Chapter 17

168 9 0
                                    


CHAPTER 17

"WE WERE CALLING you for so many times but you didn't answer your calls. My god! Ano bang nangyayari Theo? Bakit mo nasabi sa harap ng maraming tao na may non-showbiz girlfriend ka? Are you for real? Girlfriend mo ba talaga siya?"

Pagkapasok niya palang sa kompanya ay kinagagalitan na siya ng manager niya. Pero hinayaan niya lang ito. Kasalanan niya naman kasi.

"My god! This is ridiculous Theo. Ang daming tumatawag na reporter sa akin at nagtatanong kung totoo ba ang binalita mo. It caused a lot of mess, Theo Fortez." Palakad lakad ito sa harapan niya habang sapo sapo nito ang noo niya. "And the CEO of the company is fuming mad. Really really mad because of the low rate of stocks and investment! My god!"

Wala siyang masabi. Nangyari na ang nangyari. Ang sisihin dapat ay siya.

"I am sorry, Kuya Ty. I am really sorry." Paghingi niya ng tawad sa manager. "It's all my fault. I will take the full responsible for what happened. But please? Let me clear Gwen's name. Ayokong husgahan siya ng mga fans ni Selene. I don't want her to drag in this messed up world."

Hinilot ni Kuya Ty ang sentido niya. "Speaking of Selene, hindi siya makalabas ng condominium niya. She's so embarrassed, at nasira pa ang birthday party niya. Tanging manager niya lang ang nakakausap niya." Kuya Ty tsked. Alam niya kasalanan niya talaga ang mga nangyayari. "But okay, you really have to make a statement about what happened."

"Yep. Aaminin ko na ang totoong relasyon namin ni Gwen pati na din ang totoong relasyon namin ni Selene na wala naman talaga." Matigas niyang sabi. Oo nga at kasalanan niya kung bakit ganoon ang nangyayari kay Selene pero hindi niya pwedeng ituloy ang kasinungalingang iyon.

"What? No! You just have to take back what you said. Theo, kaunting tiis nalang naman e. Hindi ba makakapagantay ang relasyon niyo ng girlfriend mo? One month is enough."

Umiling iling siya. "No, ayoko na Kuya Ty. I can't wait for another month or another week to lie about Selene and I's relationship. Nasasaktan na ang taong mahal na mahal ko. Nasasaktan ko na siya at ayokong saktan na naman siyang muli. I broke her heart six years ago already because I wanted to pursue my dream but not again, not anymore, and not with the same excuses. May anak na kaming dalawa." Pag-amin niya na ikinabigla ni Kuya Ty.

"W-w-wait, what?! What did you said?"

Huminga siya ng malalim sabay tango. "You heard me right, Kuya Ty. May anak na kaming dalawa. May anak na ako. We were sixteen when we had our first child. Iniwan ko siya noon at nasaktan ko ang damdamin niya. I was so jerk, and I don't want to be jerk again because God knows how I love her so damn much and I love our kid. Mahal ko ang pamilya ko Kuya Ty. Mahal na mahal ko sila. I am sorry if I didn't tell you about this but it's the truth. At ayokong lumaki si Tristan at malaman niyang hindi ko pinanindigan ang ina niya. I want to fight for my family, and if fighting for them means I have to shout to the world that I chose them over my dream? I would do it in a beat, Kuya Ty. Ganoon ko sila kamahal."

Natahimik si Kuya Ty sa mahabang sinabi niya. Hindi niya alam kung naiintindihan ba siya nito sa pagiging ama at pagiging pamilyado niya but he hopes Kuya Ty does.

"W-why you didn't tell me about it Theo? M-may anak ka na pala?"

"I didn't tell you because I was ashamed of what I did to them. Iniwan ko sila Kuya Ty. It's not something to be proud of. May balak naman akong magsabi e, pero naghahanap lang ako ng tamang pagkakataon." Paliwanag niya sa manager.

Parang nanghina si Kuya Ty sa mga sinabi niya. "God... that's so surprising. Alam na ba ng mga kaibigan mo 'to?"

Tumango siya. "Yeah. Sinabi ko na sa kanila."

My Single Mom (COMPLETED)Where stories live. Discover now