PEONY

135 16 67
                                    


"Halika at ilagay natin ang bulaklak na ito sa tainga mo."

"Para na ba akong princess?"

"Oo, princess ka na. Napakaganda mo, Rose."

"Rose!"

"Mama . . ."

"Bakit nakakalat ang mga bulaklak?"

Napatingin si Rondeletia kay Landon, "Ikaw, hindi ka pa ba uuwi?"

Tumayo si Landon at magalang na nagsalita. "Aalis na po ako, Tita. Sinamahan ko lang po si Rose habang wala po kayo."

Hindi na nagsalita pa si Rondeletia. Ayaw na ayaw niyang nakikita si Landon dahil bunga ito ng pagmamahalan nina Linda at Leo, pero wala siyang magawa dahil ayaw niyang masira ang pangalan niya kay Leo.

Nagpaalam na si Landon kay Rose. Naiwan si Rose na nakatayo at nakayuko ang ulo. Natatakot siyang magalit ulit ang kanyang ina.

"'Wag mong paglaruan ang mga bulaklak dahil itinitinda natin 'yan!"

"Sorry po, Mama . . . pero isa lang po ang kinuha namin ni Landon."

"Kahit na. Masyado kang marason."

Nakita ni Rondeletia na magulo ang buhok ni Rose. Unti-unti nang lumalambot ang puso niya para sa anak. Hindi nga lang niya ito maamin sa kanyang sarili. Kumuha siya ng suklay at pinaupo ang anak sa isang upuan.

"Mama, bakit po si Landon may tatay, ako wala? Nasa'n po ang tatay ko?"

Napatigil si Rondeletia sa kanyang ginagawa. Muli na namang kumirot ang kanyang puso.

"Patay na ang tatay mo," matigas niyang pagkasabi.

Nalungkot ang puso ni Rose. Sa murang edad ay naging mabigat na ang mundo niya dahil ramdam niya na may kulang at hindi niya alam kung paano ito mabubuo. Hawak niya ang bulaklak ng Peony na inilagay ni Landon sa kanyang tainga kanina. Ang sabi sa kanya ng kanyang Tita Linda ay ito ang paboritong bulaklak ng isang fairy tale character na si Cinderella. Paborito kasi ni Rose si Cinderella at pangarap niyang maging isang prinsesa balang araw.

Natapos na si Rondeletia na suklayin ang buhok ng anak. Napatitig na lang siya kay Rose. Kahawig niya ito at pareho silang may hugis ulap na birthmark sa balikat. Sa kabila ng malaking pagkakahawig nila ay may namana pa rin si Rose kay Maximo at iyon ay ang kanyang mapupungay at maamong mga mata.

"Mama, I love you."

Tumalikod si Rondeletia at nagsimulang ayusin ang mga bulaklak. Napayuko naman ang ulo ni Rose dahil napapaisip siya kung may mali ba sa sinabi niya.

"Matulog ka na."

***

Laarni

"Ang lawak ng kuwarto mo."

Nilibot ng mga mata ko ang loob ng kuwarto ni Lotus. Nakauwi na siya noong umaga galing sa ospital at pumunta na ako agad rito pagkatapos ng aking trabaho.

BLOOMWhere stories live. Discover now