"Damn it!"

Napalunok nang biglang mamatay ang ilaw. Kinalma ko ang sarili habang hawak ng mahigpit ang kamay ni Kuya Carter.

"Flashlight mo Shana?" tanong ni Kuya. Yakap na niya ko habang nanginginig ang mga kamay ko sa pagkuha ng flashlight.

"Shit!" i cursed when my i accidentally dropped my lights. Napamura rin si Ian at Kuya habang ang matanda ay nakahawak lang sakin.

"Buksan niyo yung ikaw! Yung generator!" galit na sigaw ni Ian saka tumakbo sa kung saan.

Napakapit ako sa shelves habang nakahawak sa dibdib ko. Hindi ako makahinga. Parang akong sinasakal. Nanlalamig na rin ang kamay ko. My head started throbbing again. Umaabot iyon hanggang sa batok kaya ramdam kong malapit na 'kong himatayin nang biglang bumukas ang mga ilaw.

"Shana...you can do it. Nandito ako," pagpapakalma ni Kuya. He hold my hand tightly while having a hard time catching my breath.

"Tubig oh." ininom ko agad ang tubig na binigay ng ginang saka muling kinalma ang sarili. Pawis na pawis akong tumayo nang maayos habang nanginginig pa rin ang kamay.

"Umuwi muna tayo. Sa susunod na lang."

Sumunod lang ako kay Kuya. Palabas na kami nang sumalubong sakin si Ian. Pero lumampas ang tingin ko sa kanya nang makita ang lalaki sa 'di kalayuan sa likod niya.

He is looking at me intently. Nakatitig lang siya sakin na para bang ang daming pumapasok sa isip niya. What is he thinking? Hindi ko maturan. Naalala ko yung mga panahon na madalas ko siyang makitang tumitig sakin na parang wala sa sarili.

"Shana." Binalingan ko si Ian nang harangin niya ang tingin ko at tignan ako ng walang emosyon.

"Bakit?" tanong ko.

Binigay niya sakin ang flashlight ko. Nagulat rin ako nang hawakan at ayusin niya ang damit ko. I swallowed hard when my scars are revealed. Sa dami ng peklat ko sa buong katawan ang nasa balikat ko pa ang nakita.

"T-Tara na," nagmamadaling sabi ko saka sila inunahang umalis.

Huminga ako nang malalim pagdating sa kotse. Yung titig niya. Bakit gano'n siya tumingin? May ideya na ba siya? Kung meron...anong gagawin ko? Anong gagawin niya?

"Ayos ka lang?" tumango lang ako kay Kuya Carter.

Si Archie ang dahilan kung bakit mas lalong naging agresibo ang utak ko. Kahit gaano ko kagustong lapitan siya...mas nangingibaw ang takot sakin sa kanya.

"Shana...nga pala...your Mom called me."

Tumingin ako kay Ian. Umupo siya sa harap ko kay itinabi ko muna ang sketch pad ko. "And?" He smiled at me.

"Yung sa New York. Sasabay ka samin. Pwede ka ring magpatuloy ro'n ng therapy mo."

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Ilang beses na niyang nasabi ang ganitong plano nila Mommy. "Gusto ko dito Ian," sambit ko.

"I know. You can still work at Daddy's company. Tapos yung therapy mo pwede ring ituloy roon."

"May pamilya ako rito." ngumiti siyang muli.

"Babalik ka naman eh. Baka lang gumaling ka doon. Malayo sa tao."

I sighed again. I know he's pertaining to Archie. "Pag-iisipan ko."

"Shana...sasama ka samin sa ayaw at sa gusto mo. Ang gusto ko lang ay pumunta ka do'n ng hindi napilatan lang," giit niya saka lumabas.

Sumandal ako sa swivel chair saka tumingin sa langit. The sky now is sad. Mukhang uulan na naman. Napahawak ako sa relo ko at tinanggal iyon. Pinasadahan ng daliri ko ang palapulsuhan kong may peklat. I smiled sadly.

Collapsing Sky [Bravehearted Beauty #1]Where stories live. Discover now