IRIS

126 13 51
                                    


"Nasa'n ang tatay mo?"

"Isinugod po siya nina Mama at Lola sa hospital. Bigla na lang pong nanginig si Papa."

Mabilis na lumabas ang mga luha ni Rondeletia. "Ikaw muna ang bahala kay Rose, Landon."

Nagmadaling lumabas si Rondeletia at naiwan si Rose kasama sina Landon at Lily sa bahay nina Linda. Niyakap na lamang ni Landon sina Rose at Lily habang umiiyak.

Agad sumakay ng tricycle si Rondeletia habang walang tigil ang kanyang mga mata sa pagluha.

NANG makarating siya sa ospital ay dumiretso siya sa Emergency Room, ngunit wala roon si Leo. Nilapitan niya ang babaeng nurse na nandoon.

"Nasaan ang bagong dating na pasyente rito, si Leo Ramirez?"

Napaatras nang kaunti ang nurse dahil sa marahas na pagtatanong ni Rondeletia. "N-nasa mortuary po, ma'am."

"Mortuary?"

"Wala na po siya, ma'am . . . dead on arrival."

"Ano?"

Mahigpit na hinawakan ni Rondeletia ang braso ng nurse. "Hindi totoo 'yan! Bawiin mo ang sinabi mo! Tanga ka ba!"

"Aray! Nasasaktan po ako."

"Hindi siya patay! Wala kang kuwenta!"

Hinila ng ibang nurses si Rondeletia. Binitiwan niya ang nurse at pinunasan niya ang kaniyang mga luha. Tumakbo siya papunta sa kinaroroonan ng mortuary.

May nakasalubong siyang isang janitor sa hallway. "Ituro mo sa 'kin kung saan ang mortuary!"

"D-dito po." Walang nagawa ang janitor kundi ang samahan si Rondeletia.

NANG makarating sila ay may isang bangkay ang naroon. Nakatakip ito ng puting tela. Malamig ang paligid, pero mas malamig ang puso ni Rondeletia. Dahan-dahang tinanggal ni Rondeletia ang puting tela at tumambad sa kanyang harapan ang walang buhay na katawan ni Leo. Tinakpan niya ang kaniyang bibig kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha.

Nahulog sa sahig ang dala-dala niyang bulaklak ng Iris. Nais niya sana itong ibigay kay Leo dahil sumisimbolo ito sa tiwala at pag-asa. Naniniwala din si Rondeletia na isa itong tulay patungo sa langit dahil na rin sa mga nabasa niya tungkol sa Mitolohiyang Griyego. Nais niyang ipadala sa langit ang kanyang kahilingan na gumaling si Leo, ngunit sa isang iglap ay nakaramdam siya ng pagkamuhi sa Maykapal dahil bago pa lang siya humiling ay isinara na ang pinto ng langit.

Siya lamang ang naroon dahil nahimatay si Linda nang mawalan ng buhay ang kanyang asawa, samantalang inaayos naman ng ina ni Leo ang mga papeles ng anak para madala ito sa punerarya.

"Hindi! Leo, bumangon ka riyan!" Pilit na niyuyugyog ni Linda ang katawan ni Leo, ngunit kahit anong sigaw niya ay hinarap siya ng isang nakakatakot na katotohanan—patay na si Leo.

Napaupo sa sahig si Rondeletia habang nakakuyom ang dalawang kamao, dinarama ang pait ng nakasusuklam na reyalidad.

"Hayop ka . . . Linda!"

***

Laarni

"It's possible that you experienced Physical Childhood Trauma."

BLOOMजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें