Chapter 12

214 12 0
                                    


A/N: Happy reading!

CHAPTER 12

HINDI PA RIN makapaniwalang napadpad silang tatlo sa Baguio. Kaya pala ang tagal ng oras ng byahe nila, dahil dinala sila ni Theo malayo sa Manila.

"Hindi ko pa din talaga maintindihan kung bakit tayo nagpunta dito." Aniya kay Theo na ngayon ay nagaayos ng gamit nila. "At kaninong bahay 'to?"

"It's a gift from my Mom and Dad when I turned 18. Dapat sa States nila ako bibilhan ng vacation house but I insisted na dito nalang sa Pilipinas. Para mabilis lang ang byahe at para makasama ko din kayo ni Tristan." Sabi nito sa kanya na lihim niyang ikinangiti.

So, gusto niya talagang dalhin kami dito?

"Pero bakit tayo nagpunta dito?"

Saktong dumating si Tristan at kinarga naman ito ni Theo.

Ngiting mahiwaga ang binigay ni Theo sa kanya. "Malalaman mo din mamaya," at kumindat pa ito sa kanya! "For now, take a rest. Tatawagin ka nalang namin ni Tristan kapag magdi-dinner na tayo."

Napapakunot noo siya sa mga nangyayari. Pakiramdam niya ay may pinaplano ang mag-ama tungkol sa kanya dahil sa mahiwagang ngiti nito sa labi.

Bumuntong hininga siya. "Kung ano man 'yang binabalak niyong mag-ama, siguraduhin niyo lang na magugustuhan ko iyan." Naiiling na sabi niya atsaka siya nagmartsa paakyat ng kabahayan para magtungo sa kwarto. Iisang kwarto lang ang nandoon kaya iyon ang pinasok niya.

Maganda ang vacation house na pagmamay-ari ni Theo. Sa loob at labas ng bahay ay gawa ito sa kahoy na binarnisan pero maganda ang pagkakadisenyo. Ang mga furnitures ay gawa din sa muwebles pero may pagka-moderno pa din ang mga disenyo na iyon.

Ang gaganda naman ng mga furnitures sa bahay na 'to.

Sa kwarto naman ay may malawak na kama. King sized bed iyon at tamang tama para sa kanilang tatlo na matulog dito. Sa gilid niya ay may pintuan ng banyo, at sa katabi naman niyon ay maliit na daanan para sa walk-in-closet. 

Dahil wala naman siyang magawa ay inilabas niya ang mga damit na inihanda niya kanina nang sabihan siya ni Theo na maghanda ng ilang pirasong damit. Wala siyang ka-ide-deya kung saan sila pupunta kaya puro simpleng damit lang na pang-alis ang nabitbit niya.

Kahit malamig ang klima ay pinili niya pa ding maligo dahil pakiramdam niya ay nanlalagkit siya. Pagkatapos niyang maligo, pinili niyang sootin ang printed square pants, puting tee shirt, at doll shoes. Sa mukha niya naman ay nagpulbo lang siya at naglagay ng kaunting lip balm sa labi para hindi magbalat ang labi niya.

Nakita niya ang isang blower na nakalagay sa isang salaminan at ginamit iyon para mapatuyo ang buhok. Nang maituyo niya buhok niya ay inisang tali niya iyon at dahil mahaba ang buhok niya ay pinaikot ikot niya iyon para maging isang bun. Tapos nagbagsak lang siya ng kaunting buhok para maging magulo iyon.

Napangiti siya nang makita ang sarili. Okay, maayos naman ang itsura ko.

Napagpasyahan niyang lumabas ng kwarto at bumaba para hanapin ang dalawa. "Theo? Tristan?" Saan kaya nagpunta ang dalawang 'yon?

Hanggang sa napadpad siya sa back door na nasa bandang kusina. Binuksan niya iyon at tumambad sa kanya ang napakagandang view sa Baguio lalo na't papalubong na ang araw at marami ng ilaw sa paligid.

Napanganga siya sa ganda at saglit na nakalimutan ang hinahanap. Napatitig siya sa malayong view kung saan natatanaw niya ang mga ilaw sa kabahayan at syudad. 

"Mommy." Napalingon siya at nakita si Tristan na papalapit sa kanya. 

"Anak, saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap." Lumuhod siya para makapantay ang anak. Ngayon niya lang napansin na nakawhite polo-shirt ang anak at nakapants ito na may itim na sapatos. Nakaporma din ang buhok nito na mas lalong nagpapogi sa anak niya. 

My Single Mom (COMPLETED)Where stories live. Discover now