Chapter 33

24 5 0
                                    

C H A P T E R 3 3
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Dahil 'nga nabanas na si Milo ay naglakad na lamang siya papunta sa tinutuluyan niya. Noong una ay pinagsisihan niya ngunit habang sa kalagitnaan ng paglalakad niya ay nakaramdam siya ng saya. 

Hindi naman gaano kabigat si Santa kaya hindi naman nangangalay ang mga braso niya. Balak niya pa 'ngang pakainin ito ng marami para naman bumigat. 

Mas okay ng bumuhat siya ng isang mabigat na Santa kaysa sa magaan na Santa. 

"I can't stop staring at you," natatawang sabi niya dito at agad tumingin sa dinadaanan. 

Gusto niyang sampalin ang sarili dahil kung hindi pa siya kanina tumingin sa dinadaanan nila ay nalaglag na sila sa imbornal. 

Well, hindi niya naman masisi ang sarili dahil nakakaakit talaga ang kagandahan ng dalaga na nasa bisig niya kahit na sobrang simple lang nito magdamit. 

Plus points pa ang ugali nito. 

Minsan pa 'nga ay nakikita niya ang ibang taong nadadaanan nila na napapalingon sa dalagang nasa bisig niya. Kung pwede 'nga lang takpan ng tela ang mukha ni Samta ay gagawin niya. Kaso hindi naman makakahinga ang dalaga. 

"Ganu'n ba talaga kapag sobrang ganda mo?" natatawang tanong ni Milo saka tinitigan muli ang mukha nito. 

Napanguso na lang si Milo ng biglang sumiksik ni Santa sa dibdib niya, dahilan para hindi niya na maaninag ang maganda at mala inosente nitong mukha. 

Pero ang pag nguso ay napalitan ng pilyong ngiti ng maramdaman niyang inaamoy-amoy ng dalaga ang damit niya. Mabuti na lang at hindi niya nakalimutan magpabango kanina kahit na naka tatlong spray lang siya ng pabango dahil ubos na 'yun. 

"A-Ahh, I-It's relaxing," mahinang bulong nito na tanging siya lang ang nakarinig. 

Napalabi na lang si Milo ng maramdamang namula ang buong mukha niya. Kasabay 'nun ang malakas na kabog ng puso niya na hinihiling niya na sana hindi marinig iyon ni Santa. 

"Look what you made to me, Lilyshi," mahina niyang sabi at kinagat ang labi. "Mas lalo mo kong binabaliw." 

Kung si Chrysanta Lily Forrest ang magpapabaliw sakaniya, why not d'ba? Mas okay nang ang kaniyang Lilyshi ang magpabaliw sakanya kaysa naman ang mga problema. 

At mas lalong hinding-hindi siya magpapabaliw sa ibang babae dahil si Santa lang talaga siya nabaliw. 

Halos mapunit na ang mga labi niya sa sobrang laki ng ngiti habang umaakyat na sila sa building na tinutuluyan niya. Sinasadya niyang bagalan ang paglalakad upang hindi magising si Santa at mas lalong tumagal ito sa bisig niya. 

Kung sana lang hindi mabilis ang pagtakbo ng oras ay baka hanggang ngayon ay naglalakad pa rin sila sa gilid ng kalsada. 

Agad niya nang binuksan ang pintuan gamit ang isang kamay na nasa ibaba. 

Muntik na siyang maupo sa sahig ng biglang may sumabog na party popper sa harapan niya. Kung hindi niya lang hawak si Santa ay baka kanina pa siya nakaupo sa sahig. 

"Sur-" 

"Shhh!" inis na sabi niya habang ang isang daliri ay nasa labi niya. 

Agad namng tumikom ang bibig ng kaibigan niya ngunit agad ding bumuka ng akmang magatatanong ng bahagyang inangat ni Santa ang mukha niya. 

Sabay silang napalabi ng makitang gumagalaw-galaw ang ulo nito na para bang naghahanap ng komportableng pwesto. 

Nanigas sa kinatatayuan ang binata ng biglang pumulupot ang braso nito sa leeg niya at sinandal ang mukha sa balikat niya. Tumaas ang balahibo ni Milo ng tumama ang mainit niyang hininga sa leeg niya.

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Where stories live. Discover now