Chapter 25: Purpose

7 0 0
                                    

.

Trigger Warning:  Attempted Suicide

Sky. This was the only beautiful image I've ever seen in my life whenever I'm alone. Back then, everytime that no one could see me, the sky would always be there for me. Yun yung lagi kong kasama kapag gabi. Sky will always be there to comfort me together with its own beauty. Sky will always be there to be in my dark cold nights and when I'm happy.

But now, everything has changed. Sky also left me. Kasama ko ang dilim. Dilim na bigla bigla nalang may mga taong tatawa sa kalagayan ko. Dilim na sa likod ng mga iyon may mga taong nag-aalab ang mga mata sa galit para sirain ang buhay ko.

Yung kalangitan na palaging kong kasama...iniwan na 'ko.

"See? How mad he is. Masyado akong magaling na sinungaling. He accepted my offer to work for us in Germany."

I just stared at the picture. Malapit na siyang maging engineer. He passed the exams. Ang galing niya.

Pero, looking at the picture made my heart break. He's presenting the SamKin builders. Ibig sabihin naniniwala siya. Galit siya sakin. Ang talino niya pero sa iba siya naniwala.

I don't want to assume that this is how little his love for me. Pero anong magagawa ko? I'm almost at this hell for about nearly a month I guess? Kapag sasaktan nila 'ko wala naman akong gagawin kundi ang sumigaw at umiyak lang. Pagkatapos noon ay gagapang nalang ako papunta sa corner ng silid para ipahinga ang sarili.

I don't expect to be save. Imposible na ata yun. Basta ang ipagdarasal ko lang ay ang pamilya ko. I hope that my brothers are fine. Yun nalang ang madalas kong ginagawa. Sa corner ng silid, nakamulat lang ako at nagdadasal para sa kanila. Pero iniisip ko, totoo nga ba yun?  Gumagana ba yun? Mag-iilang linggo na 'ko dito, pero bakit nandito pa rin ako?

Puno ng takot ang puso't isip ko. Na sa takot hindi na 'ko makatulog at hindi na magalaw ang pagkain na linggo linggo nilang binibigay sakin. May purpose ba 'ko sa mundong 'to? Kung meron...ano? Ang maging kasiyahan ng mga tao sa dilim? Maging kasiyahan nila sa pagdurusa ko?

"Lumayo kayo..." nanghihinang sabi ko nang makitang may hawak na naman silang lubid.

"Araw araw nating ginagawa ito. Hindi ka ba nagsasawa kakasabi niyan?"

Hindi ako nagsalita sa sinabi ng lalaki. Parang sa buong buwan na pananatili ko rito sa imperyong 'to, ito ang pinaka nakakapagod. To be honest, I just want to die. Tahimik na 'ko kapag nangyari yun. Walang sakit, walang iniisip, walang nararamdaman.

"Tali na."

Sam tied me up side down on my hands. Ilang minutong gano'n dito sa dilim saka nila 'ko ibaba para ilatigo. Para akong hayop para sa kanila. Na may iba't ibang proseso para masaya sila.

"Ang payat mo na." I just crawled again towards the corner. Yun naman palagi para kahit paano hindi ako mabigla.

Maya maya, dilim na muli ang kasama ko. Wala na niisang ilaw. Pinikit ko lang ang mata para magpahinga. It was like, this is really my life. Sanay na 'ko.

"Tao po?"

My heart started beating faster when I heard an unfamiliar voice. I opened my eyes and saw a light. Obsession devoured me. Parang gusto ko ng liwanag. Ang lakas ng ilaw kahit hindi ako noon natatamaan.

"May tao ba rito?" tanong ng boses.

Lalaki ang boses. Hindi ako pwedeng magtiwala sa kahit na sino. Parang buong lakas ko ata na hugot ko dahilan para makatayo ako. Shock and fear are visible in his eyes. Natumba pa siya sa gulat.

"A-Akin na yang bag m-mo," utos ko sa lalaki. Wala sa sarili niyang ibinigay iyon sakin.

Parang halop kong binuksan iyon at kinuha ang mga damit niya saka isinuot. Panay pa ang buhos ng luha ko dahil sa sakit kada madadali ko ang mga galos ko.

"S-Sayo na 'to," giit ng lalaki pagkabigay sakin ng flashlight. Tumakbo siya agad palabas na para bang naproseso niya sa utak na isa akong multo.

Sinundan ko ang pinaglabasan niya. Fear filled me again when I realized that it was night. Lamig ng hangin ang sumalubong sa mga sugat ko. Habang sa mata ko naman ay ang dilim ng kalangitan. Na tulad noong unang buhay ko rito ay walang mga bitwiin.

Nanginginig akong lumabas at nakitang nasa isang gubat ako. Sa takot na pwedeng maabutan ako ng tatlo ay binilisan ko na ang paglakad kahit pakiramdam ko mapuputol na ang paa ko anumang oras.

