Chapter 5

273 13 0
                                    

CHAPTER 5

HINDI MAKAPANIWALANG nakatitig lang si Gwen sa nakangiting si Theo habang may bitbit itong bag ng kung ano. Agad siyang lumabas sa bahay at isinara ang pinto niyon. Iniiwasan niyang lumapit sa kanya si Tristan o may makita si Theo na bata sa bahay niya.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya nang hindi ito pinagbubuksan ng gate. "u-umalis kana."

"But Gwen I brought you some food."

"Hindi ko kailangan ng mga 'yan." Galit siyang nakatingin dito na siyang unti unting nagpawala sa mga ngiti nito. "sa tingin mo okay na tayo dahil sa insidenteng nangyari kahapon? Oh come on Theo, alam mong hindi agad mabubura ang galit ko sa'yo nang dahil lang doon."

"Alam ko pero concern lang ako sa'yo na baka may sakit ka."

Mapakla siyang natawa sa sinabi nito. "Wala kang pakialam kung concern ka sa akin. Umalis kana."

"But --"

"Umalis kana Theo." May pinalidad na sabi niya. Natatakot kasi siya na baka biglang lumabas si Tristan at mahuli siya ni Theo na nagsisinungaling.

Ayaw niyang mangyari iyon. 

Madaming senaryo ang pumapasok sa isip niya kapag nalaman ni Theo na buhay ang anak niya. At natatakot siya... natatakot siya na  baka kunin niya ito mula sa kanya. Iniisip niya palang ay sobra sobrang sakit na ang nararamdaman niya. 

Napayuko si Theo at mukhang hindi na ito nangulit pa. "I am sorry. Akala ko kasi kahit papaano napatawad mo na ako. But I'll work hard for you to forgive me, Gwen."

Iniwan nito ang bitbit na bag na isinabit niya sa gate atsaka ito umalis gamit ang magarang sasakyan nito. Nang mawala na ito sa lugar nila ay napatingin siya sa puting bag na nilagay nito sa gate. Nagdadalawang isip siya kung tatanggapin niya ba iyon pero nanaig ang isip niyang kunin nalang iyon at ipinasok sa loob.

Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay binuksan niya ang bag at laman niyon ay ang mga tupperware na may lamang malinit na soup at gamot. Hindi rin nakatakas sa paningin niya ang sticker note na nakadikit sa bag.

'Eat this and make sure to feel better okay?'

Wala siyang reaksyon sa nabasa pero ang puso niya ay napakabilis ng tibok. Simpleng letter lang ng lalaki ay ganito na kaagad ang nangyayari sa puso niya. At hindi siya natutuwa.

Pero isang tanong ang pumapasok sa isip niya. Paano nito nalamang may sakit ako?

INUUBO AT SINISIPON si Theo habang nagpe-perform sa harap ng maraming tao pero hindi niya iyon ipinapahalata. They are scheduled to have a performance today to a nationwide show and that is why he can't just postpone it. Kahit masakit ang ulo niya at nilalagnat ay pinilit niya pa din na ngumiti sa mga fans nila.

"Omg! The Phoenix! I love you all so much!" Hiyawan ng mga tao.

"I love you all! Pakasalan niyo na ako please!"

Clenze started to sing the chorus of the song. "When the stars shine, it's your name I think of. When the skies bloom, it's your lips I wanna kiss." It's a ballad genre and Clenze's voice is suited for the song. Siya naman ay abalang nag-gigitara.

"Oh baby let me touch you, love you, and hold you. Baby don't say no, don't say no."

Nang matapos ang performance nila ay tinawag sila ni Kuya Ty sa backstage at natutuwa ito dahil mataas ang ratings na nakuha ng show dahil sa kanila.

"I am so proud of you my Phoenix boys!" Masayang sabi nito na may dalang iced coffee. Hindi siya kumuha dahil bawal sa kanya ang cold drinks. "oh shit... I am sorry Theo. Nakalimutan ko na bawal ka pala sa cold drinks. Hold up, let me get another one for you."

My Single Mom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon