Chapter 36: Fiance

7 0 0
                                    

.

Lola's words made me motivated to fight for our love even more. Siguro matutunaw rin yun. We just need to show how we love each other. Na masaya ako kasama siya.

"Hace?" I called. Buong hapon kahit nang maggabihan hindi niya 'ko pinansin.

"Need something?" he asked boredly. Naka head phone pa siya.

"Usap tayo," he sighed and opened the door to welcome me. Umupo ako sa kama niya habang siya naman ay gano'n rin. "Bakit galit ka?" tanong ko.

"Natatakot ako sa kanya Ate. Paano kung iwan ka ulit no'n? Ano nang mangyayari sayo?"

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya at ngumiti. "Hindi na 'yun mauulit. Saka kung maulit man...i already know my worth. Kaya ko na. I can already love myself kahit masakit," sambit ko.

"Ate...I was three years old when I saw the weakest part of yourself. Nagagalit ako kay Kuya Archie kasi hindi ka niya sinamahan. Iniisip ko kung paano kung nasa tabi ka niya, gagawin mo kaya yun? Hindi naman 'di ba?"

My tears fall at what he said. "Ayos na 'ko. Tapos na 'yun. Wag mo nang alalahanin yun."

He sighed deeply. "Tulad mo po, sa lahat ng lalaki sa buhay ko siya yung pinaka paborito ko. We are not blood related. Mababaw isipin na kaya ko siya paborito dahil pinapayagan niya 'ko sa lahat ng gusto ko pero...paborito ko siya kasi hinayaan niya 'kong maranasan yung iba't ibang bagay ng nakangiti. Hindi katulad nila Kuya Rayd na madalas inis."

I smiled. Understanding what he said.

"I didn't want to go to school back then. But he taught me to study in the sweetest and calmest way. I want him for you because I can see how he loves you. The way he protects you. Na handa siyang tumalon mula sa tulay para puntahan ka pero...nagbago yun noong naniwala siya sa nakita niya nang hindi ka kasama."

"Hadrian..."

"Ate...I can't trust him anymore. If he did it once...he can do it twice. If you did what you did back then more than twice...baka wala ka na?"

I can't help but to hug him. Naintindihan ko siya. I really understand him but I love my man. Kung itong dahilan nila ang hahayaan kong maging dahilan ko...baka magsisi lang ako.

"'Wag na siya Ate. Iba na lang. 'Wag na po."

I tapped his back. Umiiyak siya. Kung pwede ko lang tanggalin sa utak niya ang nangyari sakin noon ginawa ko na.

"Masaya ako sa kanya Hace. Sobra. I can't take away my feelings for him. Pakiramdam ko...yung sakit na mararamdam ko kapag nangyari yun...higit pa sa naramdaman ko noon."

He just cried all night in my arms. Nakatulog siyang umiiyak. I stared at him while he's sleeping. He's still 14 years old. Iniisip ko nalang na kapag tumanda pa siya maiindihan niya 'ko. I'm lost, I was hurt, and that pain in the darkness made me suffer for years. Dagdag pa na nakita niya ko noon sa murang edad kung paano ako sumuko.

I closed my eyes and placed my hand on his head.

"Take away my brother's pain. Help him forgive the people who made him in pain. Thank you for giving me a brother who loves me so much. Wala na 'kong mahihiling pa kundi yung pagpapatawad nila. In Jesus name I pray...Amen."

Lumipas ang gabi na yun na magaan ang pakiramdam ko. Magkaiba ang sakit na naramdaman naming lahat. Their love for me affected them too. Kaya alam kong mahihirapan talaga sila. But...that didn't stop me from loving the person I love. Lilipas rin yun. Alam ko.

"Ingat ka," paalam ko kay Hace. Ngumiti lang ito sakin. Hindi na 'ko pumasok sa hotel suite nila nina Lola kasama sina Daddy at dumeretso na sa trabaho.

Collapsing Sky [Bravehearted Beauty #1]Where stories live. Discover now