Habang  naglalakad mag-isa, naisip ko na bakit ako tumatakas? Para mabuhay? Pero sira na ang buhay ko. Pareho lang. Pero gusto ko kahit paano na mamatay ako ng wala sa kanila. Ayokong sila ang huling makita.

"Neng!"

Kaba muling lumukob sa akin nang marinig iyon. Mabilis akong naglakad habang bukas ang flashlight hanggang sa makarating ako sa isang highway.

Kahit paano ay bahagyang kumalma ang puso ko nang makita ang pagsikat ng araw. Ngunit sa kabila noon ay ang pagbuhos ng luha ko dahil sa pagkakaalala sa mga taong mahal ko.

Wala na 'kong kwenta. Bumagsak na 'ko. Madumi na 'ko. Nakakahiyang ipamukha sa kanila na nagkamali sila ng pag protekta sa sakin. Nakakatakot na baka sisihin nila ang sarili ng dahil sakin.

"Anak ng!  Ayos ka lang?"

Natulala ako kawalan nang marinig ang tanong na iyon. Matagal ko nang hindi naririnig iyon. Ngayon pang nasa gitna na ako ng daan matapos biglaang tumawid at harangin ang kotse.

Tumakbo ako. Kahit hinang-hina ay pumunta ako sa sulok ng sidewalk at umupo doon kahit may mga basura.

Bakit niya ko tinanong ng ganon? 'Di ba dapat magalit siya? Naawa ba siya sakin? They should be mad. Para mas masakit. Para mas madagdagan pa yung sakit. Kasi pakiramdam ko...kaunting pagpaparamdam pa na wala akong halaga...susuko na 'ko.

I just started walking again. Naglalakad sa gitna ng kawalan. Hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Sa buong paglalakad ko puro highway lang ang nadaraanan ko. Bukod sa mga taong puno ng awa kung tumingin sakin.

Bumuhos muli ang luha ko nang dumating na ang gabi. Hindi ko alam kung bakit pero iba yung pakiramdam kapag umiiyak ako sa gabi. Natatakot ako. Gano'n parin. Kahit alam kong hindi nila 'ko makikita pakiramdam ko pinapanood parin nila ako. Parang may mahihinang boses sa tainga ko at naririnig ang sariling sigaw ko kasabay ng mga pagtawa nila.

"Archie..." banggit ko sa pangalan niya. I need him. Alam ko...sa kanya lang ako kakalma. Alam ko sa kanya lang ako ligtas. Alam ko ipinagtanggol niya 'ko, poprotektahan, sasamahan kahit saan at hindi iiwan.

"I need you..." sambit ko muli habang nakatitig sa ilaw. I miss his eyes. Yung mata niya na kahit hindi siya galit parang nag-aapoy. Yung apoy na poprotekta sakin laban sa mananakit sakin. Na kapag titignan ako...yung mga mata niyang nag aapoy, pinapakalma yung puso ko.

Sinubukan kong matulog. Sinubukan kong ipikit ang mata ko pero nagsisimula ng sumakit ang dibdib ko dahil sa mga nakikita. I imagine what I was to that place. Hinahanap na ba nila 'ko? Sasaktan ba ulit nila 'ko? Papatayin na ba nila 'ko?

Sa lumipas muli na linggo sa paghahanap ng wala...nanatili akong wala sa sarili. I want to die. I always cross the road kapag may dadaan na sasakyan. But funny. Nakakatawa na nakakabaliw isipin na bigla silang pepreno. Iisang tanong ang itatanong sakin na kung ayos lang ba 'ko.

"Miss! Hinga miss!"

Napaubo ako dahil sa tubig na pumasok sa katawan ko. Naiinis ako. Nagagalit sa lahat ng mga tao. I drown myself. Sinadya ko yun. Gusto ko yun. Pero nandito ako, sa tabi ng dagat habang nililigtas ng mga tao.

"Alis! Lumayo kayo!" I shouted. I closed my eyes when I saw the Demons at their faces.

"Hindi ka namin sasaktan. Kailangan mong madala sa ospital..."

Tumakbo ako. Ganon naman palagi. Dumaan muli ang mga araw. Hindi ko pinapakain ang sarili ko. Maliban nalang sa pagkain sa sistema ko ng lungkot at pandidiri sa sarili. Galit sa naglolokong mundo na bakit hindi nalang ako hayaan na mawala dito? Ayoko nang mabuhay. Wala na dapat ako dito. I don't deserve to be alive.

"Nakakapagod..." giit ko sa sa dilim habang nakatingin sa flashlight na hawak ko sa gitna ng gabi.

Lagi naman akong pagod. Araw-araw, gabi-gabi. Walang araw na hindi. Pagod ako sa paglalakad sa pagtahak sa daan na hindi ko naman alam kung saan pupunta. Nakakapagod sa gabi na kada didilim kinakabahan ako at natatakot na baka dumating sila.

