Chapter 5: Sorry

8 1 0
                                    

.

"You made me so tired," giit ko at binaba ang espada. Humiga ako sa malambot na ring. Tumabi naman siya sakin.

"Kamusta?" I smiled at her question and closed my eyes.

"Magaan po. I feel at ease. Ang gaan sa puso," sagot ko.

I really feel happy this day. Dalawa lang kami pero alam kong sobrang saya ko ngayon. It's like I was in cube and someone saved me. At si Mommy yun. She made my day today colorful. Like my drawings.

"Kapag malungkot ka, it's nice if you will go to a gym. Lalo na kapag wala ako. Hindi kita masasamahan eh. I know na hindi ka rin sanay magsabi sa Daddy mo ng problema," sambit niya.

"Naiintindihan ko naman po si Daddy. Kaya ayos lang. Kaya ko na sarili ko."

Napakurap ako nang tapatan niya 'ko ng espade sa leeg. Hindi naman iyon matalim kaya hindi ako natakot. Mas kinakabahan kasi ako sa talim ng mata niya.

"Naiinis ako sa sarili ko," aniya. Nangunot ang noo ko.

"Bakit po?" tanong ko naman.

She sighed and threw the sword somewhere. "Masyado kang nagmana sa'kin. Back then, I also always say to my friends, parents, and Raen na kaya ko. Kahit alam ko na masakit."

Natahimik ako sa sinabi niya at nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko tuloy alam na niya ang iniisip ko.

"It's not wrong to be weak Shana. Lahat ng tao may kahinaan. Ang mahalaga, kung paano natin nao-overcome yun. I'm here. I'm your Mom. Pareho rin tayong babae kaya you don't have to keep your thoughts and feelings. Pwede mong sabihin sa'kin. I won't force you pero gusto kong alam mo na nandito ako palagi. I can skip my work kung may problema ka."

Tahimik na tumulo ang luha ko at tinignan siya. She smiled for assurance kaya tumango ako. "Thank you," sambit ko.

"All for you, my love." I chuckled and nodded again.

"I love you too."

Matapos ang pagpunta sa gym na 'yon ay naisipan naming mag-Mall muna. Sinabi kong baka kailangan na siya sa trabaho pero sabi naman niya ay 'wag ko nang alalahanin 'yun.

"Anong pwede nating pasalubong sa Daddy mo?"

Natigilan ako sa tanong niya. Bitbit ko ng paper bag na pasalubong para kay Rayd na isang gitara dahil nakita kong sira na yung sa kanya. Hawak naman ni Mommy ang mga damit na para kay Hace.

"Uhh...I don't have an idea," mahina ng sabi ko.

Magmula nang bumagsak ako sa Math subject at sunod-sunod na suspension sa'kin ngayon tenth grade naging ilag sakin si Daddy. Ayoko namang magbigay sa kanya ng kung ano dahil baka isipin niyang nagsisip-sip ako sa kanya.

Tumango si Mommy. "Tara na. Uwi na tayo."

Umawang ang labi ko sa sinabi niya. We have all pasalubongs for Rayd and Hace pero kay Daddy wala?

"W-We...uhh...can buy him some...ballpen?" I suggested. Ngumiti siya at tumango.

Pumunta kami sa mga store ng ballpen at namili. Si Mommy naman ay kakanta-kanta lang at panay ang tingin sa kung saan. It was like she's making me choose for my Dad.

'Ano may napili ka na ba?" tanong niya.

I pouted. Masyadong marami ang klase ng ballpen dito. Mula sa pinakamura at mahal. Muro sa pinaka-simple at elegante kung titignan.

"Wala pa po," sagot ko. She chuckled and started singing again. "Mom?" asik ko habang nakasimangot sa kanya. She looks at me with a furrowed face like she's pretending. "I'm aware of what you are doing Mommy," sambit ko. She just shrugged and started humming again.

Collapsing Sky [Bravehearted Beauty #1]Where stories live. Discover now