Chapter 11

255 11 0
                                    

A/N: Ang cute ng ipo-portray ko as Tristan! Waaaah!

Happy reading! Mwa!

CHAPTER 11

"DITO NALANG ako sa baba. D'yan kayo ni Tristan sa kama." Aniya at handa ng kunin ang unan at kumot.

"Come on, Gwen. Don't be so absurd. Malaki laki naman ang kama mo at kasya tayong tatlo dito. Dito ka nalang sa tabi namin." Taas baba ang kilay nitong sabi na may nakakalokong ngiti pa.

"Eh kung dito ka nalang kaya sa baba tapos d'yan kami ni Tristan. How's that?"

Bigla nalang tumayo si Tristan sa kama at niyakap ang ama. "Mommy, Daddy, tabi po tayong tatlo please."

"Anak, ayos lang naman sa akin na magtabi tayong tatlo e. Etong Mommy mo lang ang may ayaw. Natatakot ata siyang makagawa ng baby sister mo."

Pinandilatan niya ng mata si Theo at binato ng unan na nasalag naman nito. "Anong baby sister pinagsasasabi mo d'yan?"

Namumula ang pisngi niya habang si Tristan naman ay parang natuwa sa narinig. "Baby sister? I want one."

Mas lalong namula ang pisngi niya dahil mukhang magkakamping magkakampi ang mag-ama. 

"Tumigil ka nga Theo. Kung anu-ano pinagsasasabi mo sa bata." Naiinis niyang sabi na tinawanan naman nito. "mababatukan talaga kita."

"Okay okay. I was just kidding. Kiddo," tawag ni Theo sa anak. "yung baby sister mo 'tsaka mo na siya mami-meet kapag ready na ulit si Mommy mo."

Binato niya na naman ito ng unan. "Tumigil ka nga sa kaka-baby sister mo!"

"Yes po Daddy!" Masayang sabi ni Tristan at parang hindi nito naririnig o nakikita ang presensya niyang gusto ng sumabog.

Mataon lang talaga na wala si Tristan dito talagang masasakal kita Theo!

"Good. Sa ngayon hintay lang tayo ah." At may binulong pa ang mokong na 'to na ikinatawa ni Tristan. Umikot nalang ang mga mata niya sa inis at sumalampak na sa sahig kung saan nakahanda na ang higaan niya.

"Hey, Gwen, dito kana. Tabi tayo." Pangungulit ni Theo sa kanya. Hindi niya sana ito papansinin pero ang anak niya naman ang nangulit sa kanya.

"Mommy please, please sleep with us. Minsan lang po tayo kompleto e."

Marupok talaga siya pagdating sa anak niya. Hay. Wala tuloy siyang nagawa kung hindi ang bumangon sa kinahihigaan at tabihan ang anak. 

"Eto na baby, dito na ako matutulog." Lilipat nalang siya kapag tulog na tulog na ang anak.

Nakita niya ang liwanag sa mukha ng anak. "Thank you Mommy." Hinalikan siya nito sa pisngi na ginawaran niya din naman ng halik.

"You're welcome baby." Tumingin siya sa gawi ni Theo na nakamasid lang sa kanila at may malapad ang ngiti. "Bakit ka nakangiti d'yan?"

"Wala lang. Ang ganda kasi pagmasdan ng mag-ina ko." Sabi nito sa kanya.

Pigil na pigil siyang ngumiti nang sambitin nito ang salitang mag-ina ko. Pakiramdam niya ay masaya at buo silang pamilya.

Tumikhim siya. "Sige na anak. Before tayo matulog, mag-pray kana muna."

"Opo Mommy." Nag-sign of the cross ito at nagsimulang magdasal. "Papa Jesus, thank you po kasi po nandito na ang Daddy ko. Hindi na po ako maiinggit sa mga kaklase ko na sinusundo sila ng Daddy nila kasi nandito na po siya. Thank you din po kasi love ako ni Mommy at ni Daddy. Thank you po Papa Jesus. I love you po." At muli itong nagsign of the cross.

My Single Mom (COMPLETED)Where stories live. Discover now