Chapter 27

257 9 0
                                    


CHAPTER 27

DALAWANG BUWAN din ang lumipas at graduate na siya. Graduate na sila ni Theo. Natupad din ang pinapangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral. Hindi niya mapigilang tumingin sa langit at ngumiti habang may mga graduation hats na hinahagis sa himpapawid.

Papa, natupad ko na po ang pangako sa iyo. Na magtatapos ako ng pag-aaral ko para sa'yo at para sa anak ko. Papa, proud ka po sa akin hindi ba?

Naramdaman niya ang pagyakap sa kanya ni Theo at hinalikan siya nito sa labi. 

"Congratulations, baby."

Napangiti siya. "Congratulations din. I love you."

"I love you too."

Akmang magki-kiss pa sana sila ulit nang umepal ang best friend niyang si Jessica. "Girl! Congratulations!"

"Congratulations Jess!" Nagtitili silang dalawa habang may patalon talon pa. "Graduate na tayo!"

"Yes! Grabe! Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na hindi na tayo mga estudyante. Isa na tayong ganap na tao!" Natawa naman siya sa sinabi ng kaibigan. Ang abnormal talaga nito minsan. "By the way, ano palang balak mo ngayong graduate na tayo?"

Ngumiti siya. "Balak kong magtayo ng sarili kong restaurant. Gagamitin ko 'yong inipon ko para makapagpatayo. Ikaw ba?"

"Nakapasa ako sa job interview kaya may trabaho na ako! Waaaaah!"

Tumili din siya dahil masaya siya para sa best friend niya. "Congrats Jess!"

"Oh sige na Gwen. Mauuna na ako. Magcecelebrate pa ako with family. Pupuntahan kita sa inyo mamaya." Sabay kindat nito sa kanya.

Parang may anong kislap ang ngiti ni Jessica sa kanya pero hindi niya na 'yon pinansin. "Oh sige. Iinom tayo!"

Tumawa si Jessica. "Loka ka talaga! Babush Gwenny."

Hinanap niya ng tingin si Theo kung nasaan ito. Mukhang kasama nito ang mga kaibigan niya kaya naman pupuntahan niya ito pero nakita niya si Justyn. 

"Justyn!"

Lumingon ito sa kanya at ngumiti. "Gwen!" Niyakap siya nito na ginantihan niya naman. "Wow. Congrats ha."

"Sa'yo din. Ano na palang balak mo?"

"Babalik ako sa New York para i-handle ang family business namin doon. Ikaw ba?" Tanong nito at tulad ng sagot niya kay Jessica ay ganoon din ang sinabi niya sa binata. "Wow. That's good. Kasama mo ba si Theo sa plano mong 'yan?"

"Siguro. Pero alam ko may sariling negosyo din siyang gagawin."

Napansin niya na hindi na siya hinahabol habol ni Justyn tulad noon. Masaya siya para sa kaibigan. At sana talaga ay makatagpo ito ng babaeng mamahalin niya at mamahalin siya ng buo.

"Basta kapag sinaktan ka ng lalakeng 'yon sabihan mo 'ko agad ha." Sambit nito na may halong pagbibiro. Pareho nalang sila natawa. Nag-usap pa sila saglit hanggang sa nagpaalam si Justyn na aalis na.

Naglakad lakad siya hanggang sa makasalubong niya ang ka-banda ni Theo na si Clenze na may mga nagpapa-picture pa. Nang makita siya nito ay nginitian siya nito at binati. Binati niya rin naman ito ng congratulations.

"Nakita mo ba si Theo?"

"Ah, yeah. Ayun siya oh. May kausap tungkol sa --" 

"Clenze, pa-picture!"

Naputol nalang ito sa pagsasalita nang may mga fans na nito na nagpapa-picture. Umalis na rin siya at pinuntahan ang tinuturo nito. May kausap nga. Sa bandang tagong lugar. At parang kilala niya ang kausap nitong babae.

My Single Mom (COMPLETED)Where stories live. Discover now