Chapter 1

166 7 0
                                    

C H A P T E R 1 
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Sant-"

"Don't call me Santa, we're not close," malamig na sabi ni Santa sa isa niyang classmate. 

Napakamot ang babae sakaniyang ulo at tumikhim. Hindi pa din nililigon ni Santa ang babaeng kanina pa nangungulit sakaniya, nakatutok lamang siya sa binabasa niyang libro. 

"P-Pwede b-bang p-pahiram ako ng i-isa m-mong n-notes s-sa math?" nanginginig na tanong nito. 

Malalim na bumuntong hininga ang dalaga at seryosong hinarap ang babaeng nasa gilid niya. Kita niyang napaatras ng bahagya ang babae kaya napa-irap siya. 

Ngunit sa loob-loob niya ay nasasaktan siya. Kung hindi lang siya si Chrysanta Lily Forrest ngayon ay baka pinakopya niya pa lahat ng notes niya sa babaeng ito. 

"Give me one good reason why I should lend you my notes," mapanghamon niyang sabi at pinagkrus ang mga braso. 

Kita niyang naging aligaga ito sa pag-iisip ng sagot. Hindi nagtagal iyon at tumikhim ang babaeng nasa harapan niya. 

"B-Because I-I n-need I-It?" patanong na sabi nito kaya napataas na lamang ng kilay ang dalaga. 

"Just borrow from others," simple niyang usal saka binalik ang tingin sa sandamakmak na libro na nasa lamesa niya. 

"Tsk, napaka damot talaga," bulong nito at umalis na. 

Nagkibit-balikat na lang ang dalaga at tinuon na lang ang pansin sa binabasa. Sanay na siyang makarinig ng mga negatibong mga sinasabi ng tao mga sa paligid niya. Hindi kasi siya nakikisama sa mga ito, lagi lang siyang nakatutok sa pag-aaral katulad ng utos sakaniya ng dad niya. 

Dumating na ang prof nila kaya doon na lamang niya tinuon ang pansin. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Puno ng ingay ang paligid niya ngunit sa totoo lang ay hindi siya nagagambala doon. Ngayon ay nasa harap siya ng cafeteria ng school nila. Mayroon din kasi sa labas ng cafeteria nila na mga upuan kung saan pwede ka doon kumain, umbrella ang tawag nila doon dahil bawat upuan ay may malaking payong sa itaas. 

Patuloy pa rin ang pagbabasa niya ng libro habang sumusubo siya ng pagkain. At katulad ng nakasanayan ay puno ng mga chismisan at kung ano-anong kwento ang naririnig niya. 

Kung ang ibang istudyante na subsob sa pag-aaral ay gusto nila ng walang ingay ay iba si Santa sakanila. Gusto niya ng maingay na paligid dahil doon, hindi siya nakakaramdam ng pag-iisa. Nasisiyahan siya sa sarili niya dahil kahit maingay ang paligid niya ay nagagawa niyang makapag pokus sa pag-aaral. 

"Sabi ko na 'nga ba at nandito ka lang eh," sabi ng pamilyar na boses. Agad siyang nag-angat ng tingin sa nagsalita. 

"Why are you here Saddy?" tanong niya sa binata na yakap-yakap ang sandamakmak na mga junk foods. 

"Kasi nandito ako," nakangiting sagot nito at binagsak lahat ang mga junk foods mesa. 

Napailing na lang ang dalaga at tinuon na lamang muli ang pansin sa librong hawak-hawak. Akmang susubo pa siya ulit ng salad niya ng biglang may humawak sa pulsuhan niya upang pigilan siya. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Where stories live. Discover now