Chapter 26

31 4 0
                                    

C H A P T E R 2 6
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Napakalandi talaga kumilos," inis na bulong ni Shila habang naka-angkla ang braso kay Santa. 

Napailing na lang amg dalaga dahil sa kapilyuhan ni Shila. Kanina pa siya gan'yan noong nagsimulang mag report si Milo at Hazel sa harapan. 

"Hindi ka ba nakakaramdam ng selos?" sunod na tanong ni Shila sa mismong tenga niya. Mahina siyang natawa at pinatong ang kamay sa baba. 

"No. Why would I?"

Hindi makapaniwalang tinignan siya ni Shila. "Anong why would I? Tanga ka ba? May gusto sa'yo si Mi-" 

"But, It's doesn't mean na dapat magselos ako. Walang kami-" 

"Pero binigyan ka na niya ng kasiguraduhan na sa'yo lang siya kakalampag. Kumbaga binigyan ka na niya ng insurance!" pasigaw na bulong niyang sabi na animo'y hindi talaga makapaniwala sa mga pinagsa-sagot niya. 

"He will never be mine, Shila. He owns himself Shila," natatawang sabi niya dahilan para mas lalong umuwang ang bibig niya. "And to be honest, I'm not jealous. 'Coz I know Milo will never be In love with Hazel the way he In love with me."

"And that's all. Thank you for listening to our report," nakangiting sabi ni Hazel saka akmang mag b-bow nang makitang walang balak mag bow si Milo, kaya agad niyang hinawakan ang braso nito at nag bow na. Wala nang nagawa si Milo kung hindi labag sa kalooban na nag bow. 

"Wow!" malakas na sigaw ni Shila saka malakas na pumalakpak.

Napakurap mg ilang beses ang dalaga saka nilingon si Shila na diretsyong nakatingin sakaniya. 

Sumabay na rin ang mga classmates nila na pumalakpak. Ang buong akala nila ang dahilan ng pagpalakpak ni Shila ay dahil sa dalawang reporter, pero dahil iyon sa sagot ni Santa. 

"Bakit mo naman kami pinalakpakan!?" inis na sabi ni Milo saka tumabi sakaniya. 

Hinila ni Santa si Shila paupo sa upuan. Nanatiling naka-awang ang mga labi nito. 

"Hindi naman kayo 'yung pinapalakpakan ko 'no," nakangising sabi niya at umayos ng upo. 

"Eh, sino?" 

"Edi 'yung sagot ni Santa." 

Nanlaki ang mata ni Santa na nakatingin kay Shila. "Don't say something!" she mouthed. 

Mas lalong lumawak ang ngisi nito at kinindatan siya saka tumingin sa likuran niya. 

"Sabi niya kas- Hmpp!" 

Inis na diniinan niya pa ang pagtakip sa bibig niya. Kung hindi lang talaga niya kaibigan ito ay baka kanina niya pa 'to nasampal bigla. 

"Sabi ko wag kang magsalita nang kung ano!" mariin na bulong niya dito. 

"Bit- Hmpp!!" Patuloy ang pagsasalita niya at mahinang paghampas sa kamay nito na nasa bibig niya.

"Ano bang ginagawa niyong dalawa?  kunot-noong tanong ni Hazel na ngayon ay nasa harapan nilang tatlo. Hindi na namalayan ng dalaga na nabitawan na niya ang bibig ni Shila kaya nakapagsalita ito. 

"Wala kang paki! So, ayun na 'nga Milo-" 

"Shila!" sigaw niya dahilan para biglang mapatitig sakaniya si Shila. 

"O-Omg." Tinakpan nito ang naka-awang na bibig niya. "M-Marunong k-ka palang s-sumigaw!?" 

Napakurap ng ilang beses ang dalaga. "S-Sumigaw b-ba ko?" 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Where stories live. Discover now