Two

25.2K 785 55
                                    

Sinead

"Hey, Miss PMS!"

Heck! Matang-lawin talaga si Trent. Nakita pa ako, eh ang layo-layo ko. Nagsitingin rin sa akin ang tatlong kasama niya. Only Trent looked pleased to see me in the club. Dax and Daven were uninterested as usual, while si JT ay tumingin sa ibang direksiyon. Ewan kung ano'ng iniisip niya. Hmm, baka nakalimutan na niya ako sa dinami-rami ng babaeng nakakasalamuha niya araw-araw.

Wish ko lang.

"Nagtatrabaho ka pala rito," sabi sa akin ni Trent, pumuwesto sa bar stool na binakante ng nakaupo roon kanina. Automatic kasi na nagbigay-daan at upuan sa kanila ang mga tao sa paligid. Ang sarap siguro kapag hari ang tingin sa iyo ng lahat. Well, Dax owned that club kaya this time may right sila na umastang hari sa teritoryo nila.

"Ngayon lang. Part-time."

"That's why first time ka naming makita rito."

"Hi, gorgeous," pagpapa-cute ni Marg kay Trent.

"Hi, cutie. Taga-Noble ka rin ba?"

"NTU. 'Di abot ng budget ko ang tuition sa school n'yo. Sinead and I are dormmates. Gusto mong makita dorm namin? Hindi strict landlord ko."

Pinanlakihan ko si Marg ng mga mata. Is she serious? She was picking up Trent in front of me? Luka-luka rin talaga!

"We'll talk about that again later, pagkatapos ng shift mo."

Nakurot ako ni Marg sa sobrang katuwaan niya. Muntikan ko na rin siyang makurot pero bumubungisngis na umiwas siya at kumuha ng order ng customer sa dulo ng bar.

"Lumayo ka sa kaibigan ko, ha," babala ko kay Trent.

"Lahat na lang kaibigan mo. At sino ka, savior ng friends mo sa amin?"

Nag-init ang mukha ko sa pagpapaalala ni Trent sa unnecessary na "pagprotekta" ko kay Myrell sa kanila sa library. I ought to apologize to them. Ako 'yung naging rude sa kanila for no reason. Okay, mayabang sila at ikinaiinis ko ang attitude nila, but I was still wrong sa ipinaratang ko kay JT at kung hindi ako mag-a-apologize sa mistake ko, ipokrita magiging labas ko.

"Give me a bottle of Yamazaki 18," sabi sa akin ni Dax.

Ibinigay ko iyon sa kanya kasama ng baso at isa pang basong may malamig na tubig.

"That's how I drink my whisky, thank you for intuiting that."

His tone was not friendly, pero in-acknowledge niya ang tamang nagawa ko, which meant he was not as bad as I'd imagined him to be.

He was making me feel even more guilty for being rude to them in the library. Sana sinupladuhan na lang ulit niya ako! Then I would have a reason to be bitchy again.

"You don't look like a beginner," I murmured. Tumingin ulit ako kay Trent. "Ano sa iyo?"

"Svedka."

"Strawberry lemonade?" I smiled at him, 'yung mapang-alaska.

"Hey, it tastes good and it's cheap."

"Cheap sa iyo. Gusto mo haluan ko ng soda para mas sumarap?" More pang-aalaska.

"Nah. Just give me lots of ice, babe."

"Coming."

No'ng pipihit na ako napatingin ako kay JT, and our gazes locked because he was also looking at me. Salubong ang mga kilay niya. Shit. Galit yata sa akin. Oo na, magso-sorry ako pero wait lang! Bumubuwelo pa ako.

Josh Talon Phillips: Lust-Struck ✔️Where stories live. Discover now