CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY

Start from the beginning
                                    

Sa totoo lang kasi.. ayaw ko pang makita si Cole. Pakiramdam ko iiyak ako ng sobra. Pakiramdam ko masasaktan ako ng sobra dahil kahit na hindi ko alam.. kahit na hindi ko sigurado pa, pakiramdam ko ang laki laki ng kasalanan ko sa kaniya.

Pakiramdam ko... ako talaga ang may gawa no'n. Ang dahilan ng pagkamatay ni Lesly at ng anak nila.

Oh 'di ba? Ang kapal talaga ng muka kong masaktan pa.. Sobrang kapal. Sa sobrang kapal nga ay kayang kaya ko pa silang harapin kahit na.. sobrang lakas na ng pakiramdam ko na kasalanan ko ang lahat.

"No need. They can manage themselves. And you need to rest. Kakarating mo lang kahapon, 'di ba?" agad na pagtanggi naman ni Klein sa sinabi ko.

"Pero kasi.."

"No buts." pigil niya agas sa sasabihin ko pa lang sana. "it's Chad's decision. He wants to make sure that you have a rest." dagdag niya.

Pilit na napangiti ako. Pilit na pinasaya ko ang sarili ko dahil si Chad.. ang boyfriend ko... gusto na magpahinga na ako.

"Binilin niya sa akin 'to. And besides... Kitang kita naman na pagod ka. Kahit ako ngang nakakakita ng pagmumuka mo gusto ng pagpahingain ka.." sabi niya pa sabay turo sa muka ko. Alam ko na malalim na ang mga mata ko at kita na ang eye bags ko. Bangag na bangag na ako.

"Hindi ako pagod." tanggi ko pa rin kahit na halatang halata naman sa muka ko. "Sadyang hindi lang ako nakatulog kagabi."

"Yeah right, reasons. Tigas talaga ng ulo mo." madiing aniya.

"Sakto lang. Hirap din kasi makapagpahinga. Iniisip ko kasi si Cole."

"Then go home and get to see him yourselves."

"Ayaw ko.. hindi pa ako handa. Pakiramdam ko kasi ang laki ng kasalanan ko sa kaniya kahit na... wala naman." sabi ko at gusto kong matawa dahil sa sinabi ko. Alam ng puso ko na may kasalanan ako kay Cole. "makalipas ng tatlong araw ba naman kami umuwi pagkatapos ng insedente." dagdag ko upang hindi makakuha ng kahit katiting na ideya si Klein sa mga sinasabi ko.

Kilala ko siya, matalino siya. Kayang kaya niyang tukuyin ang isang bagay gamit lamang ng mga salita o hint na nakukuha o nararamdaman niya. Alam kong kaya niyang malaman na ako ang dahilan ng pagkamatay ni Lesly gamit lang ang mga salitang binibitiwan ko.

"Okay. Bahala ka. Basta ba umuwi ka rin lang ngayong araw." nagkibit balikat na sabi niya, natalo na. Tanggap na niyang hindi niya ako mapipilit.

Wala talaga sa plano kong umuwi. Gusto kong puntahan si Rosh. Tatanongin ko siya.. sisiguraduhin ko na tama nga ang hinala ko. Kapag tama nga ako... bago pa man malaman nila Chad at ng mga kaibigan namin.. lalo na si Cole ang ginawa ko. Sisiguraduhin ko munang napahirapan at napatay ko na si Rosh.

Ang daming pumapasok sa utak ko na ideya kung paano ko siya papahirapan.

Uunahin kong papahirapan ay ang kaniyang minamahal na ama, si Tito Jack. Pagkatapos ay itatapon ko siya sa presento. Mas paghihirap sa isang taong gaya ni Tito Jack ang makulong keysa ang mamatay.

Mawawalan ng leader ang grupo ni Tito Jack. Manghihina sila. Mawawasak ko sila ng madalian.

Isusunod ko ang mga aso ni Rosh.. sila Hunter at mga grupo niya.

Ihuhuli ko siya... hahayaan ko muna siyang magdusa sa mga nangyari pagkatapos ay papahirapan ko na siya ng pisikal. Gagawin ko lahat ng makakaya ko hanggang sa siya na mismo ang pumatay sa sarili niya dahil sa sakit at hirap.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now