"Okay, let's go!" Sigaw naming lahat at agad tinapos ang pagkain..

Sa huli pumayag rin akong bumili kami ng couple tshirt. Kawawa naman kasi 'tong bata na nagtatampo! Pagbiyan na..

"Saan tayo bibili?" Tanong ko

"Saan ba pwede? Guys, bibili kami ni Faye ng couple tshirt. Kayo?" Ani niya

"I'm in!" Ani Jelo

"Sure. You want, hon?" Tanong ni Dave kay Hana

"Sige na nga" sagot niya

Naghanap kami ng store na nagbebenta ng couple tshirts. Nang makahanap kami ay agad kaming namili.

"Ang cute ng mickey mouse!" Ani ko

"You want that, bi?" Tanong ni Moe

Color red siya na may mickey mouse sa harap na may nakalagay na 'Mr.' pag sa lalaki . Pag sa babae naman ay si minnie mouse na may nakalagay na 'Mrs.'

"Yes! So cute" nakangiti kong sabi
Nang papalabas na kami sa mall ay pinagtititinginan kami ng mga tao. Ang cute naming apat! Sinuot na kasi namin yung mga binili namin. Si Zoona at Jelo ay pinili nila yung color yellow na si Spongebob ang nakalagay na may nakasulat na "I'm inlove with her" kay Jelo. Kay Zoona naman ay "I'm inlove with him" ang nakasulat.

"Are you okay with that, hon?" Tanong ni Dave kay Hana

Suot naman nila ay color pink na pepa pig ang nakalagay. Kay Dave ay "She's mine" ang nakasulat at "He's mine" naman kay Hana..

Well, it's all cute!

"We're here" ani Moe na nasa driver seat..

Napatingin kami sa malaking bahay nila. Agad bumukas yung gate at nagpark naman kami..

"Mansyon!" Ani Hana

Lumabas kami at pumasok sa loob ng bahay. Ang ganda grabe! Ang yaman!

"Good afternoon sir, ano pong gusto niyong meryenda?" Tanong ng katulong

Umupo kami sa sofa at binuksan yung flatscreen tv..

"Anong gusto niyo guys?" Tanong ni Moe sa amin

"Do you have chips? Soda?" Ani Zoona

"Okay, ma'am" ani ng katulong

"Add pizza also. Bi, what do you want?" Tanong ni Moe sa akin

"Okay na yun" sagot ko

"Dave? Hana? Jelo?" Tanong ni Moe

"Yun na lang"

Tumango lang siya at umalis na yung katulong..

"Truth or dare?" Tanong nila sakin.

Pagkatapos naming magmovie marathon ay napagpasyahan naming maglaro ng Truth or Dare.

Nasa sala pa rin kami at nakaupo na nakapalibot sa round table. Kumakain na kami ng chips at zoda na request ni Zoona..

At sa kamalasan, ako pa yung tinuro ng bottle. Ang malas naman oh!

"Hmm, truth" sagot ko.

Kinakabahan ako baka kung ano pa ang maitanong nila sakin.

"May pag-asa ba si Moe sayo?" Tanong ni Hanadi

Mygosh! Ito na nga ba ang sinasabi ko! What the hell?

"Nice question Hana!" Sabi ni Dave na nakaakbay sa kanya

Tinignan ko ng masama si Hana. Humanda ka sakin mamaya! Pinagkakaisahan nila talaga ako! I need a kakampi. Pwede ka ba? 

Hindi ako makasagot, nahihiya talaga ako. Ano bang pwede kong isagot? Moe is a good boy. He's handsome that girls are dreaming to be with him.

"So, ano? What's your answer?" Tanong ni Moe na nakasmirk pa talaga

Wow ah!

"Hmmm"

Ano bang isasagot ko?

"Hmmm oo, pwede" sagot ko

I flushed. Nakakainis naman kasi! Hindi talaga ako magaling sa pagsisinungaling. Buti pa si Zoona at Jelo, masaya na! Kami ni Moe? Ang gulo gulo! Parang Algebra, hindi mafigure out!

"Omo! Ang sweet, inlove ang bestfriend ko" pang-aasar ni Zoona 

"Ang sarap naman sa pakiramdam! I'm inlove" sabi ni Moe at inakbayan ako

Tinakpyan ko yung mukha ko ng unan. Nakakahiya! I'm blushing..

"Okay next" sabi naman ni Hanadi at pinaikot ang bote.

Natama naman ito kay Zoona. Ako nga ang may tanong sa kanya. Well, it's my revenge. Kanina pa niya ako inaasar! Sana truth yung piliin niya

"Truth or Dare?" Tanong ko

"Truth" sagot niya.

Napangisi ako. Buti naman at truth. Kumuha muna ako ng Piattos at kinain ito bago nagsalita.

"Nakamove on ka na ba kay Gerald?" Agad kong tanong sa kanya na nagpatigil sa lahat.

Napanganga talaga sila. Mali ba yung tinanong ko? Natural! Ang tanga mo talaga Faye, nandiyan si Jelo. Oh no!

Nagbago yunh ekspreksyon ni Jelo. Si Moe naman ay siniko ako. Si Hana at Dave ay nakatingin lang kay Zoona..

"Ano bang tanong----" sabat ni Dave pero nagsalita agad si Zoona

"Hmm, yes of course! bakit naman hindi? Matagal na yun" nakangiting sagot niya.

Humanda talaga ako. Aawayin na naman niya ako mamaya. Get ready Faye!

Mukhang lumiwanag naman ang awra ni Jelo at hinalikan pa si Zoona sa cheek. Sweet!

#

The Heartless Bitch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon