Special Chapter 4

879 36 5
                                    

"Mommy, can I have a brother?" Nasamid ako dahil sa sinabi ni Beatrix. 3 years old na siya at hanggang ngayon, hindi pa namin siya nasusundan. Well, Gian and I chose not to rin naman. We wanted to cherish the time we have with her lalo na at sa sobrang pagka-spoiled niya, baka magalit sa amin kapag nahati agad ang attention namin if nagkaroon agad siya ng kapatid.

But now that she brought it up...

"What did you say?" tanong ko sa kanya, pretending as if I didn't hear her correctly.

"I said I want a brother!" pag-uulit niya. Lumingon din siya sa akin and there goes her paawa face. Ah, shit. Saan ba talaga natutunan ng batang 'to yung mga ganitong paandar niya? Kapag hindi niya nakukuha ang gusto niya, laging ganito ang ginagawa niya. Ito namang tatay niyang walang kwenta, bumibigay agad. Magsama nga sila! Ugh.

"Baby, hindi gano'n kadali magkaroon ng brother," mahinahon kong sagot sa kanya. Akala ko hindi na siya magrereklamo but I forgot that she's the little devil nga pala. Hindi siya nauubusan ng sagot at katwiran hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya.

"Bakit yung friends ko may baby brother? I want one! Let's get one sa grocery!" sagot niya sa akin and I had to stop myself from doing a facepalm right in front of her. Baka pati 'yon ay kwestiyunin niya pa.

There was a time before that she caught me and her father kissing. Okay, fine. More like making out na. Ito kasing si Gian, hindi ni-lock yung pinto. Beatrix caught us then she started asking why were our tongues playing with each other tapos why is her father's hand inside my shirt daw. Jusko. Hindi ko alam kung anong klaseng paliwanag ang gagawin ko. Ang ending, I let Gian explain things to her. Ang kaso, itong bwisit na tatay niya, sabi may makati raw kasi kaya kailangang gawin 'yon. Kung hindi ba naman tarantado't kalahati 'tong asawa ko.

"Baby, hindi siya nabibili sa grocery," sagot ko. Beatrix then kept silent for a couple of seconds bago na naman siya humirit ng kung anong kalokohan.

"How about sa toy store? Maybe they have sa toy store!" she insisted. I swear nauubos na ang pasensya ko sa batang 'to! Nasaan na ba kasi yung tatay nito nang siya ang makipag-usap dito?

I immediately pulled out my phone from my pocket and dialed Gian's number. Natapos na ang ring at nagsalita na yung punyetang operator pero walang Gian na kumausap sa akin. I tried dialing his number again pero hindi pa rin siya sinasagot.

Left with no choice, I called Jillian instead. After three rings, sinagot na niya agad.

"Hello, Ate? Bakit ka po napatawag?" tanong ni Jillian sa kabilang linya.

"Kasama mo ba yung bwisit mong kuya?" deretso ko namang tanong sa kanya.

"Ay, yes po, Ate. Gusto mo bang i-loud speaker ko? He's driving po kasi." Ilanng buntonghininga ang pinakawalan ko in an attempt to calm myself down. Pero wala. Nawiwindang at naii-stress pa rin ako sa bubwit na kasama ko ngayon.

"Yes, please?"

"Ate, you're on loudspeaker na po," Jillian informed me. Lumayo ako nang kaunti kay Beatrix pero nakasunod pa rin ang tingin niya sa akin. I then forced a smile and asked her to continue coloring her books. Inuto ko na rin na gagawa kami ng cupcakes mamaya kapag maganda yung pag-color niya. Aangal pa sana siya pero nung narinig niya yung cupcakes, she gladly followed my orders na.

"Babe, okay ka lang ba? What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Gian. I should really be happy na concerned siya sa akin kaso hindi ko magawang matuwa kapag naaala ko yung pinagsasabi nung bubwit kanina!

"Wrong? Tinatanong mo kung anong wrong? Tangina, Gian. May sira yata sa utak yung anak mo!" reklamo ko sa kanya. Narinig ko ang pagtawa ni Jillian sa kabilang linya pero hindi ko na lang siya sinita. Mas naiirita pa rin ako sa tatay nitong batang 'to!

Let Me See (Let Me Series)Where stories live. Discover now