Chapter 54

36 4 0
                                    

C H A P T E R 5 4
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Nakatitig lamang si Santa sa labas ng bintana ng opisina niya sa mansyon habang naka krus ang mga braso. Agad na sumingkit ang mata niya nang biglang lumapit ang babaeng hanggang balikat ang haba ng buhok kay Milo at Hansel. 

Gusto kasi ni Hansel na sumama kay Milo habang nag trabaho ito sa Garden nila. Wala naman siyang magawa kung hindi payagan na lang ito dahil kita niya ang kakaibang kislap ng mata nito sa tuwing kasama si Milo. 

Napanguso siya ng makaramdam ng selos kay Milo. Kailangan niyang tanungin mamaya si Hansel kung ayaw niya na ba sakaniya. 

Awtomatikong tumaas ang kilay niya nang makitang nilahad ng babae 'yun ang dalawang palad na para bang pinapahiwatig na bubuhatin si Hansel. 

"What the..." Hindi niya na maituloy ang sinasabi ng makitang buong pusong nagpabuhat si Hansel sa babaeng 'yun. 

Matalim na napa-irap si Santa nang tumatawa ang tatlo na para bang isang pamilyang nag sasaya sa gitna nang arawan. 

"Jealous?" natatawang tanong ng kung sino sa mismong tenga niya kaya napatalon sa gulat si Santa. 

Agad niyang sinapo ang dibdib ng maramdamang halos lalabas na ang puso niya doon sa gulat.

"Bwisit ka naman Saddy eh!" inis na sigaw niya at malakas na hinampas ang braso niya dahilan para mapangiwi ito at mabilis na napalayo sakaniya. 

"Bugbog sarado na 'nga ko kay Pepper at Poppy pati ba naman dito!?" madrama niyang sabi habang hinahagod ang brasong nahampas. 

Matalim na namang umirap si Santa saka sumandal sa kung anong bagay na nasa likuran niya. 

"Kasalanan ko ba na sobrang annoying ka kaya lagi ka namang nasasaktan?" taas-kilay niyang tanong kaya mas lalong napasimangot si Saddy. 

His face is so fucking annoying. 

"Sorry ah, ganto lang ako," malungkot niyang sabi habang sapo-sapo ang puso niya. 

Mas lalong napangiwi ang dalaga at inabot ang ano mang bagay na nasa tabi niya at mabilis na hinagis ito sa binatang nasa harap niya. Mabilis namang naka-iwas si Saddy kaya mas lalong tumaas ang kilay niya. 

Ngising tinignan naman siya ni Saddy. "Oh no, Santa. Mukhang maling tao yata ang kinakalaban- Ouch!" 

Malakas na natawa si Santa at pinag krus ang mga braso. "Sino sa'atin ang maling taong kinakalaban?" 

Sinamaan lang siya ng tingin ni Saddy kaya mas lalong lumawak ang ngiti ni Santa. Kita niya ang pamumula ng tainga ni Saddy dahil natamaan niya iyon ng maliit na laruan ni Hansel ng malakas. 

"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Pepper," nakangising sabi niya kaya nanlalaking matang nilingon siya muli ni Saddy. 

"Anong nagkakamabutihan!? Hindi kaya-" 

"Don't lie to me, Saddy. I know you very well." 

Mas lalong sumimangot ang gwapo nitong mukha. "Hindi ko 'nga siya gusto- Santa!" 

Biglang nanlaki ang mata ni Santa nang biglang tumakbo palapit sakaniya si Saddy at hinawakan ang ulo niya at pinayuko iyon. 

Nakita niya na lang na naglaglagan ang mga makakapal na libro sa likod ni Saddy kaya agad siyang tumingala. Ngayon niya lang napagtanto na may maliit na bookshelf ang nasa ulunan nila. 

Agad na bumalatay ang pag-alala sa mukha ng dalaga ng maalala na may makakapal na libro ang tumama sa likod ni Saddy. 

"Are you okay!?" nag-alalang tanong niya at akmang pagpapalitin ang pwesto nila nang may humila sa braso niya. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt