" I laughed at her joke and told her that it was fine and that I will have more birthdays to come kaya pwedeng - pwede siyang bumawi next year.
ESTÁS LEYENDO
When is the Time to Let You Go
RomanceKia Jimenez is a Civil Engineering student at DSLU who is the childhood friend of Gilson Chavez of Architecture. She has been in love with Gilson since high school who's now about to set of to Barcelona after receiving a scholarship leaving Kia behi...