I'm lost. Not just on my way but also in myself. Nawawala ako sa sarili. Hindi ko alam ang ginagawa ko. I always open my wounds literally using a piece of glass. Pero dahil sa sakit, nakakatulog ako. At magigising dahil sa bangungot. Hurting myself served as my sleeping pills. Nagkakaroon ako ng enerhiya kahit na sobrang sakit na ng balat ko.

"Teka...ikaw 'to ah. Namumukhaan kita. Kamukha mo 'to!" Buong galak na sabi ng babae habang nakatingin sa papel. Andoon ang litrato ko. Ibig sabihin hinahanap nila 'ko.

"Ayos ka lang?"

Yun na naman yung tanong. Hindi ko alam pero tuwing naririnig ko yun naiiyak ako ng sobra. Mukha ba 'kong ayos? Tanga ba sila? Sa tuwing sasabihin nila ang mga salitang yun naaalala ko lang lahat.

"Umuwi ka na. Hinahanap ka ng magulang mo."

Hindi ako nagsalita sa sinabi ng babae at tinignan ang hawak niya. My family offered a reward worth 50 million. Para sakin? Bakit pa? Anong halaga noon? Nagsasayang sila ng pera sa wala. Nagsasayang sila ng pera sa maduming katulad ko. Nagsasayang sila ng pera para sa duwag na katulad ko!

I stained our family name. Yung pangalan na kilala ng lahat bilang matapang. Yung pangalan na kilala bilang matatalino. Yung pangalan na kilala bilang malalakas.

Kasi sa lahat ng yun...ako ang kabaligtaran. Mahina ako, duwag, hindi matalino. Kaya para saan pa? Para saan pa ang paglalabas ng ganoon kalaki na pera? Para ano? Hindi ko maintindihan ang mga tao!

Tumakbo ako. Katulad ng palagi kong ginagawa. Hanggang sa lumipas muli ang isang linggo. Nagtataka ako kung bakit hindi pa 'ko namamatay sa gutom. Dahil ba sa pag inom ko ng tubig? Dapat ba hindi ako uminom para matuluyan ako?

"Skotádi."I spoke while looking at the sand.

The night now is sparkling because of the stars. Dapat masaya ako. Kasi yung langit masaya.

But everything was now changed. Natatakot na 'ko sa dilim. Natatakot akong pumikit. Kasi ng dahil doon...nakikita ko sila at naririnig. They will hurt me. Torture me. Ibibitin nila ko. Susunugin ang balat ko. Gagahasain at iba pa. Nakakatakot. Nakakakaba. Sira na ang buhay ko.

"Alis! Lumayo kayo!" sigaw ko nang lumapit sakin ang lalaki.

They laughed at me. "Shana...look at you. Kaunti nalang para ka nang buto sa payat. Baka maging buhangin ka niyan."

I covered my ears. They are talking nonsense. Dadating si Archie. He will save me. Nangako siya. Sabi niya lagi niya kong kasama. Sabi niya poprotektahan niya ko. Sabi niya siya ang bahala sakin.

"Sumunod ka nalang. Dali na."

Umatras ako papunta sa corner. Sumunod sila agad habang tumatawa. "Ano ba yan Shana! Alam mong ilang araw ka na dito hindi ka ba nagsasawa kakaiwas? Walang magliligtas sayi! Mag isa ka!"

Their eyes started firing. Napaiyak nalang ako nang hawakan nila ko sa braso habang si Suniz ay sinusugatan ako ng latigo sa tiyan. She's laughing. Laughing like a villain in the movies. She looks very amuse. She looks so happy seeing me like this.

"Itigil niyo na..." pagmamakaawa ko.

Napayakap ako sa sarili nang magmulat. Nanginig ako bigla nang bigkang umihip ang hangin. Mukhang iiyak ang langit. Mukhang iiyak rin siya kasama ako.

Like what I always do, I walked in the emptiness. Nakayakap sa sarili habang patuloy ang buhos ng luha ko kasabay ng ulan. I don't know where I am. But specifically, I found myself in a rooftop of an abandoned building.

Tumingin ako sa langit.

Umiiyak ka. Katulad ko. You will let me die right? Hindi katulad ng mga tao na pipigilan ako. I have no purpose on this world. I'm just born to be a happiness for the demons.

I closed my eyes while standing here at the concrete railing of the rooftop. Ramdam ko ang lamig ng hangin. Hahayaan niya ko. The sky is with me. Nagbalik siya. Kasama niya ko at payag siya sa desisyon ko.

"Miss!"

Shock conquered me again when someone held on my hand. Tumingin ako sa baba at nakita kung gaano na 'ko kataas sa lahat.

"Alis! Lumayo ka!" Sigaw ko habang nililikot ang kamay para tuluyang mahulog.

"Damn it! Baliw ka ba? Ang daming tao na gustong mabuhay tapos ito ang gagawin mo?!" he shouted with the rain.

"Umalis ka!" umiiyak na sigaw ko. I gasped when the unknown man harshly carried me up. Napadapa nalang ako sa kanya bago nawalan ng malay.

To be continued...😘

Collapsing Sky [Bravehearted Beauty #1]Where stories live. Discover now