Chapter 18

221 10 0
                                    


A/N: Hello to Kenneth  Ronald, if you happen to read this by chance, thank you for following me and voting "PAUBAYA"

CHAPTER 18

KITANG KITA ni Gwen ang mukha niya sa standee, ilang flyers at sa posters at may mga marka ito ng marker at ginawa siyang katatawanan. Isa siyang Miss Role Model kaya talagang nakakalat ang mukha niya dahil isa siya sa mga ipinagmamalaki ng Lancaster University.

May biglang nagpaparinig sa kanya. "Miss Role Model ba talaga siya? Hah. Role model din ba ang mang-agaw ng may boyfriend? What a flirt!"

"Hindi na siya nahiya. Dala dala niya pa naman ang karangalan ng eskwelahan. Akala ko pa naman nag-aaral ng maigi, ayon pala nangaahas na."

"My god. Kawawa si Selene. She'd been cheated on. Tsk. Dapat d'yan tinuturuan ng leksyon."

"True sis! She doesn't deserve to be university's role model."

Napapikit nalang siya ng mariin at hindi inintindi ang mga sabi sabing naririnig niya. Papunta palang siya sa building ng course niya nang makita niya ang best friend niyang si Jessica at Justyn na nagtatanggal ng mga posters.

"Anong ginagawa niyo?" Tanong niya sa dalawa. Tinatanggal nito ang mga posters niya na may mga nakasulat na 'malandi', 'mang-aagaw', 'ahas' at kung anu ano pa.

"Tsk. 'Di mo pa ba nakikita Gwen? Tinatanggal namin ang mga posters mo na vina-vandalize ng kung sino sino!" Halatang pinatatamaan ni Jessica ang ilang estudyante na pinagbubulungan siya. "Mga bwisit."

"Gwen, okay ka lang ba?" Tanong ni Justyn sa kanya na halata din ang pag-aalala.

Tumango siya. "Oo okay lang ako." Kahit hindi naman. "Huwag niyo na ubusin ang oras niyo sa pagtatanggal niyan. Mauubos lang ang oras niyo. Wala ba kayong klase?"

"Wala akong klase. 'Di pumasok professor ko." Sambit ni Jessica.

"Same." Si Justyn naman ang nagsalita.

Pero parang 'di siya naniniwala sa dalawang 'to.

"'Wag na kayong mag-abala sa mga ganyan. Hindi ko na pinapansin 'yan." Aniya para ipakitang ayos lang siya.

Umikot ang mga mata ni Jessica. "Huwag mo nga akong paglolokohin, Gwen. Hindi ayos 'yang ginagawa nila sa'yo. It's downright bullying! You know?"

"Pero wala naman kasi tayong magagawa e. Ayon ang nasa isip ng mga tao. Hindi ko na mababago 'yon."

"Nasaan ba kasi Theo? Dapat siya ang pinakanagtatanggol sa'yo e."

Napalabi siya. "Hindi siya pumasok ngayon. Sasagutin niya na daw ang mga tanong ng reporters tungkol sa relasyon naming dalawa."

"Mabuti naman kung ganoon." Sabi nalang ni Jessica pero halatang naiinis pa rin siya.

Bumaling siya kay Justyn. "I heard what happened to you yesterday. In-ambush ka daw ng mga reporters. Okay ka lang ba? May lugar ba kayong mapagsstay-in ni..." Hindi nito tinuloy ang sasabihin pero kilala niya kung sino ang tinutukoy nito.

Ngumiti siya. "Okay lang kami Justyn."

"I could let you stay in my place if you want."

Umiling siya. "Doon kami kay Theo nakatira ngayon."

Natahimik si Justyn at tumango tango ito. Kagabi pagkatapos nilang mag-usap ni Theo ay sinundo nila si Tristan ng hatinggabi. Mabuti nalang at walang nakabantay na reporters doon. Samantalang ang ina niya naman ay nagpaiwan sa bahay nila para masabihan siya na kung meron o walang reporter na nakamasid sa bahay nila.

My Single Mom (COMPLETED)Where stories live. Discover now