Chapter One

62 17 11
                                    


(Rein's P.O.V)

5 years before sammy's born

"HEY! You bastard anong kalokohan to? Nakikipag halikan ka sa isang babae habang nasa harapan nang sariling jowa mo?!" Dinig kong sigaw ni Nada sa lalakeng nag cheat sa akin

Hindi naman kami nag tagal like mga 1 year lang kami pero hindi naman ganun ka tagal, parang hindi naman siya nag seryoso sa akin

And I know naman na meron siyang iba habang kami pang dalawa

Kaya eto  nandito kaming dalawa ni nada sinusugod siya

"Eh, hindi naman siya hot na akala mo, bakit ba naman gusto mong mag tagal kami? Ni minsan hindi ko yan nagalaw! Ni minsan hindi ko yan na halikan? Anong kwentang Syota yan!" Panay na sigaw niya sa harapan ni Nada

Ako naman eto na sho-shock parin sa mga sinabi niya, dih ko rin naman alam na yun pala ang lalabas sa bibig niya

"Bakit kailangan bang dapat mo munang matikman ang isang babae bago mo jojowain? Ano ka gwapo? Eh mukha ka ngang sisik na isda eh, di ko nga alam kung bakit pumatol sa iyo ang kaibigan ko!" Sigaw niya parin "Assuming, akala mo ang bango nang ugali e mas ma bango pa sayo ang downy eh!"

"Pasalamat kana lang at pinatulan ko ang kaibigan mong yan! Eh ni minsang salita di ko nga narinig mula sa kanya kahit ang 'I love you' e Katulad lang siya ni—

PAK!

Dinig kong pag sampal nang isang babae sa kanya dahilan kaya di niya natapos ang sasabihin niya kanina

"Hindi porket hindi mo nahalikan hindi na tatagal sayo? ako naman ha hinalikan mo rin. bakit nag tagal ba tayo? At aba ang lakas mong sabihin sa kanya na hindi mo siya nagalaw bakit kagalang galang ka ba para galawin sa kama? maging tunay kangang lalake! Eww nakakadiri ka!" Sigaw ng babaeng kaharap niya ngayon

Nag tinginan naman kaming dalawa ni nada di ko rin naman alam kung anong nangyayari at syempre ayaw ko nang makipag balikan pa sa kanya no

Si nada lang naman ang may gustong pumunta rito kaya sinamahan ko lang, akala naman niya hindi pa ako naka move-on

Hah!

Hindi naman siya ka gwapuhan para ma love-sick ako sa kanya hindi ba?

Naramdaman kong nasa harap ko na yung babaeng yun kaya naman tumingin ako sa kanya

Ningitian niya lang ako nang maluwag at alam mong hindi yon peke

"Hi, Im Margarette you can call me marga if you want too" sabi niya sa akin habang naka ngiti parin

"I'm Brigette but in short you can call me Rein" pag pakilala ko naman sa kanya

"And that's my best friend Nada" sabi ko pa tsaka naman lumapit sa amin si nada

"Nice to meet you" sabi niya

"Bakit mo pala yun sinampal? Tsaka bakit mo kami pinag tanggol?" Sabi ni Nada

"Ahhh, isa rin kase akong biktima niya and napag tanto kong ka-klase kayo ni kuya kaya alam kong mababait kayong tao" sabi niya

Kuya? Sinong kuya niya na ka klase namin?

"Sinong kuya?—"

"Ahh, si kuya hance Vincent? Hance for Short" sabi niya sa amin

Ahh yung heartthrob ba yung kuya niya?

"Ahhh baka kilala namin yung kuya mo" sabi ni Nada

"Seriously, di niyo siya kilala? Nag da-dalawa pa kayo kung kilala niyo siya?" Sabi niya na parang nagulat

Her Secret (FALL SERIES # 1)Where stories live. Discover now