CHRYSANTHEMUM

216 14 64
                                    


Laarni

"Sigurado ka bang ayaw mong samahan si Kiefer na i-manage ang Alfonso's Kitchen?"

"Hindi na po, Papa. Kaya na po 'yon ni Kiefer. Gusto ko munang magbakasyon. Baka po sakaling sa pagbalik ko, malaman ko na kung ano'ng gagawin ko sa buhay ko."

Magkakasabay kaming kumakain ng hapunan, pero masama raw ang pakiramdam ni Tita Thalia kaya hindi siya sumabay sa amin. Alam kong iniiwasan niya ako nitong mga nakaraang araw at habang tumatagal ay tumataas ang hiya na nararamdaman ko.

"You can help me pagbalik mo. Sa 'yo rin ang Alfonso's Kitchen." Patapos na sa kanyang pagkain si Kiefer.

Makulit talaga sila.

Ngumiti na lang ako.

NANG natapos kaming kumain ay dumiretso kami ni Kiefer sa gazebo. Masaya ako sa kung ano ang samahan namin ngayon.

"Everything happened so fast."

"Oo nga."

Umiinom siya ng wine. Pareho kaming nakaupo at dinarama ang lamig ng hangin.

"You're free, Laarni  . . . from me."

"Ano?"

Nilapag niya ang wine glass sa table. "You've been with me. I've told you where you should live and where you should work, and I nearly treat you like a child. Your choices are dependent on me. I'm sorry if I realized it too late."

Hala!

"Ano ka ba! Hindi dahil lagi akong nasa tabi mo ay naikulong mo na 'ko. Masaya akong samahan ka sa bawat araw. Pinaramdam mo sa 'kin ang magkaroon ng pamilya. Tinulungan mo 'ko, itinayo mo 'ko at higit sa lahat, nagmalasakit ka sa 'kin."

Napangiti ko siya, pero kitang-kita ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya.

"I love you. I will always love you."

Unti-unting bumagsak ang mga panga ko.

"It's a kind of unconditional love. Hindi ako hihiling na suklian mo dahil inaayos ko na rin ang pagkakaibigan namin ni Lotus. Malaya kitang minamahal and all I want for you is the best."

Napangiti ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sa dinami-rami ng mga babaeng nagparamdam sa kanya ng pagkagusto, hindi ko akalaing sa 'kin pa siya mahuhulog. Sana dumating 'yung time na magmahal siya ng iba.

"May sasabihin ako," muli niyang sabi.

"Ano?"

Nagpalipat-lipat ang kanyang paningin. "Kilala ko na kung sino ang mga magulang ko."

Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga? Sino?"

Muli na naman siyang humugot ng malalim na hininga 'tsaka bumuga ng hangin. Kilala ko si Kiefer, may bumabagabag sa kanya kapag ganito ang mukha niya.

"Tumawag sa 'kin si Ate Mona at sinabing may babaeng naghahanap sa 'kin. It's my biological mother. I met her yesterday at nag-usap kami sa isang coffee shop. Ang sabi niya . . ."

Bigla siyang natulala habang nakakuyom ang kanyang kamao. Hinawakan ko ito para mabawasan ang tensyon na nararamdaman niya. Hindi man niya sabihin, alam kong mabigat ang kalooban niya ngayon.

"Ilabas mo lang, Kiefer."

"Ang sabi niya . . . iniwan niya ako dahil namatay ang tatay ko noon. Mag-isa na lang niya noon at hindi niya na ako kayang buhayin dahil may sakit siya."

Nakaramdam ako ng kakaibang lungkot. Noong nasa orphanage pa kami ay pare-pareho kaming nagtatanong kung bakit kami iniwan ng mga nanay namin.

"Ano'ng sinabi mo?"

BLOOMWhere stories live. Discover now