LAVENDER

153 15 51
                                    

Laarni

Lavender is a flowering shrub
that can be used as tea or essential oil. It is primarily used for relaxation and wound healing.

"Mabait po si Señorito."

Tipid akong ngumiti sa harapan ng babaeng kausap ko. Narito kami ngayon sa farm ng mga Villanueva dahil ipinasyal ako ni Lotus. Kausap niya ang mga magsasaka nila habang kausap ko naman ang isang babaeng nasa edad apatnapu, na isa sa mga nag-aalaga ng mga hayop. Marami siyang nunal sa mukha at marami na siyang guhit sa paligid ng mga mata at labi niya. Matangkad siya at malaki ang pangangatawan.

Ang sarap ng simoy ng hangin dito, malayo sa nilalanghap namin sa siyudad.

Tinanong ko ang babaeng nasa harapan ko kung paano mamahala si Lotus sa kanila.

"Nakikihalubilo siya sa 'min kahit na puwede naman niyang iutos sa iba. Tulad ng kanyang ama, hindi lang siya 'yong nasa opisina lang. Malaki ang respeto namin sa kanya dahil hindi lang ang pagpasok ng pera sa negosyo nila ang iniisip niya, binigyan nila kami ng hanapbuhay at tinutulungan kaming magkaroon ng mga kaalaman sa pamamagitan ng mga libreng seminars."

"Mabuti naman po kung gano'n."

Tila aliw na aliw ang babae sa pagkukuwento. Ilang beses siyang pumapalakpak kapag natutuwa at hindi niya ito namamalayan.

"No'ng una ay kinabahan kami nang sabihin ni Sir Benjamin na darating ang anak niya para pumalit sa kanya. Usap-usapan kasi na lumaki siya sa Amerika kaya baka baguhin niya ang pamamalakad ng kanyang ama o kaya ay magtanggal siya ng mga tao, pero mali kami dahil no'ng dumating siya ay agad siyang naparito at naging maganda ang pakikitungo niya sa 'min. Hindi rin niya gustong pinagsisilbihan namin siya, 'tsaka mula nang humalili siya ay nagkaroon kami ng mga seminars para matuto rin kaming magnegosyo."

Hindi ko maiwasang mapangiti at mapatingin kay Lotus. Napakamapagkumbaba talaga niya, pero hindi ko pa rin maiwasang isip-isipin ang batang lalaki. Paano naman niya nasabi na masama si Lotus?

Napatingin sa akin si Lotus at binigyan niya ako ng matingkad na ngiti.

Ano ba'ng dapat kong paniwalaan?

***

"Ang lawak ng farm n'yo, bro."

Dumating si Kiefer kaninang tanghali. Niyaya rin siya rito ni Lotus, pero nauna na kaming pumunta rito dahil may ginawa pa si Kiefer sa restaurant. Nililibot ng kanyang mga mata ang kabuuan ng farm, mababakas ang kanyang paghanga sa lugar. Maski ako ay namamangha sa lawak nito. Pinya at saging ang itinatanim dito na ginagawang mga produkto at tinitinda sa mga tao. Nag-e-export din sila sa ibang bansa kaya maraming business partners ang ama ni Lotus sa iba't ibang bansa, samantalang malawak din ang kanilang babuyan at manukan. Tunay ngang napakayaman ng mga Villanueva, pero hindi ito nangingibabaw sa kanilang mga ulo.

Nakaupo kami ni Lotus sa upuang gawa sa kahoy at may bilog na lamesa sa pagitan namin, samantalang nakatayo si Kiefer at nakatingin sa mga magsasaka. Hinahangin ang buhok ko kaya ramdam ko ang hangin sa aking batok.

"Yeah."

Lumapit sa 'min si Kiefer at umupo sa tabi ko. "Ang ganda rito, ang gaan ng hangin."

"Yup. Kapag may oras kayo ay punta tayo ulit dito."

Lumapit sa amin ang isang babaeng may dalang itim na tray. May nakalagay na tatlong tasa na may lamang tsaa. Bigla akong kinabahan nang makita ko ang purple na petal na lumulutang sa loob ng tasa. Katulad ito ng bulaklak na iniwan na naman sa aking pintuan noong umaga.

BLOOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon