Mabilis lumipas ang maghapon ng hindi ko masyadong nararamdaman. Madami kasing activities na binigay ang mga guro namin kaya naman, naging busy kami at hindi na namalayan ang oras. Kasalukuyan kaming nasa byahe papunta sa school nina Daniel. Six years old pa lamang siya pero, nakapasok na kaagad sya sa kindergarten. Kadalasan kasi sa mga ganoong edad ay nasa prep o nursery at saling pusa lamang na nagiging dahilan ng pag- ulit nila ng isang taon. Masasabi kong nagman ang matabang batang iyon sa kanyang ama. Hindi ko pa man sila tuluyang kilala ay alam kong mataas ang pinag- aralan nito. Halata din sa mga kilos nya na matalino ito dahil mayabang sya kung umasta. Akala mo naman kaya nyang higitan ang lahat.

"Hindi ka naman mahihirapan kay MK. Mabait at masunurin syang bata. Isa pa, gustong gusto ka nya kaya naman, sigurado akong gagawin nya ang kahat para lang magustuhan mo." biglang saad ni Brijie.

"Alam ko. Ikaw lang naman ang sakit ng ulo ko, ehh." bato ko naman sa kanya pabalik.

"Sa bait kong ito? Palagi nga kitang pinapasaya." mataas ang kompiyansang balik nya.

"Kahit tulog ka, hindi ka mabait." natatawa ko namang tugon.

Hindi na sya sumagot nya bagkus ay narinig ko na lang syang bumuntong hininga. Seryoso, tama naman sya sa part na palagi nya akong pinapasaya. Sinasabi ko lang ang mga bagaya na iyon para asarin sya. Pero, heaven knows kung gaano ako nagpapa- salamat sa lahat ng nagawa nya para sa akin.

Kagaya ng inaasahan ko ay sa isang prestihiyosong paaralan nag- aaral si Daniel. Sa pagkaka- tanda ko ay isa ang eskwelahang ito sa mga pinaka- mahal at pribadong elementary school dito sa bansa. Kaagad naman naming nakita si Daniel na kumakaway na naglalakad palabas ng room nila. Nasa bungad lamang kasi ang silid aralan ng mga kindergarten kaya naman, hindi na kami mahihirapan pang hanapin ito. Sinalubong naman ito ni Brijie upang kuhanin ang dala nitong bag.

"Hello, Ate Pretty!" bati nya sa akin.

Napangiti naman ako. "Kamusta ang klase?"

"Mabuti naman po. Natulog lang naman po ako maghapon." proud naman nyang sagot.

Nangunot ang noo ko. "Natulog?"

Tumango naman sya. "Marunong na po akong magbasa, mag- solve ng Math, English at madami pa pong iba. Nakaka- boring po ang maghapong pagkukulay ng mga animals at pagte- trace ng mga lines."

Napamaang naman ako. Seryoso ba sya?

"He is a smart kid." Singit naman ng kumag. "Tinuturuan sya ni Uncle ng mga bagay na hindi pa itinuturo sa mga normal na bata ng karamihan. He maybe a six years old baby boy pero kaya na nyan makipag- sabayan sa mga batang nasa grade five o six."

Wow. Speechless ako. Ano bang nakain ng damuhong ama ng batang ito at tinuruan kaagad sya ng mga komplikadong bagay? Dapat ay paglalaro at pag- e- enjoy pa lamang ang inaatupag ni Daniel hindi iyong pagso- solve ng mga math problems.

Matapos masigurado ng kulaog kong kaibigan na naka- upo na ang bata sa backseat ng maayos ay sumakay na din kami sa sasakyan. Kaagad naman syang nagmaneho dahil may pupuntahan pa daw sya. Ihahatid lang daw nya kami sa bahay at aalis din sya kaagad. Nagpapa- sama daw kasi si Tita Penelope at hindi daw sya maka- tanggi.

Naka- uwe kami ni Daniel sa bahay ko ng maayos. Kaagad ko naman syang inasikaso. Boy scout ang kumag kong kaibigan dahil may dala na pala syang kaunting damit at gamit ni Daniel. Kanina pa nga daw iyon sa kotse nya, nakalimutan nya lamang daw ibaba kaninang umaga. Kaya naman, pinaglinis ko muna ang batang mataba at pinag- palit ng damit. Habang nasa banyo si Daniel ay mabilis naman akong kumilos. Umakyat ako sa taas upang mag- ayos at maglinis din ng aking sarili. Pagkatapos ay kaagad din naman akong bumaba.

My Baseball Queen (Athlete Series 1)Where stories live. Discover now