Chapter 23

206 9 0
                                    


CHAPTER 23

NGITING NGITI si Gwen habang pauwi hawak hawak ang anak niya. Malapit na din pala ang maggabi kaya napagpasyahan niyang umuwi para makapagpahinga agad. Excited na siyang makita si Theo bukas.

Pero malayo palang ay natatanaw niya na ang isang magarang kotse na nakaparada sa tapat ng bahay nila. Hindi siya nagkakamali. Sasakyan iyon ni Theo!

Kaya naman lakad takbo silang umuwi ng kanyang anak.

Pagkapasok niya sa kabahayan ay una niyang hinagilap ng tingin ang kasintahan.

"Ma, si Theo po? Nasaan po si Theo?"

Ngumiti ang ina niya at iminuwestra ng kamay nito ang kasintahan niyang namiss niya kaagad.

"Daddy!" Sigaw ni Tristan at tumakbo ito papalapit sa ama kahit may hawak pang juice box. Kinarga ni Theo ang anak at pinugpog ng maraming halik. "I miss you Daddy."

"I miss you too kiddo." Ani Theo at ginulo ang buhok ni Tristan atsaka ibinaba. Sa kanya naman ngayon ito lumapit. "Hello there beautiful lady."

Mariin niyang tiningnan ang nobyo. Ang soot nito ay isang longsleeve baby blue polo na nakatupi ang manggas hanggang siko niya at nakaformal pants ito at black italian shoes. Bukas din ang dalawang unang butones nito kaya nakikita niya ang tattoo nito sa dibdib na pinagawa niya daw noong nasa States ito.

Hindi niya mapigilang mapangiti. Ito ang soot niya kanina sa press conference. "Theo."

Hindi niya na napigilang lumapit dito ay yakapin. Namiss niya ito agad. At sa mga nabasa niya kanina sa artikulo, mas lalo siyang nasasabik na makita ito. Kinawit niya ang mga braso niya sa batok nito at ginantihan din naman siya ng yakap nito sa baywang. Ramdam niya ang labi nitong humahalik sa ulo niya.

"God. I miss you so much Gwen. Kahit na kanina lang kita huling nakita."

Napangiti siya. "Same here." Siya na ang unang umalis sa yakap. "Akala ko bukas ka pa susunod?"

Kumibit balikat ito. "Can't help it. Miss ko na kayo agad ng anak natin."

Tumango siya habang may ngiti sa labi. "Hindi mo talaga kami matiis no?"

"Hinding hindi talaga."

Natigilan siya nang may maalala siya. "Nabasa ko ang press conference mo."

Mukhang nabigla ito saglit pero kalauna'y mukhang inaasahan na nito ang maririnig. "You do?"

Tumango siya. "Sabi ko naman sa'yo hindi ba? Hindi mo kailangan gawin 'yon. Ano nalang ang mangyayari sa banda niyo?"

"Shh. Shh. Huwag mo ng isipin 'yon. Tapos na 'yon. Hmm?"

Magsasalita pa sana siya nang marinig niyang tumikhim ang ina niya. "Kakain na tayo."

Nagkatinginan silang dalawa at wala nalang siyang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga.

Matapos nilang kumain at magpahinga ay hinayaan muna nila ang anak na matulog sa lola nito samantalang silang dalawa naman ni Theo ay naiwan sa sala para mag-usap.

"Anong nangyari? Bakit mo ba ginawa ang magpa-press conference?" Tanong niya rito.

Hinawakan ni Theo ang kamay niya. "I have to do it. I have to clear your name and our family. Ayokong dumating sa punto na malaman ni Tristan kapag lumaki siya at wala akong ginawa para maging malinis ang pangalan mo."

Bumuntong hininga siya. "Nag-aalala ako. Paano ang career mo? Paano ang banda ninyo? You love playing music in the stage. Paano kung tanggalin ka ng management mo? Parang hindi ko kaya kaya na masira ang pangarap mo nang dahil lang sa akin."

My Single Mom (COMPLETED)Where stories live. Discover now