My Dull HighSchool Life

Depuis le début
                                    

"I want to see Ate Chime. I miss her. She said she will go with me sa park tommorow.. So I want her to be safe." I pouted. Wala na silang magawa kaya hinayaan na lang nila ako.

Wala akong kaalam-alam sa mga susunod pang mangyayari.

Ipinark ni Dad ang kotse sa may di kalayuan sa isang kotse na wari ko'y kay Ate Christine na.
"Dad, can we go to Lolo outside? Ang tagal nila, eh." nag-aalburoto na ako dahil sa tagal. AYOKO kasi ng naghihintay kahit wala pang 5 minutes si Lolo.

"Okay.." Kaya binuksan ni Dad ang door kung saan ako nakaupo at akay-akay niya ako habang naglalakad kami.

A few steps away from our car, I clearly saw a Chevy na nabangga sa isang puno. May napansin din akong dugo kaya alam kong binaril siya.

I was scared.. Noong makita ko ang plate number ng kotseng iyon. It was hers.. Kay Ate Christine iyon at hindi ako maaaring magkamali. Nakita namin si Lolo sa loob ng kotse at inaangat ang kapatid ko.

Again, I saw blood...
I was about to panic..
Tumakbo ako papalayo sa kanila at kay Dad pero hinabol ako ni Dad at as usual naabutan niya ako.

"Where are you going?"

"I'm too scared, Dad.." nangangatog kong tugon.

"I'm here don't be ..." Ni hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil sunud-sunod na putok ng baril ang umalingaw-ngaw sa ere at nanggaling iyon sa pwesto nina Lolo at Ate.

It was...

0ne...

Twooo....

Threeeee....

three LOUD gun shots..

I was there, pero dahil malayo pa kaming dalawa ni Daddy at sa takot niya na pati ako ay madamay tumakbo na lang ulit kami habang tumatawag siya ng back-up.

Everything is done...
Wala na rin si Ate at nacommatose naman si Lolo..

Though, after one week nakarecover na siya. Hindi ko talaga malilimutan ang araw na yun.

Noong umaga kasi nang May 26, 9:25 a.m ang date at oras ng last text message ni Ate bago siya makidnap at mamatay.... na hanggang ngayon nagbabounce back pa rin sa isipan ko.. pero gaya pa rin nang dati di ko pa rin magets ang ibig sabihin niya...

"Kung may mga bagay kang gustong gawin, gawin mo na ngayon.. Kung gusto mong magpaalam sa isang kaibigan, gawin mo na habang may panahon ka pa.. Wag na wag mong aaksayahin ang oras, dahil darating ang panahon na huli na ang lahat para sa pagsisisi at pipilitin mong ibalik ang mga oras na nawala at panahong nasayang.. Ilang oras ba ang dapat gugulin para makasama ang taong gusto mong makasama o magkano ba ang kailangan para kainin ang gusto mong kainin?? ****some text missing***"

Sa sobrang haba ng text niya nagsome text missing na.. Iniisip ko pa rin tuloy hanggang ngayon kung anong karugtong nang text na yun.. Pero kahit na noong una ay nakokornihan ako, hindi ko pa rin binubura, yun pala ay dahil iyon na ang last text ng paborito kong ate... Paborito kasi dadalawa lang kaming magkapatid...

Dahil sa nangyaring pagkamatay ni Ate, sinikreto namin sa iba ang true identity ng pamilya namin at ang tanging nakakaalam lang na mayaman ang pamilya namin ay ang closest family friends namin... dahil sa sobrang pag-iingat pinagpalit pa ko ni Mommy at Daddy ng pangalan and from Harmony Lee Harrison naging Melody Cruz ang pangalan ko, pinaclose din niya ang facebook accounts at kahit ang mga bank account ko na HARMONY HARRISON pa ang pangalan.. Minsan nga tinanong ko sila kung bakit pero hindi lang sila kumikibo, and now I realize na dahil pala gusto nila akong protektahan, dati kasi akala ko ayaw na nila sa 'kin kasi hindi ako kasing ganda at kasing talino ni ate Chime... pero I admit I'm wrong, kasi I really feel na mahal talaga nila ako.

UNFINISHED SYMPHONY (Hiatus)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant