Chapter 20

29 2 0
                                    

C H A P T E R 2 0
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Sige iha, mag-ingat kayo sa daan," nakangiting bilin ng ginang sakanila 

"Maglaro ulit tayo bukas hah!?" nakangiting sabi naman ni Stella habang kumakaway sakanila. 

"Oo naman," nakangiting sagot ni Lea at kumapit sa braso ni Rian. 

"Sure." Saka nagkibit-balikat si Rian. 

"Salamat po ulit," nakangiting sabi niya at nag bow pa. Nag bow naman pabalik ang ginang. 

Pagkatapos 'nun ay inalalayan ni Milo ang dalawang kapatid na tumawid sa kalsada. Sa hindi malamang dahilan ay may kung anong humaplos sa puso ng dalaga. Habang pinapanood niya ang tatlo ay parang natutunaw ang puso niya na parang yelo. 

Sa katunayan ay hindi pa niya napapakilala sa dalawa kung sino ba si Milo. Basta lang ay nagpa-alalay lang ang dalawa sakaniya. 

Hindi niya maiwasang mapangiti ng malawak ng makitang binuksan nito ang kotse at binuhat ang dalawa papasok sa loob. 

"Anong gusto mo? Buhatin din kita?" nakangising sabi nito at nilahad pa sakaniya ang dalawang kamay. 

Nakangiwing umirap ang dalaga at malakas na hinawi ang dalawang kamay nito, dahilan para malakas na tumawa si Milo. 

"Wag ka na magselos Lilyshi, sa susunod ikaw naman bubuhati-" 

"Oh, shut up Milo," inis niyang sabi at malakas na sinarado ang pintuan. Kahit wala na siyang marinig mula sa labas ay alam niyang mas lalo itong tumawa ng malakas. 

"Hi kuya Saddy!" masiglang bati ni Lea habang kumakaway pa kay Saddy na nasa driver seat. 

Kumaway naman ito pabalik. "Hi Lea and Rian. Nakapag-usap na ba kayo ng ate niyo ng masinsinan?" 

Sabay naman silang tumango. 

"Opo." 

"Yes." 

"Bakit 'nga pala iba ang gamit niyong kotse?" tanong ni Milo na kakaupo lang sa shotgun seat. 

"Para hindi mahalata nang mga wonder pets ng dad niya," natatawang sagot ni Saddy at pinaandar na ang kotse. 

"Wonder pets!? Kasama ba ang pamilya niyo sa wonder pets!?" gulat na tanong nito dahilan para malakas na tumawa ang dalawa niyang kapatid. 

Napalabi na lang ang dalaga dahil sa katangahang pinapairal ni Milo. Why he's even an idiot, he is so attractive as fuck!?

"You're so idiot ku- Wait, who the f are you!?" gulat na tanong ni Rian. Agad naman niyang tinapik ang hita nito. 

"Who taught you to cussed like that!?" she asked. Her eyebrow was now raised. 

"Does 'F' is a cuss?"

"Absolutely! What 'F' means?"

"Fuck- Wait, what!?" 

Hinampas niya muli ang hita nito ng hindi kalakasan. "Kanino mo ba 'yan narinig!?"

Nakalabing tinuro ni Rian si Saddy na nagda-drive. Agad niya namang sinamaan ng tingin si Saddy. Palipat-lipat na ang tingin nito sa rear mirror at daan.

"Hoy! Anong ako!? Hindi naman ako nagmumura-" 

"Nagmumura ka 'nga po eh. Narinig ka po namin ni Rian na may kausap po sa phone tapos puro mura po," inosenteng sabi ni Lea. Mas lalo namang tumalim ang tingin ng dalaga sakaniya. 

"Woah. Sandali. Hindi ko naman alam na nandoon sila, nakikinig." Pinaningkitan niya ng mata si Saddy dahilan para mas lalo itong maging aligaga sa pagka nerbyos. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat