Prologue

4 0 0
                                    

"AUTHOR'S NOTE"

Ang istoryang inyong matutunghayan o mababasa ay kapwang kathang isip lamang. Malayo sa katutuhanan, ang mga pangalan na ginamit at ang mga lugar na babanggitin ay imahinasyon lamang at malayo sa katutuhanan.

PLAGIARISM IS A CRIME  <33


PROLOGUE


"Hay! salamat makakapagpahinga narin ako" pagkausap ko sa sarili nang makalabas ako sa banyo at umupo sa may dulo ng higaan para magpatuyo ng buhok at matulog na

Straight 2 days akong hinidi nakatulog dahil sa marami ang mga naka due date ngayon at ang mas malala pa ay wala si Doc. Cheska, kaya solo fight tuloy ako.

Nang matapos ko nang patuyuin ang buhok ayiniligpit ko muna ang hair drier ko at pabagsak na humiga sa higaan at agad na pumikit. Wala pang mga ilang minutong pagpikit ko ay biglang tumunog ang phone ko na nakalagay sa mini table na katabi ng higaan ko, kaya dali dali ko itong kinuha at sinagot.

[ Hello ] inaantok na sambit ko

[Doc. Viera, manganganak na po iyong pasyente ni doc. Cheska ] nahihimigan ko ang boses na ito kaya tiningnan ko muna para manigurado kung sino ito at tama nga ang hinala ko ng makitang si nurse cristine ito

[papunta na ako] sagot ko at pinatay na ang tawag

Wala na akong magagawa kundi ang pumunta dahil wala naman si doc. Cheska. Kaya dali dali akong nagbihis.

" ayy, ano bayan bakit ba laging naiiwan ko iyong lab coat ko.. tskkk" singhal ko sa sarili ko at kinuha ang cellphone na nasa higaan, susi at bag. Nang makuha ko na ang lahat ng kailangan ko ay lumabas na ako ng unit ko papunta sa parking lot.

"Grabe 2 na pala nang madaling araw" natatawang sambit ko nang makapasok sa elevator.

Mga ilang minuto pa ay narrating ko na ang parking lot at ito ako ngayon naglalakad papunta sa kotse ko.

Nang Makita ko na ang kotse ay agad na akong sumakay at lumabas na ng building.

Wala nang traffic ngayon dahil sa madaling araw na kaya ang byahe ko ay tuloy tuloy, kaya agad akong nakarating sa NIH.

Nang makapag parking na ako ay bumaba na ako at sinalubong naman ako ni kuya Edwin.

"Good morning doc!" nakangiting bati ni kuya

"good morning din kuya" pag bati ko din at nagpatyloy na sa paglalakad ng Makita ko ang pasyente ni doc. Cheska na si Mrs. Cohen kaya nilapitan ko ito, kahit na masakit para sa akin na gawin ito ay kailangan.

"Good morning, Ma'am!" pag bati ko sa kanila

"Who are you?" mataray na tanong ng babaeng kasama ni Mrs. Cohen. Kaibigan siguro ito

"I'm Doc. Vieira Moraine Tyra" pagpapakilala ko

"Hindi ka mukhang doctor.. okay" inis na sabi nito

"ano ba yan, asan ba iyong mga doctor dito. Manganganak na lang itong beshy ko eh, wala pa rin" galit na sigaw niya kaya nilapitan siya ng nurse para pagsabihan na huwag maingay ng biglang mapansin ako ng nurse na lumapit

"Good morning, Doc!" maligayang bati niya kaya tango na lang ang naging tugon

"yan doctor, eh hindi nga naka lab coat" natatawang sambit ng babae kaya tumahimik na lang ako

"nurse jayne, pakitawag nga si nurse cristine" utos ko kay nurse jayne

"Sige po, doc!" mabilis na sagot nito at dali daling umalis sa harap namin

"Beshy, Hindi ko.... na kakaya. Lalabas na... iyong bata" putol putol na sambit ni Mrs. Cohen dahil sa kirot na nararamdaman niya kaya biglang na alerto ako at agad na lumapit sa kanya para alalayan.

"Nurse Jake, Nurse Deino tulungan niyo kong dalhin si Mrs. Cohen sa labor room" sigaw ko at agad naman nagsilapit ang mga tinawag ko dala ang isang wheel chair.

"Nurse Irene tawagan mo si nurse cristine sabihin mo magmadali siyang pumunta sa labor room" utos ko sa kanya

"Yes doc!" sagot niya at agad na nagpindot pindot sa telepono.

"Papunta na po siya" sambit niya

"Tara na!" sabi ko at nagmamadaling magalakad papuntang office ko at kinuha ang lab coat ko

"So! Doctor ka na nga talaga ano" mataray na sambit ng kaibigan ni Mrs. Cohen

"what's with the word of 'talaga ba?'" curious na sagot ko

"Just do what you need to do to my beshy, DOC. VIEIRA" pagdidiin nito sa pangalan ko kaya inirapan ko na lang ito at nagsuot na nang gloves at mask nang biglang dumating si Nurse cristine

"Doc!" bati nito at pumasok na kami sa labor room kung saan nakahiga si Mrs. Cohen.

Agad naman akong lumapit sa may ibaba ni misis at pinairi ito. Mga ilang minuto pa ay naging successful naman ang paglabas ng baby.

Namimiss ko tuloy ang anak ko, pero kailangan niya munang magstay kaila mama.

"it's a boy, misis" masayang sambit ko sa kaniya at pinalinis na ang bata ganun narin sa kaniya kaya lumabas muna ako para ma fill-up na nang asawa o relatives ni misis ang info.

Paglabas ko ay ang beshy ni misis agad ang humarap sa akin at tinanong kung naging successful ba, I said yes!,at tinanggal ko narin ang mask na suot ko.

"kailangan ng relatives or husband ni misis na fill up pan itong papel na it.." hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin ng biglang may magsalita sa likod ko.

"Give me the paper" pangpuputol nito sa sasabihin ko kaya napatigil ako at humarap sa kaniya

Ito ang boses na hindi ko inaasahan na maririnig ko pa pala ulit at masilayan ang maganda niyang mukha pero may asawa na ito.

"are you the husband?" takang tanong ko na hindi pinapahalatang kinakabahan ako pero imbes na sagot ang makuha ko ay tumawa lamang ito, iyong tawa na pilit lang

"just give me that" walang buhay na sambit niya

"Okay, if you have an a follow up question, just ask that nurse" turo ko kay nurse Irene

"why would I ask her, if I can ask you?" pambabalik tanong niya kaya na pabuntong hininga na lang muna ako bago sumagot

"I will just repeat what I said, mister. If you have an a follow up question just ask that nurse" inis na sambit ko at tumalikod na sa kanila para makauwi na ako nang biglang nagsalita ito.

"Till we meet again, my love... of my life..." sambit nito na nagpatigil sa akin sa paglalakad at yumuko ng kaunti.

Ang katagang ito ay ang huling salitang iniwan ko sa kanya bago ako umalis.Ang sakit parin pala na isipin na ako ang nakipaghiwalay sa lalaking minahal ko ng sobra para lang sa bestfriend ko.

Nagparaya na kong nagparaya pero yun yung ikakasaya ng bestfriend ko eh.

Masakit man itago pero parang ayaw ko na lang na makilala ng anak ko ang tunay niyang ama. Magiging sakim ba ako pag-ginawa ko ito.

Nang makarecover ay agad na akong uymalis at nagiwan na lang ng text kay nurse cristine at umuwi na.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

'Till we meet Again, my LomlWhere stories live. Discover now