BUTTERCUP

129 14 67
                                    


"Bakit po kayo palaging nagpupunta rito? Bakit ninyo palaging binibigyan ng bulaklak si Mama?"

Nawala ang ngiti sa mukha ni Rondeletia. Kasama niya si Rose upang makipaglaro sana kay Landon.

"Bakit? Masama bang dalawin ang aking kaibigan?"

Pinandilatan siya ni Landon ng mata. "Opo. Masama po, lalo at mas lumalala ang sitwasyon ni Mama sa tuwing pumupunta po kayo."

Napakuyom ang kamao ni Rondeletia, kulang na lang ay mabali na ang mga tangkay ng bulaklak na dala niya.

"Hoy, Landon! Bastos ka! Napakabata mo pa, pero sumasagot ka na! Palibhasa ay nababaliw na 'yang nanay mo kaya kulang na kayo sa pag-aalaga!"

Nakaramdam ng pag-alab sa loob ng kanyang puso si Landon. "Hindi po nababaliw si Mama! Kung may baliw ay kayo po 'yon!" kalmado lang ang boses ni Landon, pero nanginginig na ang kanyang kalamnan.

Hindi na alam ni Landon ang gagawin niya sa kanyang ina kaya tinawagan na niya ang kanyang lola. Siguradong darating na ito mamayang gabi. Alam ni Landon na nagkukunwari lamang si Rondeletia na mabait sa harapan ng ina. Hindi niya matukoy, pero sigurado siyang may kinalaman si Rondeletia sa nangyayari sa kanyang ina.

Hindi na nakipagtalo pa si Rondeletia. Mabilis siyang tumalikod at lumabas ng kanilang bahay. Hindi agad sumunod si Rose dahil sinamaan niya ng tingin si Landon.

"Rose . . ."

"Bad ka, Landon! Inaaway mo si Mama!"

"Hindi ko siya inaaway. May mga bagay na hindi mo pa naiintindihan."

Tumulo ang mga luha ni Rose sa kanyang pisngi na nakapagpalambot naman sa puso ni Landon. May espesyal na espasyo na si Rose sa puso niya.

Mabilis na tumakbo si Rose nang hawakan ni Landon ang kanyang kamay. Napahinto si Rose 'tsaka nilingon si Landon.

"Ayoko na sa 'yo! Bad ka!"

***

Laarni

"I'm sorry kung hindi kita nasasamahan sa mga therapy sessions mo. Busy lang talaga ako."

Parang pinipilit ng mga mata ni Lotus na bigyan ng buhay ang pagod niyang mukha.

"Okay lang 'yon. Hindi mo naman ako kailangang samahan."

Tipid siyang ngumiti. "Kumusta pala ang therapy mo?"

Sinundo niya ako sa clinic ni Dra. Alceo. Nasa sasakyan kami dahil sabay kaming manananghalian bago niya ako ihatid sa trabaho. Palagi siyang busy, pero bumabawi siya kapag maluwag ang kanyang oras.

"Okay naman. Wala pa akong naaalala, pero mula no'ng pumupunta na ako sa therapy ay nabawasan ang pagiging matatakutin ko. Bihira na rin akong kabahan at nakakatulog na ako nang maayos sa gabi."

"I'm happy to hear that." Matipid lang talaga ang ngiti niya.

Mukha siyang matamlay. Ang lalaki rin ng mga eyebags niya ngayon.

"Kumusta ka?"

Pinilit niyang ngumiti. Baka few years from now, mamuo na ang mga guhit sa noo niya.

"May kaunting problema lang sa company, pero I can handle it. Don't worry."

Natahimik na lang ako. Hindi nga naman madaling magpatakbo ng kumpanya at alam kong palagi siyang pagod. Hindi na niya ako masyadong nasusundo sa trabaho. Minsan ay hinahatid na lang ako ni Kiefer o sumasabay na lang ako kay Larry, pero kahit gano'n ay hindi niya nakalilimutang tumawag sa gabi. Na-a-appreciate ko rin na personal niya akong ipinagda-drive at hindi niya sinasama ang kanyang driver. Hindi rin siya maselan sa mga bagay-bagay at kahit saan pa kami pumunta ay ayos lang sa kanya. Hindi rin siya nagsasawang mag-follow-up sa police station. Masasabi kong, sa kabila ng mayroon siya ay nakikita ko pa rin ang Lotus na nakasama ko noon sa orphanage.

BLOOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon