Chapter 40

29 3 0
                                    

C H A P T E R 4 0
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

At naging paulit-ulit na lang ang gawain nila sa loob ng isang buwan. Biglang nag-urong pa ng summer break ang university nila ng isa pang buwan kaya may isa pa muli silang buwan upang makapagpahinga. 

"Good morning ate Santa!" sabay nilang sigaw ng kapatid niya at niyakap siya sa binti. Mahinang natawa si Santa at sabay hinalikan ang ulo nilang dalawa. 

"Good morning," she softly said. 

Inalalayan niya ang dalawa na maka-upo sa harapan ng dining table. At sa inaasahan ay si Milo na naman ang nagluto mg almusal nila. 

Pinaliwanag din sakaniya ni Milo na sanay na siya sa ganu'ng gawain. Napag-usapan din nila ang pagtra-trabaho ni Milo sa may Garden nila. Siya mismo ang nag suggest 'nun sa dad niya upang tuloy-tuloy pa rin ang pagkita niya ng pera kahit na binabantayan niya ang tatlo. 

Hindi niya na alam kung paano napapayag ni Milo ang dad niya tungkol doon. Kaya hindi maiwasan ng dalaga na makaramdam ng paghanga sakaniya. 

Pero hanggang ngayon ang pinagtataka niya ay kung bakit inutos sakaniya ng dad niya na paibigin si Milo. Siguradong may balak ang dad kay Milo kaya kailangan niyang malaman iyon sa lalong madaling panahon.

"Ate!" 

"Lilyshi!" 

Gulat na tumingin siya tatlo ng sabay-sabay silang sumigaw. "Why!?" 

Sabay-sabay ang tatlo na nasampal ang mga noo. Takang tinignan lang sila ni Santa. Ngayon niya lang napagtanto na nakapaghanda na pala ng pagkain si Milo kaya agad niya ng kinain ang niluto nito. 

"Hindi mo narinig 'yung sinabi namin sa'yo, ate!?" hindi makapaniwalang tanong ni Rain kaya agad siyang tumingin dito. 

Inalala niya muna kung may narinig ba siya kanina na sinabi nila. Agad siyang umiling ng maalalang wala siyang narinig. 

Bumagsak ng sabay ang mga balikat nila kaya napa-ayos ng upo si Santa. "Ano bang sinabi niyo kanina? Can you please repeat it again?" 

Malalim na bumuntong hininga ang dalawa. 

"Kuya Milo, ikaw na po ang magsabi sakaniya," sabi ni Lea at uminom ng tubig. 

Tumango si Milo at umayos ng upo. "Ilibot kaya natin silang dalawa sa buong Sta. Forrest?" 

Walang alinlangan na tumango si Santa at malawak na ngumiti. "Sure!" 

Ginantihan ni Milo ang malawak niyang ngiti habang ang dalawa niyang kapatid ay napa-awang ang labi. 

"Talaga ate!?" puno ng kagalakan na tanong ni Lea. ang mga mata nito ay nagniningning. 

Agad namang tumango si Santa. "Oo naman."

"You're not kidding, right?" panigurado pa ni Rian kaya mahinang natawa si Santa. 

"Yes," tango niyang sabi dahilan para mag apir ang dalawa. 

Nang makita niyang nakatitig si Milo sakaniya ay mabilis niya itong kinindatan at yumuko upang tumingin sa pagkain. 

"Are you okay kuya Milo? Bakit ka namumula!?" nag-aalalang tanong ni Rian. 

"Oo 'nga kuya!? May lagnat ka po ba!?" sunod na tanong ni Lea. 

Agad siyang nag-angat ng tingin dito. Ngumisi siya ng malawak ng makitang sapo-sapo nito ang namumula niyang pisngi. 

"D-Don't worry about me. Wala akong sakit. Kumain na lang kayo," sabi ni Milo at ginulo ang buhok nila ng sabay. 

Mahina siyang natawa ng makitang may binubulong ito na kung ano-ano sa sarili. Napailing na lang siya at tinuloy ang pagkain. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon