Chapter 30: Save

5 0 0
                                    

.

All things that happened to me again became detailed. Naalala ko rin ang mga salitang binitiwan niya noon sakin. Lalo na ang paghihintay ko habang umuulan sa tapat ng pinto ng bahay niya. Naisip ko...do I want to see him? Hindi ko alam kung gusto ko siyang makita. Kasi ang sakit. Hanggang ngayon. Dahil sa kanya.

"Kuya...bakit siya nandito?" tanong ko sa kanila ni Ian. Gulat silang pareho sa sinabi ko at hindi agad nakasagot. "I bumped into him in the coffee room. Bakit siya nandito?" ulit ko.

Napatayo si Kuya Carter. "Shana...do you want me to tell Dad to remove him?" malambing niyang tanong. Umiling ako.

"Hindi Kuya. Ang gusto ko lang...bakit siya nandito?" He sighed at what i asked.

"Napunta siya sa company ni Daddy. And since Dad's company has to many engineers....dito siya na transfer." Tumango lang ako sa sinabi niya at ngumiti. Hindi naman siguro kami magkikita madalas. "And he is the Engineer on your Project."

Lumaylay ang balikat ko sa sinabi niya. I'm not sure if i can take myself to see him. Hindi ko mapigilan ang utak kong mataranta at sumakit kapag nakikita siya at baka mabaliw na 'ko nito.

"Ako na ang bahala kay Shana."

Napatingin ako kay Kuya Sanrix nang dumating siya. Ngumiti naman siya sakin saka nilingon si Ian. "I talked to Dad already. Dito muna ako magtatrabaho. Ian and I will be with Shana para sa project niya. She can't let that take away dahil lang sa walang kwentang tao 'di ba?"

Kahit paano ay sang ayon ako sa sinabi niya. Tama siya. This is my dream. Bakit ko 'to iiwasan ng dahil sa kanya?

"Is that fine with you?" tumango ako kay Kuya Carter.

Bago lumabas ng opsina nila Kuya at naisip kong hayaan ang sarili kong makita ang lalaki. Maybe...this is the start of practicing myself? Baka kapag nasanay na 'kong makita siya, mawala na yung takot ko sa lahat.

"Shana, let's go."

Sumakay ako sa kotse ni Ian. Ngayon na namin bibisitahin ang Urban village kaya magiging busy pa ako ngayon.

"Do you have you lights? Mahina ang ilaw doon." tumango ako saka hinawakan ang flashlight. As we travel from Pasig...medyo traffic. Pero kahit ganoon ay nakarating parin kami sa tamang oras.

Pagkababa ko ay ramdam ko ang tingin ng isang lalaki sakin mula sa di kalayuan. Katapat lang kasi ng kotse namin ang sa kanya pero hindi ko na siya nilingon at nakipag usap na lang sa may ari ng lupa.

"Napalinis na namin ito kaya ang gagawin nalang ay disenyuhan ng bago. I will give the decision to your head architect for this project. May tiwala ako lalo na dahil siya ang topnotcher ng Architecture."

Pilit akong ngumiti sa sinabi ng matandang babae at nagpasalamat rito. Pumasok kami sa unang silid. The lights are all on. Sa laki kasi ng estruktura rito ay madilim ang loob.

"Kaya ba Shana?" I smiled and nodded. Kaya ko. Architecture is my dream and my first love kaya iintindihin ko ito.

"Let's go to the library."

Sumunod kami matanda. Papasok na kami roon nang tumigil bigla si Ian. "The lights are fine. Am I right?" tanong niya.

"Oh...the lights here are not. Minsan napupundi."

Napatingin sakin si Ian. Alam ko ang iniisip niya kaya umiling ako. "May flashlight ako," giit ko saka pinakita sa kanya ang hawak ko. Napabuntong hininga naman siya saka ako inakbayan papunta sa loob.

Pagpasok ay medyo orange ang paligid. Dahil siguro sa mahinang ilaw ng mga fluorescent kaya ganoon. Tuloy ay medyo masakit sa mata. Pero kahit na ganoon ay kita parin naman ang paligid. May mga malalaking shelves ng libro rito na parang mga nasa movies.

Collapsing Sky [Bravehearted Beauty #1]Where stories live. Discover now