Imbis na sumunod dito at sabay-sabay silang nagkatinginan. 

"Ayoko na siyang kasama!" inis na bulong ni Shila habang nagpapadyak. 

"Me too," mapait niyang sabi. 

"Mas lalo naman ako!" nakangiwing bulong ni Milo at kumapit kay Santa. 

"Tumakas kaya tayo?' suhestyon ni Shila. Bago pa sila makapagsalita ay bigla na namang sumulpot si Hazel sa harapan nila. 

"Hindi pa ba kayo susunod sa'akin?" nakangiting tanong niya ngunit ang mga mata niya ay matalim na nakatingin sa braso nilang dalawa ni Milo. 

Here we go again. 

"Bakit ba napaka feeling close mo sa'ami- este kay Milo!? Bulag ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Shila saka namewang. 

Puno ng sarkasmo na tumawa si Hazel. "I still see you kaya I'm not bli-" 

"Bulag ka tanga-" 

"Don't call me tang-" 

"Putangina mo patapusin mo ko." 

Hindi makapaniwalang tinitigan ni Hazel si Shila. "What t-" 

"Bulag ka dahil hindi mo nakikita na gusto na ni Milo si Santa simula pa lang. Tapos ikaw 'tong landi ng landi, dikit ng dikit kay Mi-" 

"Landi? What? Hindi ko siya nilalandi-" 

"Then anong tawag d'yan sa ginagawa mo!?"

Kita niyang napalunok ito at nag-iwas ng tingin. Bumuka ang bibig nito upang magsalita ngunit agad din niyang sinarado ng walang lumabas na ano mang salita. 

"Tignan mo, wala kang masabi kasi totoo 'yung sinabi ko-" 

"Gusto ko lang ng may kasama kaya," pagdadahilan niya dahilan para matunog na tumawa si Shila. 

"Kami? Oh, come on. Alam ko na mga palusot ng isang ahas na katulad m-" 

"Wag na nating pahabain pa ang usapan. Let's go to the cafe," boring na sabi ni Santa at agad na tumalikod. Dahil 'nga naka kapit sakaniya si Milo ay napasunod siya sa pagtalikod ni Santa. 

Akmang magsasalita pa si Hazel ng duruin na siya ni Shila. "Tumahimik ka na. Pagod na pagod na kaming makita 'yang pangit mong mukha."

"I'm not ug-"

"Whatever bitch." 

At sawakas ay wala ng Hazel na susumusunod sakaniya. Hindi niya mapapagkaila na maganda talaga si Hazel at matalino. Maalaga rin at maalalalahanin base sa nakikita niya sa pakikitungo niya kay Milo. 

Ang kaso lang masyado na siyang desperado mapasakaniya si Milo. Maling tao ang pinakaitaan niya ng kabaitan. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

"Ingatan niyo po sila," bulong niya kay yaya Tina. Ngayon ay nasa harapan na sila ng mansyon nila Pepper. 

Agad na tumango si Tina at hinaplos ang magkabila niyang pisngi. "Wag ka nang mag-alala sa mga kapatid mo. Magiging maayos sila sa kamay ko at mansyon nila madam Sequoia. Kaya magpakasaya at kalimutan mo muna ang mga problema habang kasama mo ang iyong kasinta-" 

"Hindi ko naman po siya kasintahan eh," natatawang sabi niya at pinunasan kaagad ang tumulong luha sa isang mata niya. 

Natatawang binitawan na ni yaya Tina ang mukha niya. Agad naman niyang naramdaman ang mabigat na braso na dumantay sa balikat niya. 

"Huwag kayong mag-alala manang. Sa susunod totoong magkasintahan na ka-" 

"Shut up," inis niyang sabi at siniko ng mahina sa t'yan si Milo. Agad naman itong dumaing at tumawa. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Where stories live. Discover now