Tumingin si Jacob sa dalaga at binigyan ito ng isang simpleng ngiti. "I'd rather disappoint them than disappoint you," diretsahang pahayag niya.

Agad na lumundag ang puso ni Miisha. Dama niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi. Upang huwag mahalata ang nag-uumapaw na kilig at saya, patay-malisya siyang sumipsip sa kanyang softdrinks.

"How are you and your mom? Nagkausap na ba kayo?" pangungumusta ng lalaki habang inililipat ang mga pagkain mula sa tray.

"She visited my apartment pero hindi naging maganda ang pag-uusap namin," may katamlayang sagot ng dalaga. "She invites me for a dinner tomorrow but I'm still thinking if I should go or not."

"Oh I see," simpleng tugon ng binata nang may kasamang tango.

Miisha was expecting more words from him but unusually, he remained silent about it. "Wala ka na bang ibang sasabihin?"

He shook his head.

"But what do you think? Pupunta ba ako o hindi?"

"It's up to you. Follow whatever your heart says," tipid na sagot nito.

Hindi satisfied si Miisha sa pahayag ng kausap. Naninibago siya na hindi ito nagbibigay ng mahabang opinyon. Hindi siya sanay. Parang may kulang. Di niya magawang magdesisyon unless Jacob completely share his thoughts.

"B-But I need to hear your opinion. Makakatulong ito sa aking pagdidesisyon."

Maamong tiningnan ni Jacob ang katabi. "You need to decide on your own dahil ikaw din naman ang makakasagot kung handa ka na ba talagang pakiharapan ng maayos ang nanay mo... I don't want to suggest anything. To be honest I want to apologize for what I did last time. You were hurt because of me and I'm sorry. I should have understood that you were not ready yet to face your mother," malumanay na paliwanag nya. "Do whatever you want to do basta nandito lang ako sa likod mo kung kailangan mo ng mahihingahan."

"S-Salamat and you don't really need to apologize. Actually, hindi ka naman talaga nagkamali. Deep inside gusto ko talagang puntahan ang nanay ko. I wanted to see her because I'm curious kung ano ang mararamdaman ko at yun nga nalaman ko na hindi pa rin ako handang kalimutan ang ginawa niyang pagpapabaya at pang-iiwan sa akin." She took a deep breath and played with her spoon with faraway look. "Siguro darating din ang panahon na matatanggap ko siya but not that soon. Right now, everytime I see her face, naalala ko lang ang mga kasalanan at pagkukulang niya sa akin," she said with a bitter smile.

"Maybe.. sabi nga nila time heals all wounds," may ngiting komento ni Jacob.

"Let's eat," masigla nang aya ni Miisha.

"Miisha I think there's one best solution para mabilis mong mapatawad ang nanay mo," ngingiti-ngiting wika ng binata.

"Paano?"

"Learn to fill your heart with love. Look around you baka may gusto ka nang mahalin."

She's A Bad GirlHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin