Chapter 39

23 3 0
                                    

C H A P T E R 3 9
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Halos buong araw ay tumulong lang siya sa mga tauhan nila. Hindi na siya nag-atubili pa na patigilin si Milo sa pagtulong sa mga tauhan dahil gusto niya rin maranasan lahat ng ginagawa ng mga tauhan nila. At matutunan kung paano mag-alaga ng mga halaman. 

Marami siyang natutunan tungkol sa iba't-ibang klase ng halaman at kung paano sila alagaan. Halos buong araw ay lagi siyang nagugulat kapag may kini-kwento sila kay Santa na tungkol at pinanggalingan ng mga halaman na nandoon. 

Ngayon nalaman niya na kung gaano kalaki at kahalaga ang Garden ay hindi niya masisi ang dad niya kung bakit pinapangalagaan niya ito ng lubos. Ngunit hindi niya pa rin naiintindihan kung bakit ganu'n ang trato sakanila ng dad niya. 

May namumuong saya sa puso niya ngunit sa tuwing naiisip niya ang kalagayan ng dalawa niyang kapatid ay hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot. 

"Lilyshi!" 

Agad siyang napalingon sa likuran niya ng marinig ang sigaw ni Milo.Napailing na lang siya at mahinang natawa ng makitang parang batang tumatakbo ito habang ang dalawang braso ay nakabuka.

Nakangiting binuka rin ng dalaga ang dalawa niyang braso upang salubingin ito ng yakap. Ngunit ang ngiti ay napalitan ng ngiwi ng biglang nadapa si Milo. 

"Are you okay?" tanong niya habang tumatakbo palapit sakaniya. Ng makalapit na siya sa binata ay nilahad niya anb kamay niya dito. 

Nag-angat ng tingin si Milo dito at tinitigan ang kamay niya na nakalahad. 

"Nangangalay na ko dito, Milo," nakangusong reklamo niya dahil ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi pa rin iyon tinatanggap ni Milo. 

Nakangiting tinaggap na iyon ni Milo at tumayo na. Muntik na silang bumagsak ng bigla siyang sunggaban ni Milo ng mahipit na yakap. 

Napangiwi siya ng amoy pawis at araw na si Milo. "Milo, you're smell araw at pawis." 

Malakas na natawa si Milo at humiwalay sa yakapn nila at hinawi ang pirasong buhok na humarang sa mukha niya. "Ikaw din kaya." 

Nanlalaking matang tinaas ni Santa ang braso at inamoy ang kili-kili. Agad siyang napangiwi ng maamoy na maasim na iyon. Akmang ibaba na niya na iyon ng bigla niyang maramdaman ang medyo matangos na ilong na tumusok doon. 

"Milo!" malakas na sigaw niya at mabilis na lumayo dito upang hindi na niya maamoy ang maasim na amoy. 

Agad namula ang mukha ni Santa ng makitang tumawa ng malakas si Milo. Nag-iwas siya ng tingin at niyakap ang sariling braso. 

"Stop laughing!" inis niyang sabi dito at matalim na umirap dito. 

"I'm just teasing you, tapos inamoy mo talaga!?" hindi makapaniwalang sabi niya saka tumawa muli ng malakas. 

Napanguso na lang ang dalaga sa kahihiyan. "Eh, I smell maasim naman talaga-" 

"Hindi naman," iling niyang sabi na may pang-aasar kaya malakas na hinampas ni Santa ang braso nito. 

"Shut up." 

"Wag kang mahiya, Lilyshi. Amoy lemon naman 'yang cute mong kili-kili-" 

"Milo stop it!" 

Agad niyang tinakpan ang tenga upang hindi na marinig ang mga sinasabi nitong kalokohan at tinalikuran na saka mabilis na naglakad. 

"Sana lahat cute 'yung kili-kili-" 

"Shut up Milo! I don't want to hear that shit!" 

"Basta ako may cute at amoy na lemon na kili-" 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Where stories live. Discover now