Chapter 24

197 10 0
                                    


CHAPTER 24

ETO NA NAMAN si Gwen. Kinakabahan na naman at malalim na naman ang iniisip. Pahakbang palang ang paa niya papuntang unibersidad pero nanlalagkit na ang pawis niya. Gosh. Paano nalang kung negative ang maging kalalabasan?

Kahit papaano naman kasi ay inaasahan niyang positibo ang maging scholarship grant niya kahit pa na may nagawa siyang kusot.

"Gwen, baby, relax." Tawag ni Theo sa kanya nang nasa harapan na sila ng opisina ni Mr. Santiago, ang dean ng department nila. "Nandito ako. Relax baby."

"Kinakabahan ako. What if hindi magrant ay ma-kick out ako? God. Nakakataranta naman 'to."

Hinablot ni Theo ang balikat niya at iniharap nito sa kanya. "Magiging maayos din ang lagay, okay? Ano man ang kinalalabasan, nandito lang ako. Nasa tabi mo."

Mariin siyang tumingin sa mga mata ng binata at pinilit pakalmahin ang sarili. Huminga siya ng napakalalim at inulit ulit niya 'yon hanggang tatlong beses atsaka siya kumalma.

Tumango siya. "Tama ka. Kahit na anong mangyari alam kong nandyan ka lang."

Ngumiti si Theo sa kanya. "That's my baby." Atsaka nito kinuha ang kamay niya para hawakan. "Tara na sa loob?"

Tulad ng sinabi nito ay pumasok sila sa loob ng opisina ng dean at doon ay naramdaman niyang malapot talaga siyang pinagpapawisan dahil sa air conditioned nitong kwarto. Ramdam niya ang tagaktak ng pawis niya sa noo at leeg.

"Mr. S-Santiago, g-good morning po." Bati niya sa ginoo na umangat ang tingin mula sa desk top.

"Oh, Miss Lim, and Mr. Fortez. You're here." Walang emosyon nitong sabi. "Good that you came to my office."

Napayuko siya saglit at humarap muli kay Mr. Santiago. "Pasensya na po kung ngayon lang ako nakapunta. Nasa probinsya po kasi kami kaya ngayon lang po ako nakapunta."

"It's okay. I just receive the commitee's decision yesterday. Maupo muna kayo." Iginiya ni Mr. Santiago ang kamay nito sa isang maliit na sofa na sinunod naman nilang dalawa.

Magkatabi sila ni Theo habang hawak nito ang kamay na para bang doon siya kumukuha ng lakas ng loob.

"The commitee's decision is final and have debated that's why they have concrete and valid reasons to decide if you are kick out of the school or you could stay and still be granted for scholarship." May inilapag itong papel na kinakabahan niya namang kinuha. "Read it to yourself, Miss Lim."

Kinakabahan siya. Eto na. Dito na matatapos ang pag-iisip niya. Tumingin siya kay Theo. Naalala niya ang sinabi nito na kahit na anong mangyari ay nasa tabi niya lang ito. Kung kaya't nang buksan niya ang papel ay kabado siyang binabasa ito.

Dear Miss Gwendalyn Lim,

We are pleased to inform you that your scholarship for this academic year is still granted and valid despite amidst issues and problems circulating around the campus and social media.

Congratulations! You will be required to stay in touch and let us know how you are doing.

Again, congratulations and good luck with your educational plans now and in the future

Sincerely yours,
Scholarship Chair
Lancaster University

"Congratulations, Miss Lim. You are still one of the scholars of the school."

Napaawang ang labi niya sa nabasa. Hindi siya makapaniwala. Parang ang hirap maproseso sa utak niya ang nangyayari.

Granted pa din ang scholarship niya?

My Single Mom (COMPLETED)Where stories live. Discover now